+girls

72 58 0
                                    

jimin's pov

"yeri! wag ka na kasing umiyak. tahan na please, ayaw kong makita kang umiiyak" hinimas ko ang likod niya para mapatahan siya

lalo lang lumakas ang hagulgol niya

yumakap sya ng mahigpit sakin na para bang sinasabi niyang 'dito ka lang putangina mo'

isa't kalahating oras na siyang umiiyak at hindi ko alam kung masasaktan pa ako o tatawa dahil mukha siyang bata

nilagay ko ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ulit siya, "shh. acting lang yun, wag ka nag umiyak oh"

hindi siya nakinig sakin at umiyak ulit na parang batang naubusan ng candy sa tindahan

"wag mo ako iwan please. ayaw kong pakasal sa iba at sayo lang" hikbi niya at hindi makapagsalita ng maayos dahil sa mga iyak niya

kusa nalang akong napangiti at inipit ang ibang buhok niya sa likod ng tenga niya

hinawakan ko ang mukha niya para makita ko ng mas maayos

pulang pula ang mata niya dahil sa pagiyak niya at madungis na ang mukha

"i love you so much and i won't ever let you marry another man. youre mine, only mine"

pagkasabi ko nun ay dinikit ko ang labi ko sa kaniya at dinamdam ang bawat segundo

it was a simple kiss yet so powerful

"hinding hindi ko papayagang may daliri ng ibang lalake ang didikit sa balat mo, naiintindihan mo ba yon ha?"

tumango tango lang ito at niyakap ulit ako. buti naman at natahan na siya.

"tapos na kayo sa landian? pwedeng lumayas na muna tayo at makapagpahinga yan?" nakataas na kilay na sabi ni jin hyung

yep, nandito ang buong bangagtan

hindi ko alam na sumunod pala sila dito sa bahay ni yeri ng malaman nilang nahimatay siya

pakana ko lang ito para magbati kami ni yeri

syempre, gwapo ko kaya matalino ako

kinaya ko ang dalawang linggo ng wala siya at talagang natuyo ang utak ko sa kakaisip kung paano kami magbabati

hindi naman talaga siya ipapakasal sa iba. at kung ganon man ay magpatayan muna tayo bago mapakasal si yeri sa iba.

maliit man ako at walang jams, kaya kong makipagpatayan para lang sa mahal ko

kahit magalusan man ang gwapo kong mukha hehe

"hoy, jimin! tara muna sa labas, may paguusapan pa tayong bata ka" banta ni namjoon hyung

tatayo na sana ako ng hawakan ni yeri ang kamay ko at niyakap ang braso ko

"dito ka lang kung ayaw mong mawalan ng bayag, tangina mo"

napalunok naman ako dahil sa tunog ng boses niya

"hyung, sunod nalang ako. mahirap na, baka maging scramble ang itlog ko"

napasimangot nalang si namjoon hyung at lumabas na ng kwarto

bumalik ako sa pagkaupo sa kama at tinignan si yeri

nagtaka ako ng nakasimangot na siya sakin at maya maya ay magtatantrums na

"explain mo nga saken lahat, jimin" ani niya at diniinan pa talaga ang 'lahat'

shake | jiminWhere stories live. Discover now