Capitùlo Cuatro

1.4K 89 5
                                    


      Naalimpungatan ako sa isang ingay na nanggagaling sa taas ng bahay. Ang aga-aga maglandian ng mga kalapati ni Mang Temiong, aking kapitbahay na tumandang binata. Hindi na daw kasi siya naniniwala sa pag-ibig. Ubos na ubos na siya. Pati savings niya naubos na. Kakaawa nga eh.. Ang hirap din mag-invest ng feelings sa isang tao. Mahuhurt ka lang sa huli.

   Nu bayan! Aga ko pang humugot ah? At dahil nga di na ako nakabalik sa pagtulog ay agad kong inakyat sa kwarto ang aking bisitang "anghel" daw. Hindi pa siya nagigising sa ganitong oras? Buhay señorito ba ang mga anghel sa langit? Kain tulog lang din ang ginagawa nila?

   Akala ko kasi nandiyan sila para pangalagaan ang mga tao pero parang iba at ang nararamdaman ko kay Michael. Naku naku! Baka nga nagpapanggap lang 'tong angel tapos malademonyo pala ang ugali.

     Bubuksan ko na san ang pinto ng kwarto ko nang bigla nalang itong bumukas at linuwa nun si Michael na grabe ang freshness. Shet! Bakit ganito siya? Nakakapanghina ng tuhod. Ang gwapo gwapo niya kahit parang bagong gising lang talaga siya.

   "Ah-Eh.. Hi Michael! Good Morning sa'yo." bati ko sa kanya ng mahinhin. Nababaliw na talaga ako. Bakit ako nagiging ganito kahinhin sa pakikipag-usap sa kanya?

   Isang matamis na ngiti naman ang binagay sakin ng kumag na naghatid sakin sa ikalimang palapag ng aking bahay. Syempre mema lang. I mean, para akong nasa langit sa kanyang mga ngiti. Heavenly talaga. Maniniwala na talaga akong galing siya sa kalangitan. Kunting push nalang.

    "Magandang umaga din sa'yo Sancho.. May pagkain na ba? Nagugutom na kasi ako. Grabe pala maging tao. Laging gutom." ngisi niya na ikinairap ko lang. Ang galing! Gumising lang talaga ang kumag para maghanap ng pagkain.

   "Wala pa pong pagkain kamahalan.. Kaya kung ako sa'yo samahan mo ako at mamalengke tayo. Wala nang stock sa aking ref." inis kong sabi sa kanya na kinakamot lang niya sa kanyang ulo.

    "Eh teka nga Michael? Ikaw ha.. Baka miyembro ka ng budol-budol gang at kunwari paawa effect ka tapos pag nahulog na ako sa bitag mo, nanakawin mo na lahat ng nakasanlang gamit dito sa bahay ko?!" seryosong saad ko sa kanya na kinatawa lang niya.

    " Napakamapanghusga niyo talaga. Hindi ba pwedeng pagkatiwalaan niyo ang isang tao kapag nagsasabi sila na mabuti ang kanipang hangarin at walang halong pagpapanggap?" sabi niya sakin. Grabe naman mga 'te.. Ang bango ng morning breath niya. Bakita ganun? Wala ba siyang kahit anong kapintasan sa katawan? Lahat perfect!

     "Syempre naninigurado lang ako.. Ang dami na kasing ganyan ngayon. Kesyo ganito, kesyo ganyan.. Kaya kailangang siguraduhin ko na hindi ka nandito upang ipahamak ako." madiin kong sabi sa kanya na nagpangiti pa lalo sa kanya. Ang heart ko naman ay ayaw din magpapigil. Grabe ang pintig. Mukhang lalagpas na sa BPM meter ang pintig nito.

   "Huwag kang mag-alala. Ipapaliwanag ko rin sa'yo lahat. Kailangan ko rin makuha ang iyong tiwala. Dahil kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan, hindi rin ako magtatagumpay sa misyon ng Diyos para sa akin."

   Umirap nalang ako sa kanya at tumalikod ngunit humarap ulit ako at muntikan na talaga mga besh! Muntikan na akong matumba dahil may balat ng saging pala sa sahig na hindi ko alam kung saan galing at parang in a split second, nag slow-mo lahat ng bagay.

    Salong salo ako ni Michael at magkalapit talaga ang aming mga mukha at nakangiti pa siya na muntik nang magpawala ng aking kamalayan. Kinokontrol ko ang aking sarili ng todo upang wala akong gawing kahalayan sa lalaking aking kaharap ngayon pero may tinig sa isip ko na sinasabing gawin ko iyon. Pero hindi!! Hindi pwede.. Bakit ba kasi nakakaramdam ako ng ganito? He is a stranger.. Hindi ako basta basta dapat magtiwala.

    "Minsan kailangan mo ding isipin na lahat ng ginagawa mo ay may masama at mabuting kapalit. Kapag nag-iisip ka ng masama, masama din ang mangyayari sayo. At kapag nag-iisip ka ng mabubuting bagay, asahan mong mabuti din ang mangyayari sa'yo."

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon