Capitùlo Cinco

1.4K 99 8
                                    


        Hindi pa man ako nakakamove on sa mga sinabi ni Michael ay bigla nanaman akong nagulantang sa isang boses na daig pa ang sirena mg mga bombero kung makatili. Masasampal ko na talaga ang babaeng 'to.

     "Sanchooo!!! Ayyy!"  natigil ang bruha sa paghiyaw nang madatnan niya kami ni Michael sa hapag kainan. Titig na titig ang merlat sa aking kasama.

     "Ano? Nganga ka nanaman? Basta gwapong lalaki talaga ang nakikita mo bumibigay agad matres mo!" usal ko sa bergahitang dumating na kala mo hinahabol ng mga adik sa labas.

      "Hi!! I'm Jamila. I quiet haven't seen you around here. It's nice to meet you!" ang bruha pa British accent pa mali mali naman. Natatawa nalang si Michael sa kagagahan ng aking kaibigan.

    "Kinagagalak kitang makilala Jamila. Ako nga pala si Michael. Mukhang masayang masaya ka sa araw na'to." masayang tugon naman ni Michael na lalong nagpapula kay Jamila.

    "Ah-eh.. Ang gwapo mo kasi kyah!" nyeta naging pabebe naman. Jusko. Malapit ko nang ibitin patiwarik ang babaeng ito. Hindi na nadala sa mga gwapong lalaki.

    "Salamat naman. Pero sa akin ay hindi ko linalagyan ng anumang lebel ang aking aking kagandahan. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos ayun sa kanyang wangis kaya naniniwala akong pantay pantay tayo sa paningin niya." lalim ng hugot ni Michael ah? Napanganga naman si bruha at napatingin nalang sakin.

    "Friend? Di ko naman alam na may nagpapari palang nakituloy sayo dito? Irarape ko nalang ito para di na matuloy sa kanyang ordinasyon."

    Tumayo ako sa mesa at agad siyang hinapit palapit sakin. Ngumiti muna ako kay Michael bago ko kaladkarin ang babaeng higad na ito sa aking sala.

    "Tumigil ka sa kalandian mo ha! Hindi yan magpapari at mas lalong huwag na huwag mong gagawin yun kung ayaw mong matunaw ang matres mo!" giit ko kay Jamila na nalukot lang ang noo. Tinabig niya ang kamay ko tsaka nag cross arms na kinikilatis ang aking kinikilos.

    "Ikaw Sancho ha! Kailan ka pa naging desperada? Pati magpapari pinatos mo narin? Huwag mong ideny! Alam kong alagad yan ng simbahan sa dating palang ng pagsasalita." napaikot nalang ako ng aking mata sa sinabi ng bruha.

    "Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yun.. At mas lalong mahirap ipaliwanag kung bakit siya nandito. Kaya manahimik ka nalang at huwag kang gumawa ng gulo okay?" banta ko sa kanya na napaismid lang.

    "Bahala ka diyan basta ako, aakitin ko si Michael. At kapag nahulog na siya sakin, magpapabuntis na ako sa kanya. And we will live happily ever after. Ganern!" hampas pa niya sakin sabay talikod at bumalik sa kusina.

    Sinundan ko naman siya dahil natatakot talaga ako sa gagawin ng kaibigan ko kay Michael. Baka kasi matukso ang kumag at ayon maging dalawa na sila ni Satanas na mamumuno sa impiyerno dahil sa kapabayaan ko. Kailangan kong pigilan ang bruhang iyon sa kanyang binabalak. Hindi sa tototohanin niya iyon pero malay mo may mga demonyo na umaaligid sa kanya at inuudyok na gawan niya ng kahalayan si Michael. Naku talaga!

     Nakaupo si Jamila sa tabi ni Michael at titig na titig ito sa mukha ni Michael habang ang isa naman ay busy kakanguya ng jumbo hotdog. Isang buong balot ang ilinuto ko at halos lahat siya lang ang kumain? Grabe.. Mamumulubi ako nito sa lakas kumain ng anghel na'to.

     "Sancho.. Ako nga pala ay hihingi ng tulong sa iyo. Kung maari ay mairekomenda mo ako sa kahit anong trabaho na mapagkakakitaan ko." sambit ni Michael nang makaupo na ako ulit sa mesa.

    "Bakit di ka maging commercial model o mag artista? Ang gwapo mo kaya Michael. Pag-aagawan ka ng mga talent manager dahil mukha mo palang ulam na."

Falling for Angels (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon