Capitùlo Ochò

1.2K 85 2
                                    


       Nakakakaba ang ginagawang suspense walk namin ni Michael patungo sa bahay ng mga Fernandez. Malawak ang garden nito at napapaligiran ng napakaraming bulaklak at halaman. Pati ata marijuana tumutubo na dito dahil sa di na mabilang ang tanim na matatagpuan doon.

    Naninindig ang balahibo ko nang maramdaman ko nanaman ang kakaibang presence na yun. Simula nang hawakan ko ang holy cup na yun kanina ay parang may kung anong lumukob din sakin na nagpatalas ng pakiramdam ko.

   "Mi-Michael.. Saglit lang!" daing ko kay Michael habang tangan tangan niya ang aking kanang kamay at napalingon naman siya.

   "Bakit Sancho? Natatakot ka nanaman ba?" nakalukot ang noo niya. Eh sino ba ang hindi matatakot? Hello? Demonyo ang kakalabanin niya.. Kung siya sanay makakita ng diablo, ayokong maranasan. Baka sumanib pa sakin at tuluyan akong magmukhang si Mamshie na sikat na sikat ngayon sa Thailand. Eh di bye bye na sa beauty ko?

   "Sino ba kasing hindi matatakot? Pwedeng hintayin nalang kita dito sa labas? Chukchakin mo na yang incubus na yan at umuwi tayo sa bahay." pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

   "Hindi ka maaring maiwan dito sa labas. Sigurado akong may naghihintay na kapahamakan sayo kapag naiwan kang mag-isa. Ramdam ko na hindi lang ang incubus ang nandito sa lugar. Meron pang mas malakas na enerhiya na aking nararamdaman."

   "Akala ko ba kasi magiging tao ka lang tapos hahanapin mo ang true love echos na sinasabi ni God sayo? Oh eh bakit may mga demonic forces pang kasama? Kaloka ka ah?!" pagrereklamo ko naman na hindi niya nalang pinansin.

   Hinigpitan pa niya lalo ang hawak niya sakin at hinatak niya ako papunta sa gate ng bahay ng mga Fernandez. At naramdaman ko nanaman ang kakaibang pagnanasa. Nagiinit nanaman ang katawan ko na hindi ko mapigilan.

    "Uhmm.. Michael.. Ang--- Ang init ng pakiramdam ko." sambit ko na nagpalingon muli kay Michael sakin.

   Kahit madilim ang paligid ay kitang kita ko ang kumikislap niyang mga mata. Ang perpekto niyang mukha ang mapupulang labi na tila ba napakasarap halikan. Parang may pwersang humihigop sakin papalapit sa kanya at gawin ang mga nais kong gawin dito.

   "Sancho.. Labanan mo ang pagnanasang dulot ng incubus sayo. Kailangan mong maging matatag Sancho. Labanan mo ang kanyang masamang balak. Isipin mo ang tama." pagpapakalma sakin ni Michael. Hinaplos niya ang aking mukha at unti unti akong natatauhan. Unti unting nawawala ang pagnanais kong gawin ang naiisip ko sa kanya.

   "Ganyan nga Sancho.. Pigilan mo. Alam kong mabuti ang kalooban mo ang pipiliin mo ang tama." sambit pa ni Michael sabay ngiti sakin.

   "Mauubos na ang hininga ko kakapigil nito.. Napakahirap." naisip ko nalang dahil talagang mahirap labanan ang tukso lalo na kung hubad na katawan ni Michael ang nakikita ko ngayon.

     Naging mas mahirap pa ang mga sumunod na pangyayari. Mahirap akyatin ang gate ng mga Fernandez kaya naman nagtulungan kami ni Michael upang mabuksan ito. At ako ang naisip na papasukin ni Michael sa loob at dahil sa higante nga siya, mas madali sa kanyang buhatin ako paakyat sa bakod at tumalon naman ako papasok ng kanilang malawak na bakuran.

    Mabuti nalang at hindi nakasusi ang main lock ng gate kaya mas mabilis ko itong nabuksan upang makapasok na ng tuluyan si Michael sa loob ng bahay ng mga Fernandez.

   "Bilisan na natin Sancho.. Pakiramdam ko hindi lang ang incubus na yun ang nasa loob ng bahay na yan. Nakakaramdam ako ng ibang presensiya."

    Tumango lang ako kay Michael dahil maging ako ay may nararamdamang kakaiba sa loob nito. At nagmadali na nga kaming lumakad papunta sa pintuan ng malaking bahay.

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon