Revenge 12

852 39 15
                                        

Revenge 12


Louise's POV



Nagising na lang ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Umaga na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabe. Masyado akong napagod. Napagod kakaiyak. Ayan nanaman ako eh.



Tumayo na ako bago pa ako mag drama nanaman. Inayos ko na ang sarili ko. Naligo na ako at nag bihis. Napahinto ako sa harap ng salamin. Napansin ko kaagad ang mga mata ko na pulang-pula at namamaga na parang pinagkakagat ng sandamakmak na langgam. Pano ako lalabas niyan na ganito ang itsura? Patay ako nito. Urgh. No choice. Bahala na!



Lumabas na ako at bumaba. Dumiretso ako sa kusina at nakta doon si Mommy na naghahain ng breakfast. "Good Morning Ma." umupo na ako. "Good Morni.." napatigil siya sa pag lalagay ng plato sa lamesa at napatingin sa mata ko. Oh no. I'm dead meat.



"Napano yang mata bakit ang pula at magang-maga? Ok ka lang nak?" lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko para mas lalong makita yung mga mata ko. Oh god.



"Ma, this is nothing. Nothing to worry about. Nakagat lang po ng langgam. I'm fine." umayos ako ng upo.



"Sure ka? Parang sobra naman ata kung langgam yan. Ayos ka lang ba talaga?" si Mommy talaga ang kulit.



"Opo Ma, ok lang po ako." kumuha ako ng isang pandisal at kinain ito.

"Una na po ako Ma!"



"Hindi ka na sasabay samin kumain? Lika, hintayin mo na yung kapatid mo at yung papa mo."



"Ay hindi na po, una na po ako. Sige Ma babye na!" bineso ko siya at umalis na.


***


Pagkarating ko ng school ay dumiretso agad ako sa library. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa.



Kumuha ako ng libro at nag simula ng magbasa.



Habang nagbabasa ako may biglang humawak ng kamay ko at hinila ako palabas ng library.




Pag tingin ko kung sino. "Ano ba! Bitawan mo nga ako Sehun!"



Hindi niya ko binitawan at patuloy lang siya sa pag hila ng kamay ko. Ang dami tuloy tumitingin samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better Than Revenge (EXO HunHan)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon