P R O L O G U E

44 6 0
                                    

G A B R I E L L A' S P O V

"Hoy! Seryoso ka ba talaga dyan sa gagawin mo?! Mapapahamak ka dyan ii! Ay teka pati pala ako jusko!"

"Shhhh! Ang ingay mo! Mabubulilyaso tayo nyan ii! Pucha shattap na kase ako na bahala dumiskarte!" sabi ko.

Shet malagket. Kung alam niyo lang kung anong plinaplano namin. Ay teka, ako lang pala may gusto nito nagpasama lang ako. Iba talaga pag tawag ng pera ang kailangan no? Mapapalunok ka nalang talaga sa takot pero kailangan ko tong harapin.

Kukunin ko lang naman yung mga wallet at iba pang nandun sa locker na mga yun diba? Oo! Madali lang yun! Aantayin ko nalang silang lumabas.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang mga lalaking galing sa loob ng locker room. Nag pa as if kaming may ginagawa ng kasama kong si Sarah. Actually bestfriend ko to. Dito kaming dalawa nag aaral sa Perks High.

Buti nga pinalad pa akong makapasok dito sa skwelahang to na mayayaman lang ang nakakapag aral. Thanks to my brains kahit walang beauty! Scholar ako dito at mahirap lang kami. Oo. Mahirap as in poor. Kaya ko nga gagawin ang krimeng to diba?

Wala akong ibang choice kundi gawin to. Kailangan namin ng pera. Ayokong maging pabigat kina mama. Gusto kong makatulong. Oo maling paraan talaga tong ginagawa ko para magkapera sorry na.

"Sige na. Papasok nako. Look out ka ah. Magtext ka kaagad pag may tao para makapaghanda ako!" bulong ko kay Sarah.

"Oo na oo na! Bilisan mo! Jusko ka Gabriella Raciana Elise Ponce! Pag tayo nadali naku ewan ko nalang sayo talaga!" napakamot siya sa ulo niya sabay make face.

"Akong bahala! Hindi ka pa ba sanay sakin? Nung sa previous school natin ganito din naman ah! Masanay kana Sarah!" sambit ko sabay tulak sa kanya papalabas ng gym.

"Ewan ko sayo! Ginagawa mo na tong bisyo mo bwesit ka!" napairap nalang ako sa sinabi niya.

Agad akong pumasok sa loob ng locker room at sinarado ang pinto sabay lock. Dali-dali kong pinagkukuha lahat ng mga maaaring pagkaperahan ko. Linagay ko ito sa mga compartment na nasa loob ng jacket ko.

'Lord sorry talaga! Im so sorry Lord huhuhu'

Hindi din ako nagtagal sa loob ng locker room at tumakbo kaagad ako papalabas. Naka cap ako naka jacket tapos naka jeans. Itim lahat ng kulay.

Nakayuko akong nagtatakbo ng biglang ...

"Oh shit! Watch where your going miss! Wag kang tanga!" bulyaw nito sakin.

Nakabangga ako ng tao. And he told me TANGA?! Aawayin ko na sana siya pero naalala kong kailangan ko ng umalis sa crime scene'ng ginawa ko baka maboking pako sa ginawa kong to!

Hindi ko na siya sinagot pa at agad akong tumakbo papalabas.

Oo ganun ang ginagawa ko. Isa akong magnanakaw. Well, oo tinatanggap kong ganun nga ang ginagawa ko. Pero may malalim akong dahilan kung bakit ko ginawa to.
Ako si Gabriella Raciana Elise Villamor Ponce, ang babaeng snatcher.

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon