WD 14

1.5K 55 41
                                    


Mika

Hindi na kami nakatulog ni Rad kakakwentuhan namin, hindi ko man mapupunan yung nawalang space sa pagkawala ng parents niya, atleast nabawasan ko ang lungkot niya kahit papaano.

Umaga na at mukhang drain na ang energy niya pero kailangan niya pa daw mamigay ng pamasko, tinimplahan ko na lang siya ng kape para panlaban sa antok.


"Uyy, ang sarap nang timpla mo." Masaya niyang sabi.

"Ah, galing yan sa Amadeo. Binilhan na nga din kita kasi the best ang kape nila doon." Sagot ko sa kanya at humigop na din sa kape ko.

Inamoy naman niya muna ang kape at mukhang na-satisfy sa mabangong aroma saka ngumiti. "Thank you talaga doc sa pagsama sa akin." Pang-ilang ulit niya nang nasabi iyon.

Nginitian ko lamang siya. "Bakit kasi hindi ka sumama kay Jia? Nabanggit niya sa akin na niyaya ka niya."

"Nahihiya ako."

Napabuntong hininga naman ako saka siya tiningnan. "Rad, she thinks of you as family. Hindi mo kailangan mahiya dahil hindi ka naman naiiba sa kanya." I pat her head na din at hinaplos ang buhok niya. "Quit thinking na mag-isa ka na lang, what we call family doesn't just run in the blood, it's here." Sabay tap ko sa ulo niya "and here." Pointing to her heart.

"E sayo? Ano ako sayo?" Bigla niyang tanong dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng tenga ko.

"Ikaw, ikaw yung taong gusto ko."


Sa isip isip ko lamang iyon nasabi. Hindi ako nakasagot agad, kahit pa mainit pa yung kape ko ay hindi ko inalintana ang init at lumagok nang sunod sunod. Paano napunta sa ganoon? Hindi pa ako handang sabihin na gusto ko siya dahil una sa lahat, wala akong lakas ng loob.

Utang na loob Mika! Hinalikan mo na nga tapos wala ka pang lakas ng loob?! Singhal ng isipan ko.


"Namamasko po!" Wika mula sa labas kaya agad akong kumuha ng kendi at barya para i-abot iyon sa bata.

"Merry Christmas." Wika ko.

"Salamat po!"


Hindi ko na isinara ang pinto niya para makita ang mga batang namamasko, hindi naman na na-ibalik ni Rad yung pinag-uusapan namin kanina, maigi na lang dahil may tamang oras para doon, hahanap lang ako ng magandang tsempo para masabi.


"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong niya habang naghuhugas nang pinagkainan namin.

"Nope, probably by now they're still sleeping." Sagot ko dahil all night party naman palagi ang pamilya namin kapag magkakasama.

"Anong oras ka pala uuwi?" Tanong niya.

"Pinapauwi mo na ba ako?" Awkward kong tanong.

"Tinatanong ko lang naman." Depensa niya. "Matulog ka muna, hindi kita papauwiin hanggat hindi ka natutulog." Malambing niyang sabi kaya napangiti ako.


Ayieee concern.

Nagpangalumbaba ako at tiningnan siya nang may ngiti sa aking labi. Mapang-asar ang mga iyon kaya tinaasan niya ako ng kilay.


"Problema mo?"

"Wala naman." Sagot ko.

"I just don't want to lose someone dear to me again. Matulog ka na sa kwarto ko, kasya ka naman dun." Sabi niya.


At dahil seryoso siya ay nagtungo na nga ako sa kwarto niya para mahiga, hindi na din kaya ng kape labanan ang antok ko dahil mahigit isang araw na rin akong gising.

Strangely Weird DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon