Capitùlo Deciesiete

1K 46 15
                                    


Kung nakakamatay talaga ang mga titig ng kahit na sinuman, kanina pa ako natsugi. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari at bigla nalang ako nalagay sa ganitong sitwasyon.

"Kung hindi mo sasabihin sakin kung nasaan si Michael, katapusan na nating lahat. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon." pagbabanta sakin ni Papa Lucifer. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang gwapo gwapo niya kahit na isa siya ang sinasabi nilang Satanas. Siguro sagana siya sa plastic surgery sa impiyerno kaya di masiyadong halata na chaka talaga siya.

"Sabi ko nga, hindi ko alam kung nasaan siya. Bigla niya nalang akong iniwan. Wala siyang pasabi. Binura pa nga niya ang ala-ala ko ng pansamantala. Wala naman akong idea kung saan siya pupunta. For sure sa langit ang punta niya."

Napailing si Michael at lumapit sakin upang hawaka ang aking kamay. Ang lamig ng kamay niya mga bakla.. Parang ice na nakakapanindig balahibo talaga.

"Sasamahan mo ako na hanapin si Michael. Sa ayaw at sa gusto mo." sabi naman niya at biglang naging kulay itim ang mga mata niya na kinatakot ko pa lalo.

"Eh teka naman.. Kahit samahan pa kita, hindi naman natin alam kung saan siya hahanapin? Wala naman yung cellphone. Tsaka ewan. Nakakaloka talaga kayong magkakapatid. Bakit ba kasi di nalang kayo magkasundo lahat para tapos na ang away. Happy lahat."

"Hindi mangyayari iyon. Kailangan ko lang ang tulong ni Michael pero ang makipagkasundo sa kanila ng mga kapatid ko, hinding hindi yun mangyayari. At huwag mo nang problemahin kung paano natin siya mahahanap. May naisip na akong paraan." sabay ngiti niya na para bang hahalayin niya ako..

Diyos ko! Gagawin pa niya siguro akong hostage para lang magpakita ulit si Michael. Hindi ko naman gustong pagbigyan si Lucifer sa mga binabalak niya dahil baka linoloko niya lang ako at may masama talaga siyang motibo.

  "Hindi ako nandito para gawin kang hostage kung 'yan man ang nasa isip mo. Ang kailangan ko ay tulong ni Michael. Siya lamang ang may kakayanan na kumbinsihin ang aming ina na huwag nang naisin pang umalis sa Impiyerno."

 Nawiwindang ako sa mga revelations na aking naririnig. So talaga palang may mudrabels sila?

 "Ibig sabihin may mother nature talaga kayo? Like nanay? Akalak ko ba si Papa God lang ang gumawa sa inyo?"

 Napailing si Lucifer at agad na kinuha ang aking kamay at naramdaman ko ang sobrang lamig na sensasyon sa aking katawan. Ganun siya kalamig na parang pinasok ka talaga sa loob ng freezer.

  "Lahat ng alam mo tungkol sa relihiyon at paniniwala mo ay iba sa kung ano talaga ang nangyayari. Sa tingin ko hindi mo rin maiintindihan ang mga bagay kung ipapaliwanag ko man sa iyo lahat. Ang mahalaga ngayon ay makausap ko si Michael at umasa na magiging maayos ang lahat."

  Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha ni Lucifer. Maitim ang buhok niya na may kahabaan. Mas maliit ang katawan niya kumpara kay Michael ngunit parehas lang ang tangkad nila. Mga higante talaga sila. Hindi ko pa nga alam kung ito ba talaga ang totoo nilang anyo. Paano pa kaya kung makita ko na ang true form nila di'ba? Baka matanggal ang pempem ko at humiwalay na sakin ng tuluyan ang kaluluwa ko.

  "Eh paano nga kita matutulungan na mapabalik si Michael dito? Wala akong idea kung saan siya nagpunta. Basta niya nalang akong iniwanan at ano pa bang magagawa ko kung wala na siyang balak na bumalik dito?" 

  Nakaramdam ako ng kalungkutan habang naiisip ang mga huling sinabi ni Michael sa akin. Ang mga bagay na akala ko ay magiging totoo. Ang pag-asa na pipiliin niyang manatili at mabuhay bilang isang tao at kalimutan na ang tungkol sa pagiging isang anghel niya. Ngunit paano nga ba tatalikuran ang isang napakalaki at napakabigat na tungkulin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon