Capitùlo Dòs

1.5K 84 0
                                    


      "CUT!!" sigaw ko. Siguro ay tama na muna ang scene na aming nakunan ngayon. Nakakaimbyerna na kasi ang itsura ng aking leading lady. Mukhang ilang libong linya ang sinabi niya eh apat na salita lang naman ang sasabihin niya sa kanyang kaeksena.

    "Direk! What do you think? Okay ba yung take ko?" malanding tanong sakin ni Emma. Emma Laputa. Diba? Pangalan palang alam na alam mo na kung anong klase ang pagkatao. May pa "It's Lapyùta!" siyang nalalaman eh ang spelling naman.. Hays.. Stressful talaga ang babaeng ito. Kung di lang para sa malaking sweldo na nakukuha ko sa pagdidirek ng pelikulang ito ay titigilan ko na ito.

    "Okay na Emma.. Yun lang naman ang sequence ngayon. Nakunan na yung karugtong na scenes nun tapos yung susunod naman ay kailangan mo ng double para sa stunts." propesiyonal parin akong nakipag usap sa aking artista kahit nakakaloka minsan ang attitude nito ay magaling naman umarte.

    "Direk Sancho! Tawag ka ni Sir Marky.." tawag ng atensiyon sakin ni Minnie, assistant director ko sa pelikulang ginagawa ko.

    Matutusta nanaman ata ako sa dada ni Sir Marky. The ever maraming reklamong executive producer ng pelikula.

    Agad akong nagtungo sa van nito at naabutan kong nakatakit ang mukha nito ng bandana niya at tila tulog na tulog.

   Bakit ba kasi siya nandito? Para siyang tanga kakasunod sa bawat shooting location na pupuntahan namin. Para namang hindi documented lahat ng gagawin namin. Nananadya na rin minsan ang kumag na'to.

    "Marky? Gising!" tapik ko dito at napabalikwas ito at umarteng kung fu master. Napailing nalang ako sa kalokohan nito.

    "Ba't ka ba nanggugulat Sancho?!" bulyaw niya sakin na kinataas lang ng kilay ko.

    "Eh kamahalan! Pinatawag mo lang naman ako dito? Ano may alzhiemer's ka na ba lolo Marky." sarkastikong saad ko sa kanya.

    "Bwesit ka talaga minsan.." inis niya saad sabay hablot ng isang folder sa kanyang inuupuan.

    "The feeling is mutual." saad ko naman sa kanya. At inabot ang folder na kanyang linahad sakin.

    "We need to finish shooting by next week, masiyado nang matagal ang period ng shooting ng mga scenes ni Emma. Kailangang makapag post production na tayo. Baka hindi iyan umabot sa press release at showing date natin." seryosong tono ni Marky sakin.

    "Kasalanan ng Casting natin kung bakit si Emma ang kinuhang leading lady eh alam niyo naman ang reputation ng bruhang yun? Nagtitimpi na nga lang ako kapag late yan palagi sa call time niya. Kapag talagang nainis ako sa babaeng yan, makakatikim yan sakin." inis na saad ko naman kay Marky na nakahilig lang sa upuan.

    "She is good. Kaya siya ang pinili ni Onse para maging lead actress. Ikaw kasi minsa bawas bawasan mo yang pagiging iritable mo. Hanggang ngayon ba hindi mo parin mapatawad ang sarili mo sa nangyari 5 years ago?"

    Bigla nanaman akong nakaramdam ng lungkot at nakipagtitigan nalang ako kay Marky. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari nung araw na yun. That darkest day of my entire existence.

     "I need to go back. May mga scenes pa akong kukunan. Maiwan na kita. Tsaka, please lang, stop reminding me of what should I do. Alam ko ang ginagawa ko. This is out of my personal life." inis kong saad kay Marky bago ako tumalikod at bumalik na sa tent ko at rineview ang mga scenes na nakunan namin ngayong araw.

  ------------------

      Ahhhh!!!" napaigtad ako bigla sa aking kinauupuan nang may marinig akong matinis na boses na humihiyaw. Kulang nalang ay matanggal na ang vocal chords nito sa kanyang lalamunan. Napasinghap ako ng hangin at napaikot ang aking mata. Heto nanaman..

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon