Revenge 7
Louise's POV
Napalunok ako dahil sa mga naiisip ko. Nakatitig parin ako sa mga mata niya. Habang papalapit na ng palapit ang mukha niya. Hahalikan niya ba talaga ako? Malapit na ang mukha niya sakin. Nararamdaman ko na rin ang kanyang hininga. Ang bango. 1 inch na lang ata ang pagitan ng mukha niya sa mukha ko. Lumapit pa ito. Pumikit na ako. Dahil alam ko na ang mangyayari kasunod. At....
"Meow~"
Bigla naman siyang lumayo at umiwas ng tingin habang ako naman ay napayuko na lang. Feeling ko kasi ang pula na ng mukha ko. Paano nag karoon ng pusa dito? Grabe naman. And a deadly silence strikes us. Awkward.
Bakit parang disappointed ako. Ih nababaliw na ata ako eh. Mas mabuti na hindi natuloy yun noh. Ayoko ma kuha nalang basta yung first kiss ko. Ibibigay ko yun sa taong mahal ko at sa taong mahal din ako. Haha. May ganun pa kong nalalaman. Eh malabong mangyari yung gusto ko.
Tumayo na ko dahil hindi ko na kaya ang awkwardness. Habang siya naka upo parin at naka tingin sa malayo. Nag simula na kong maglakad ng bigla siyang nag salita.
"Sorry," panimula niya. Napahinto ako sa narinig ko.
"Sorry... din," sabi ko ng hindi naka tingin. Nakatalikod pa din kasi ako sa kanya.
"W-wag kang mag sorry, ako dapat ang humingi ng tawad." sabi pa niya habang naka upo pa din at naka tingin sa malayo. Napatingin lang ako sakanya at muling nag salita.
"Ahh.. sige, mauna na ako" paalam ko. Nahihiya ako. Sheyt. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at nag simula ng mag lakad pa alis. Pero parang may gumalaw dun sa may malapit sa kinaroroonan namin. Tapos tumakbo ito ng mabilis. Hindi ko nakita ang mukha niya pero parang familiar siya. Hay ang weird. Lumabas na ko ng highschool building. Wala ng masyadong tao dito sa school dahil nga kanina pa ang uwian.
Pagkalabas ko ng school ay pumara ako ng taxi at umuwi na sa bahay. Pag ka uwi ko sinalubong ako ng isang cute na color white na shitzu. Aw ang cute naman. Haha. Bakit may ganito? At kanino 'to? Binuhat ko siya tapos pumasok sa loob ng bahay. Pag kapasok ko ay nakita ko sina papa at mama nasa sala nanonood ng tv.
"Andito na po ako" sabi ko at nag mano sa kanila.
"Oh anak, bakit ngayon ka lang? Hindi ka sumabay samin ni Cheska kanina?" tanong ni papa. Kinabahan ako dun sa tanong niya. Sasabihin ko ba na sinabunot, sinapal, at pinagbantaan ako? Ayaw ko na lumaki yunggulo kaya, hindi ko na sasabihin. Ang besides kaya ko sarili ko. I'm used to this. So its fine. I can handle this by my self.

BINABASA MO ANG
Better Than Revenge (EXO HunHan)
أدب الهواة[ON-GOING] You we're a DREAM come True for me. But I didn't expect that you will turn it into a NIGHTMARE. You'll regret all of this, you'll reget breaking up with me Sehun. Just wait. You'll gonna feel my revenge..... "Better than REVENGE." - Alexa...