Capitùlo Dies

1.2K 66 5
                                    


     Okay.

      Sa totoo lang hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat. Ang alam ko, nandito na ako sa isang malaking bahay na punong puno ng tao at maingay na tugtugin. May party. Sana hindi maging coffee party ang ending nito.

      At kasama ko naman ang aking dakilang guardian angel sa aking tabi at minamatyagan ang paligid. Nakasuot siya ng puting turtle neck at  black ripped jeans na pinares niya sa isang red na sneakers. Pormado ang lolo niyo. Eh syempre di ako papakabog. Dapat lalaking lalaki din ang aking datingan. White tshirt na pinatungan ko ng red checkered long sleeves. Skinny jeans at blue na topsider.

    "Sigurado ka bang dito mo nararamdaman ang presence ni Bielzeebub? Baka nagkakamali ka lang?" tanong ko kay Michael na umiling lang sakin.

   "Nararamdaman ko ang presensiya niya dito. At alam kong sinusubukan niya akong lumapit sa kanya. Isa siyang demonyo na kumakain ng enerhiya sa mga taong hindi makuntento sa mga bagay na meron sila." tugon ni Michael sakin na kinatango ko naman.

    "Eh tamang tama pala ang lugar na pinuntahan niya. Mga mayayaman lang ang nakatira sa lugar na ito. At ang mga mayayaman, hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila. Diba?"

   Napatingin si Michael sakin na may tanong din sa kanyang mga mata.

   "Ang mga tao, binigyan ng pagnanasa at kagustuhan na siyang inabuso nila noong suwayin ni Adan at Eba ang Diyos. Dahil nabuksan na ang isipan nila sa masama at mabuti, mas ninais ng Diyos na paalisin sila sa Hardin ng Eden at mamuhay sa isang tigang at walang kabuhay buhay na lugar." pagsalaysay niya sa nakaraan na alam ko naman.

   "Eh bakit niya pa hinayaan na dumami ang tao? Kung paulit-ulit naman silang gagawa ng pagkakamali? Kung hindi mapunan ang kanilang mga pagnanasa? Kung wala silang pakialam kung may masasaktan matupad lamang ang kanilang kagustuhan?" sunod-sunod kong tanong na kinailing ni Michael. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang aking mga balikat. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kabog sa dibdib. Nakakaloka lang kapag ganito siya kalapit sakin.

   "Dahil mahal niya ang mga tao. Siya ang may lalang sa ating lahat. Kahit paulit-ulit silang nagkakasala, pinapatawad niya sila dahil iyon ang kanyang responsibilidad sa atin bilang tagalikha."

    "Minsan, hindi rin ako naniniwala na mahal niya ang mga tao. Dahil kung mahal niya ang mga tao, bakit niya hinahayaan na magkaroon ng kasamaan sa kanilang puso? Bakit hinahayaan niyang magkasala ang mga tao?"

    Napabitaw si Michael sakin at tumitig siya ng matagal saking mga mata.

    "Hindi ko rin alam Sancho. Hindi ko alam kung bakit nagkakasala ang mga tao. Marahil, dahil sa pagkakasala kaya nagagawang magbago ng isang tao. Nabibigyan siya ng kaliwanagan sa maraming bagay. Iyon lamang ang alam ko." mahinahon niyang sambit na sa di ko malamang dahilan ay natouch ako bigla.

    "Ngunit kailangan nating gawin ang nararapat. Kailangang ibalik ko si Bielzeebub pabalik sa impiyerno. Hindi siya dapat nandito. Hindi siya pwedeng hayaang makisalamuha sa mga tao." mariin niya pang dagdag na kinatango ko lang.

    "Paano naman natin yan tatalunin? Hirap na hirap ka na doon sa Asmodeus.. Paano pa kaya itong isang 'to na mukhang mas malakas kesa dun sa sex addict na yun."

    Hindi siya sumagot sakin. Dedma ang beauty ko. Ano pa bang magagawa ko? Napasok na ako sa kabaliwan na'to kaya enjoy the ride nalang. Death ride na hindi ko talaga pinangarap sa aking beautiful life.

  Pumasok kami sa bukas na gate at nagsisimula nang lumakas ang tugtog at kitang kita ko ang mga nakaswimsuit at nakatrunks lang na mga babae sa may poolside ng bahay. At ang iba naman ay nasa isang elevated stage at sumasayaw. Typical millenial parties.

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon