Revenge 1

2.4K 125 6
                                    

Revenge 1


Louise's POV


"Louise dalian mo diyan at aalis na tayo! Bumaba ka na!" sigaw ni Mama.


"Wait lang po! Malapit na!" sigaw ko at nag madaling buhatin ang mga maleta ko.


Pagkababa ko na kita ko na sila Mama na naka sakay na sa kotse. Lilipat na kasi kami ng bahay. Ewan ko ba na tripan nilang lumipat. Pinasok ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse at nag madaling sumakay. Tumabi ako kay Cheska na busy sa pag seselca.


"Ma, daan muna tayong mall" sabi niya.


"Bakit? Ano gagawin mo?" tanong ni Mama nasa may passenger sit sa harap katabi si Papa.


"May bibilhin lang po. Sasamahan ako ni ate. Diba, ate?"


Ha? Ano gagawin namin dun? Iba talaga tong si Cheska. Oo na lang ako.


"Ahehe.. Oo s—samahan ko siya"


Mga isang oras na ng biyahe naisipan muna nila mag stop sa isang mall dahil ditong si Cheska.


Ano nanaman kayang gagawin nito? Meron siguro tong tinatagong boyfriend na hindi namin alam. Siguro makikipag kita siya dito at mag papa alam dahil lilipat na kami ng bahay noh? Tama tama siguro yun ang gagawin niya. Talino ko talaga!


Pumasok na kaming dalawa at na iwan naman sila Mama at Papa sa kotse. Nag punta kami sa department store may bibilhin daw eh. So ayun sinundan ko lang siya. Para akong yaya niya. Pano ko nasabe? Eh siya fashionista ako isang hamak na nerd lang. Manang Style ganun. Nag stop lang kami dun sa mga magagandang style ng damit.


"Ate, ano maganda dito sa dalawa? Ito bang violet o yung blue?" tanong niya tapos pinakita yung dalawang damit.


"Mas prefer ko yung violet."


"Yie. Pero gusto ko silang dalawa eh. Sige na nga bibilin ko na tong dalawa."


"Ikaw wala ka bang balak bumili?" tanong niya.


"Ay wag na noh, marami naman akong damit na eh atsaka okay naman yung mga damit ko eh. Kaya wag na" sagot ko with hand gestures pa.


"Nako ate, alisin mo na yang manang style mo! Bago bago din pag may timeeee! New generation na. Tignan mo ko, oh fashionista. Pwede na pang model" pagmamaganda niya kahit maganda naman at nag lakad na para bayaran na yung damit.


"Ahh ate dito ka muna ha may pupuntahan lang ako saglit." sige lang, alam kong may boyfriend ka.


"Ahh sige may bibilhin din ako eh una ka na bibili lang ako ng libro sa NBS"


Better Than Revenge (EXO HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon