C H A P T E R S E V E N

16 3 0
                                    

G A B R I E L L A'S P O V

Marquez Residences.

Whooo! Nakarating din! Agad agad akong dumoorbell at ilang segundo lang ay may lumabas na maid na pinagbuksan ako ng pinto. Medyo matanda na yung maid. Around 50's siguro.

"Ano pong kailangan nila?" tanong nito.

"Uhh ako nga pala si Gabriella—" napa pause ako sandale. Ano namang sasabihin ko? Na friend ko si Zid? Malamang pag nalaman nya yun baka ipatalsik pa ako dito! O baka naman sabihin nun napaka chansing ko naman. Tsk.
"Maid ni Zid — nandito po ba siya?" ngingiti ngiti kong sabi sakanya.

"Ah, ikaw pala yung sinabi niya sakin kanina na pag may naghanap daw sakanya, papasukin daw. Sige hija pasok ka." pumasok naman ako sa mala ala palasyong garden nila. Garden kase yung una, bago yung bahay.

Habang naglalakad kami, tingin ng tingin yung matandang maid sakin. Nakakailang masyado kaya hindi ko nalang pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag tatanaw sa mga magagandang kagamitan meron sina Zid. Sobrang swerte talaga ng batang yun.

"Hija, sigurado ka bang maid ka ni Marco?"tanong nito sakin na para bang ayaw pa niya maniwala.

"Sino pong Marco manang?" tanong ko sakanya.

"Si Zid. Hindi kase kami sanay na tawagin siyang Zid e. Marco talaga tawag namin dyan sa batang yan"

"Ah—hehehe opo. Bakit nyo naman po naitanong manang?" napatigil ako sa paglalakad papasok at tinanong siya.

Tinignan niya ako mula ulo na para ba siyang scanner kung kumilatis.

"Ang ganda mo kase hija para maging katulong. Yung kutis mo, pang mayaman." napangiti nalang ako sa sinabi ni manang.

Pagkatapos ay, nagpatiunang maglakad si Manang papasok sa palasyong bahay nila Zid! Shit! Ang swerte talaga ng batang yun! Pano ba naman hindi siya swerte dito, e ganito ka kagandang bahay ang uuwian niya! Pero sayang, yung ugali niya pang kalye na akala mo wala na talagang pag asang mag bago.

Hawak-hawak ko pa din ang malaking bag na dala ko. Ang bigat din nito syempre. Nandito lahat ng gamit ko e!

"Sige hija. Upo ka na muna. Kukuha muna ako ng maiinom mo." nakangiting sambit ni manang kaya tumango ako at umupo kagaya ng sinabi niya.

Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. Sa parteng ito ng bahay, dito ang kanilang sala. Walang tv, pero ang elegante ng ayos. May nga vase, tapos may mga bulaklak sa paligid. Tapos may malalaking sofa set.

"Youre late!" may narinig ako mula sa likuran ko kaya agad akong napalingon sa likod.

Bumungad sakin ang mukha ni Zid na sobrang busangot na. Naka jacket siya tapos naka kakki shorts. Naka tsinelas lang din siya. Ang simple ng suot niya pero ang gara tignan. Take note: dinedescribe ko lang!

"E-eh kase h-hindi ko alam kung saan ako pupunta kase di ko naman alam bahay niyo e! Buti nga nakarating pako dito!" and that statement was hundred and one percent true.

"Aish. Sige na sige na! Dami mo pang rason! Ang sabihin mo tamad ka! Lets go!" sabi nito tapos may kinuha sa may drawer ng isang cupboard sa may gilid ng hagdanan.

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon