+kiss

72 70 4
                                    

jimin's pov

pinagmamasdan ko lang ang nakatagilid na mukha ni yeri habang nakatingin sa pinapanood niya sa tv

nanunood ng porn hehe

hanggang ngayon ay, nakaka-walang hininga parin ang gandang taglay niya

hindi ko narin yon matatanggihan e, kapansin pansin naman ang kagandahan niya

kaya nagiinit ang dugo ko tuwing pagtitinginan siya ng mga lalaki at sobrang nangangati na ang kamay ko na sapakin sila

maliit man ako pero kaya ko silang sapakin

maliit man ako pero malaki naman-

okay, joke lang

hinawakan ko ang kabilang banda ng ulo niya at tinulak ng bahagya para mapatong sa dibdib ko.

napangiti ako ng hindi siya pumalag at nakatuon parin ang mga mata niya sa pinapanood

naamoy ko ang amoy ng buhok niyang sarap kainin dahil nangangamoy strawberry

hehe, saang buhok ang masarap kainin?

ang amoy niya palang ay mapapalambot na ang tuhod ko. paano pa kaya kung ang malambot niyang balat ay dumapo sakin?

"wag mo kong tignan" bawal niya habang nakafocus sa pinapanood

ang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa labi ko at pinaglaruan ang buhok niya

"hindi naman kita tinitignan" ani ko, "iba ang tinitignan sa tinititigan"

kahit hindi ko masyadong makita ang buong mukha niya, nakita ko ang pamumula nito at kinurot pa ang hita ko

naalala ko yung tinanong niya sakin kanina; "seryoso kaba talaga sakin? niloloko mo lang bako? wala lang bako sayo?" may naramdaman nanaman akong karayong tumusok sa dibdib ko

napabuntong hininga ako at hinawakan ang mukha niya para maiharap sakin, "kim yeri, bati na tayo ha?"

agad na napanguso ang mga labi niya at ang sama ng tingin siya sakin

"galit parin ako sayo" ani niya at tinuon ulit ang tingin sa pinapanood

kasalukuyan kaming nandito sa loob ng kwarto niya. pagkatapos niyang umiyak sa harap ko ay pinatahan ko muna ito.

binigyan ko siya ng mga sunod sunod na halik kung saan saang banda ng mukha niya para mapatahan ko siya

"hoy, gago" mahinang tawag sakin ni yeri at sinubo ang stick-o,

"hindi mo pa nasasagot ang tanong ko" nguso niya

"bakit kasi ganyan ang mga nasa-isip mo? sa tingin mo ba mag-iiyak iyak ako nung wala ka kung hindi naman kita mahal?" ani ko

napatango tango naman siya at sumubo pa ng isang stick-o. inubos niya muna yun bago magsalita ulit

"kahit na" sabe nito, "gusto ko paren ng sagot jimin"

napakamot ang isa kong kamay sa batok ko at ang isa ko namang kamay na pinaglalaruan parin ang buhok niya

buhok saan? hehe

shake | jiminWhere stories live. Discover now