WD 28

1K 43 34
                                    


Den

Sa mga narinig ko kay Raine ay nanghina ako, hindi ko alam kung sino ang dapat kong suportahan, si Mika ba na naging kaagapay ko noong nahihirapan ako or si Raine na matagal ko ng kaibigan.

Ramdam ko naman ang pagsisisi niya sa nangyari, naniniwala ako sa lahat nang sinabi niya dahil kilala ko ang kaibigan ko, hindi siya sinungaling. Kitang kita ko rin yung pinagbago nang mga ngiti niya simula ng maging sila ni Mika, her eyes becomes very expressive whenever she looks at her with adoration kaya hindi ako nagdududa na sobrang mahal niya si Mika.


"Sure kang dito ka lang?" tanong ko kay Raine nang maihatid ko siya sa bahay niya. Tumango naman siya at mukhang drain na drain na siya kaya napailing na lamang ako. "You need some rest. Ang daming doctor na nakapaligid sayo pero haggard ka na." biro ko at napangiti naman siya.

"Thank you, Den." Ngumiti siya nang may lungkot sa kanyang labi at mga mata.

"Kumain ka ha? Kailangan niyo yan." Nginitian ko siya nang tipid. "Kaya mo yan, hindi ka nag-iisa, nandito kami para sayo."

Tumango naman siya. "Maraming salamat talaga, Den." Sabi niya at yumakap sa akin.


Nagtungo na ako sa sasakyan ko. Bago umalis ay ibinaba ko naman ang bintana ng kotse ko at kinawayan siya.

Hindi man dapat ay nakaramdam ako ng awa kay Raine, she's been through a lot. Nawalan na siya ng mahal sa buhay, she's been living alone for years, ngayon na lang ulit siya naging masaya kaya hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman. She deserves to be happy pero bakit parang ipinagkakait sa kanya ang maging masaya? Ayokong iwan siya ni Mika pero hindi ko naman desisyon iyon, in the end, si Mika pa rin ang magdedecide nang kahahantungan nila.

Mabait si Mika, pero may hangganan naman lahat ng tao, hindi ko lang alam kung hanggang saan ang kanya. Hindi ko alam kung sapat na ba na mahal niya at mahal siya ni Raine, hindi ko alam.

Nagtungo muna ako sa dapat kong asikasuhin, gabi na din nang matapos ako at dahil na-stress ako sa mga nangyayari sa buhay lalo na sa nangyari kay Raine ay nagdecide ako magpunta sa bar mag-isa. Hindi naman ito yung bar na ganun kadami ang tao dahil ayoko ng sobrang sikip. Naupo ako sa may counter at umorder ng isang Mojito.


"Here's your order mam." Sabay abot sa akin ng bartender, napatingin naman ako dito. Nginitian niya ako at agad akong nahawa sa mga ngiti niyang iyon. What really caught me was the dimples under her eyes. "Mam? May kailangan pa po ba kayo?" wika nito dahil natulala na ata ako.

"A-ah wala na. T-thanks." Sabi ko nang makabawi ako.


Nakailang baso na rin ako nang lumapit ulit sa akin ang bartender at inabutan ng pagkain na ikinataka ko, hindi naman ako umorder.


"That's on me." She smiled once again.

"You are?" tanong ko.

"Alyssa." Pagpapakilala niya sa sarili niya at inabot ang kamay niya.

"Dennise, or Den." Nginitian ko siya saka inabot ang kamay niya para makipagkamay dito.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya. For the first time in my life ay hindi ako nairita sa mga nagtatanong sa akin sa bar, parang kailangan ko talaga nang makakausap ngayon.

"Ang dami ko lang iniisip." Sagot ko at uminom.

"Kaya pala, mind if I join you? Tapos naman na shift ko." Sabi niya after niyang tumingin sa relo niya.


Tumango ako at nagpaalam muna siya dahil mag-aayos na muna daw siya ng gamit. Bumalik siya at tinabihan ako. Umorder din siya ng inumin niya.


Strangely Weird DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon