+epilogue

44 41 0
                                    

super tete― este, super kyot's pov

oh ayan, after pukenginang three months nayan ah

"ate, pabili nga po nyan" ani ng binata doon sa tindera

"saan?" bobo

"ayan nga po" turo ng binata sa isang puting rosas

inabot ng ale ang bulaklak sa binata; agad naman nyang inamoy ito

malaking ngiti ang nakurba sa labi nito, "eto po bayad" ani nya at inabot ang three dollars

biro lang, 30 pesos lang yan

naglakad nalang sya dahil malapit lang din naman ang pupuntahan nya

agad itong nakarating at inalala kung saan ang pwesto nito

"hello" bati niya sakaniya ng makarating na siya

agad naman itong tumabi sakaniya at ang kakaibang simoy ng hangin ang yumakap sakaniya

sinindian ni jimin ang dalang kandila nito sa tabi ng puntod niya

"may dala pala ako para sayo" ani nya at tinabi narin ang bulaklak na binili niya kanina lang

pinagpag ng binata ang mga dumi sa lapida ng dalaga dahil puno ng alikabok ito

ngumiti ulit sya, "mas maganda kung nakikita ang pangalan mo"

pinagmasdan nya lamang ang puntod nito hanggang sa nararamdaman nya ang mga luha nitong tumutulo

"bakit ba ako naiiyak?" nguso ni jimin at pinunasan ang luha niya

inaasahan kong may sasagot pero malaming na hangin nanaman ang yumakap sakin

"kung makikita mo kaya ang gagawin ko mamaya, matutuwa ka? feeling ko oo kasi alam ko namang suportado mo ako diba?" ngiti nya ulit

"yerim, kung tatanungin ko kaya si yeri kung papakasalin nya ako, papayag kaba?" tanong nya ulit

napabuntong hininga na lamang si jimin at tumingala sa langit

tatlong buwan na ng malaman nilang naaksidente si yeri;

hanggang ngayon ay wala parin itong malay at ang binata naman ay umaasang magigising pa ito

ayaw nyang mawala si yeri kaya ginawa nya ang lahat

lagi siyang nasa tabi nito; hinihintay at inaabangan ang paggising nito

gustong gusto na nyang marinig ang mala-anghel nitong boses

gustong gusto na nyang makita ang
matamis nitong ngiti

gustong gusto na nyang makapagtitigan sa nakakalusaw nitong mata

in short, gustong gusto na nya itong makasama; nakayakap sa kanyang mga kamay

bumuntong hininga muli ito; tumayo si jimin at pinagpag ang pwetan

muli ay binigyan nya ng ngiti ang puntod ni yerim bago umalis doon

pumara ito ng jeep at pinadaretso kung saan nakahospital si yeri

hindi nagtagal ay nakarating na din sya sa hospital at agad ng dumaretso sa kwarto nito

pagbukas ng pinto; isang babaeng nakahiga sa kama ang nakita nito

nasasaktan parin syang makitang may mga taling nakadikit sa kamay nya

mga machine na lamang ang nagpapabuhay sakanya

shake | jiminWhere stories live. Discover now