Chapter 11: Our First Day

1.7K 47 0
                                    

Reign's POV
I woke up earlier in the morning. I'll do my daily routine, as always. I ate my breakfast.

Kinuha ko sa sala ang backpack at nagpaalam kila Mommy.

-beep-beep-beep-

"Nandyan na ang sundo mo, darling."

"Sundo?"

"Uh-huh. Hindi na muna si manong Ed ang maghahatid sundo sa'yo."

"At sino naman, mommy?" At nakataas ang kilay ko.

Tinawanan niya lang ako. "Take care, darling. Love you, bye." <beso>

Wala akong nagawa dahil pinagtulak ako ni Mommy sa lumabas para makita ko kung sino ang sinasabing sundo ko.

Naglakad ako palabas ng bahay.

Sinong sundo 'to? Kamatayan ba? Mamaya baka may paparazzi dyan sa labas at makita pa nila kung sino man sumundo sa akin.

"Good morning, wifey."

"What the- Ang aga aga, bakit ka nandito?"

"Para sunduin ka."

"At bakit naman?" At nakataas ang kilay.

"Kasi girlfriend kita at boyfriend mo ko?"

"Tss. Pretend lang naman ha? Bakit may pasundo sundo ka pang nalalaman?"

"I know. Get in, wifey."

"Fine! ...As if I have choice."

Binuksan ko ang backseat.

"Hep, hep, hep, dito ka sa front seat," <sabay bukas ng pinto> "huwag ka dyan sa backseat at magmumukha akong driver mo."

Pumasok na lang ako ng walang imik sa kanya.

Parking Lot.
"What the hell! Ba't may media na naman?!"

"Kasi nandito ka?"

I rolled my eyeball.

"Oh my gosh! Si Prince Gab!"
"Diba, car niya 'yan?"
"Oh my! May kasama siyang Girl!"

"Tss. Prince Gab, hindi siya mukhang prinsepe."

"Ano iyang binubulong mo, wifey?" At nakataas ang kilay niya.

"Hindi ka naman mukhang prince."

"Edi hindi. At hindi ka din mukhang model na si Miss Dyvhonhere the Asian Supermodel."

Edi hindi din. Tignan na lang natin kung hindi mo kainin ang sinasabi mo. Kapag ako, bumalik sa Miss Dyvhonhere look, who you ka sa akin.

"Kakainin mo din iyang sasabihin mo. Baka mainlove ka pa."

"Let's see, wifey."

Nauna akong lumabas sa kotse niya at sumalubong sa akin ang mga girlfriends ko at barkada ni Bryle.

Napasinghap naman ang mga estudyanteng nandoon at buti na lang ay nakapalibot sa akin ang mga kaibigan ko kaya hindi ako nakita ng mga taga-media.

"Good morning, Reign! <beso>" My girlfriends

"Morning girlfriends."

"Good morning, Devon." Ford

"Ow! Kumpleto ata kayo? Anong meron at sinalubong niyo pa kami?"

"Duh! Nakalimutan yatang nandyan lang ang paparazzi mo." At tinuro ang media sa likuran ko.

"At kami ang friends mo slash bodyguards."

Miss Supermodel Meets Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon