C H A P T E R T W O

23 4 0
                                    

G A B R I E L L A' S P O V

Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Jusko hindi ako tong nakikita ko e. Zombie to! Ang dark ng circles sa mata ko! Tapos nadagdagan ng isa yung pimples ko kaa dalawa na sila! Tapos ang putla putla ko pa! Hays!

"Hoy Rac—Gabby kain na! Ano bang ginagawa mo dyan at kanina ka pa hindi bumababa! Mag aalas syete imedya na oh!" sigaw ni mama mula sa ibaba.

"One minute lang po ma!"

Hays! Naku naman kase! Bakit ako nagkaganto?! Eh kase naman, hindi ako nakatulog kagabi! Bakit nanaman?! Dahil sa mga nakuhanan ko ng pitaka! Okay lang naman yung mga iba e, pero yung last one na nabuksan ko, naku!

I know what he's capable of!

Bumaba na kaagad akong yuyuko-yuko tapos ay umupo na sa mesa para makakain.

"Anyare sayo ha? Yuyuko-yuko ka dyan?" tanong ni papa na nakaupo sa may pinakadulo. Nagbabasa siya ng dyaryo tapos humihigop ng kape.

"Wala po. Inaantok pa po kase ako" 50 percent true. Yung isang 50 percent ay itong mukha ko. Bushet.

"Puyat ka? Bat ka napuyat? May ginawa ka nanaman ba?"

Shet. Alam ni papa?! Eh panong alam ni papa, e ako lang naman at si Sarah ang may alam sa plano ko?! Ohmyghod! May power ba si papa?!

"A-Ano pong ibig n-niyong s-sabihin?" uutal-utal kong sambit. Nakita kong medyo kumunot ang noo niya dahil siguro sa sinabi ko.

"Ha? Ang sabi ko ano nanaman kakong ginawa mo kagabi't puyat ka? May project ba kayo? May pinapagawa ba sainyong paper works? Anong pinagsasabi mo dyan" sabi naman ni papa na inilingan ko lang. Hindi ako makatingin sakanya ng diretso. Tinatakpan ko yung mukha ko para di niya mahalata.

Binilisan ko yung pagkain ko and after everything nakaalis na din ako sa bahay.

Whoo! 1 mission success! Pero wag pakampante, may isa pa akong problema.

ANG MGA NASNATCHAN KO. PUCHA.

•••

Wala pang ilang minuto ay nakaabot na ako sa school. Naka cap din ako. Umaambon pa kase. Alam niyo na iwas sakit. Dala-dala ko sa loob ng bag ko yung mga pitakang nakuha ko kahapon. Sana lang talaga hindi ako mapahamak nito.

Papasok na ako sa gate ng bigla na lang ako hilain ng isang babae. Si Sarah lang pala.

"Oy dahan-dahan naman! Wag ka namang mangadladkad oy!" sigaw kong sabi pero hindi siya tumigil sa pagtatakbo hila-hila ako.

"Tsk! May kailangan kang makita!"

•••

Z I D' S P O V

"Excuse me Maam. But I really need to find that wallet. I dont care kung kailangan ko pang magbayad, magbabayad ako! I dont care if magwala si papa dito just because Im having this what he calls 'tatrums'! Just find me that wallet!" I said in anger.

"Dont worry Mr. Marquez we will find a way—"

"Shit! Find a way?! Kelan pa?! Pag tuluyan na talagang hindi mahanap yung wallet ko?! Dang it! Kung ganun din naman ang pupuntahan ng storyang to, I think its better to find it my own! Thank you for helping Maam! It is deeply appreciated!" sarkastiko na kung sarkastiko wala akong pake! Principal din yung kausap ko. But I dont care. My dad owns the school. I can do whatever I want!

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon