RADKasabay nang pagmulat ko ng aking mata ay ang pagtunog ng aking alarm clock. Hinayaan ko lang itong tumunog habang nakatingin ako sa kisame ng aking kwarto.
Panaginip. Isa nanamang hindi maipaliwanag na panaginip. "Ugh." I groaned at napaupo na sa aking kama habang hinihilamos ang palad ko sa aking mukha sa inis na nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ba itong mga napapanaginipan ko, malabo ang mga imahe pero alam ko na parehong mga tao lang ito.
Inabot ko naman ang phone ko and called a friend.
"Good morning, how are you?" Tanong ni Den sa akin.
"I had that weird dream again." Sagot ko at hinilot ang sentido ko. "Can we meet near your workplace? Call Jia na din. Maliligo muna ako then deretso na ako dyan maybe I'll be there after 1 hour and a half."
"Okay, mag-ingat ka."
Ibinaba ko na ang tawag at agad agad na din ginawa ang mga dapat kong gawin. Nang makatapos ako ay nagtungo ako agad sa lugar na sinabi ni Dennise, kasama na niya si Jia nang makarating ako.
"So what happened?" Takang tanong ni Jia saka uminom ng kape niya.
"Remember the weird dreams I'm having? Meron ulit kagabi and this time hindi ko alam pero parang nagpapaalam na yung isa sa kanila, alam ko hindi dapat ako affected pero nasasaktan ako. Para bang sa akin siya nagpapaalam." Paliwanag ko kay Jia.
"Meron naman talagang mga panaginip na ganun diba? Minsan nga maiiyak ka e." Sabi ni Den.
"Oo pero kilala mo yung mga tao sa panaginip mo kaya affected ka, pero these two people who kept popping in my dreams, I don't have a clue who they are." Napapikit na lang ako ng mariin dahil obviously, na-aannoy na ako.
Nakakastress naman kasi nung hindi sila nagkatuluyan nung una dahil na-inlove yung isa dun sa isa kung kailan may bago na. I mean, bakit ganun diba?
"I have a friend who I think could help you." Sabi ni Den saka tumingin sa relo niya. "I still have time, malapit lang naman yun. Ano, tara?" Tanong niya.
"Baka naman mahal maningil yan? Alam mo namang kuripot itong kaibigan natin." Natatawang sabi ni Jia. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano e.
"Haha, very funny Ji." Inirapan ko siya at tumawa lang sila.
"She's Weird, hindi siya nagpapabayad usually but might ask something out of this world." Sagot ni Den at tumayo na.
Sinundan lang namin siya ni Jia hanggang sa parking ng hospital na pinagtatrabahuhan niya. She then brought us sa isang 2 storey building saka dire-diretsong naglakad papasok.
"Den, ano ba itong pinuntahan natin?" Tanong ko dahil hindi naman mukhang hospital or clinic ito dahil wala man lang receptionist. Parang 2-storey condo siya, ganun or apartment.
"Kalma ka lang." natatawa niyang sagot. "We're here." Sabi niya at binuksan ang isang pinto.
Nang makapasok kami ay nakita naming nakapatong sa lamesa ang mga paa ng doctor habang prenteng prente siyang kumakain ng Mansanas niya. Maputi siya, naka pixie cut at may suot na big round glasses, mukhang mahinhin unless makita mo ang pwesto niya ngayon. Tinignan niya lang kami, wow napakaprofessional niya ha. [insert sarcastic tone]
BINABASA MO ANG
Strangely Weird Doctors
Ficción General© 2018 - How much can you forgive? [Completed]