Chapter 20: The Heaven

1.8K 39 2
                                    

A/N: ♡Last chapter ♡

Reign's POV
Nagising ako sa damuhan sa isang napakagandang hardin. Parang iyong hardin ni God na sinabi sa bible.

May mga iba't ibang halaman, bulaklak, mga damuhan na tama lang ang tabas, punong nagtataasan, at makukulay na mga hayop pati ang mga ibon.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko roon.

Naglakad lakad ako doon. Wala akong makitang tao doon at napadpad ako sa isang batis.

Napatingin naman ako sa suot ko. A plain white maxi dress. Wala akong sapin sa paa. At nang hawakan ko ang buhok ko ay nakawaterfall braid ako.

"Wow! Sobrang ganda naman dito! Para akong nasa heaven-"

Natigilan ako.

"Heaven? Teka? Patay na ba ako? Ano bang nangyari sa akin? Ang naaalala ko nasa bahay ako, kasama ko sila Hubby, girlfriends ko at mga boys. Tapos? Dumating si Kuya Kristan. Tumakbo ako at niyakap ko. Natigilan ako kasi nakita ko si Laxwell. Nagalit ako. Tapos, tapos, nag usap kami. Naging okay kami at may closure na kami. Tapos..."

Ano na ba ulit ang kasunod noon?

"Humingi siya ng farewell hug sa akin at pumayag ako. Tapos, niyakap niya ako ng mahigpit at di pinakawalan. Para siyang baliw. Nagpupumiglas ako. Tinutukan niya ako ng baril. Nagwarning siya lahat na walang lalapit sa kanila. Paatras siyang naglakad kasama ako patungo labas ng mansion... and then, sinuntok at sinipa ko siya .. tumakbo ako.. at may narinig akong putok galing sa baril at bumagsak ako kay H-Hubby."

Humagulgol ako roon.

"Patay na ba ako? Nasa Heaven na ko? Iniwan ko na sila? Iniwanan ko na siya? Pero may pangarap pa kami, tapos.. magpapakasal pa kami."

Hindi, hindi, hindi, hindi pa ako patay. Nanaginip lang ako. Diba? Diba? Hubbyyy!

"Apo,"

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

"WAAAHHHHH!"

"HOY!"

"LOLO?"

"Ako nga, Apo."

"Lolo! I missed you!"

Niyakap ko siya.

"Naku, ang paborito kong apo. Namiss din kita. Kamusta ka na?"

"Okay lang po, Lo. Lumaking maganda, hihi! Nasaan nga pala tayo Lolo?"

"Nasa heaven ka, Apo."

At humalakhak pa si Lolo.

Natigilan ako sa sagot niya.

"Lolo Juan naman ih! Hindi magandang biro 'to! Nasaan nga tayo?"

"Heaven nga, Apo."

"Weh? Jinojoke mo lang ako ih."

"Hindi naman akong nagsinungaling sa'yo noong nabubuhay pa ako."

Natulala ako sa sinabi ni Lolo.

"Limang taon na akong sumalangit, Apo. Diba nga namatay ako dahil sa atake sa puso. At masaya akong umalis sa inyo noon. Laging kitang binabantayan mula dito, Apo."

At nakangiti siya sa akin habang hinahaplos ako sa ulo tulad nang ginagawa niya noon.

"Nakita ko ang nangyari sa'yo, sa mansion ng mga magulang mo. Limang buwan ka nang nakaratay ang katawan ko sa hostipal at makina na lang ang bumubuhay sa'yo roon."

Umiling ako kay Lolo.

"Halika, Apo ko, ipapakita ko sa'yo para maniwala ka sa akin."

Tumango ako at lumapit kami sa batis.

Miss Supermodel Meets Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon