BeaI'm on my way to fetch Jia since she promised to help me sa pagluluto. Gusto ko lang sanang matuto dahil dad always tease me na iiwan ako nang mapapangasawa ko dahil sa luto ko. Psh, what a motivator.
"Hey." bati sa akin ni Miggy.
"Si Jia?" tanong ko at sumimangot naman ito.
"Wala man lang bati sa akin pabalik? Nakakasakit ka ha." humawak pa siya sa dibdib niya acting like he really is hurt kaya napailing na lamang ako.
"Ang arte Migs, hindi bagay." tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Tse." inirapan naman niya ako kaya natawa ako. "Nasa taas pa si Jia, may pinahabol na edit si boss pero matatapos na din yun."
Napatingin naman ako sa relo ko. "Okay, I'll just text her na lang. Pauwi ka na ba?"
"Ah oo e, may kailangan pa akong gawin." sagot nito.
"Okay, you take care bud."
He tapped me on my shoulder before smiling and bid his goodbye as well. Nagpunta muna ako sa near ice cream stall and feed my tummy. It was after 30 minutes pa when Jia replied na pababa na siya.
"Beatriz!" she shouted kaya agad akong napatingin sa kanya. Feeling ko sisipunin na ako sa dami ng ice cream na binili ko.
"Ang tagal mo." reklamo ko kaya tumawa siya.
"Sorry na, can't deny the boss e." ginulo naman niya ang buhok ko at kinuha yung ice cream na nilalantakan ko saka niya kinain. Wait, that's mine. "Tara?" tanong niya nang maubos ang ice cream.
Tumango ako at isinuot na ang helmet sa kanya. Yumakap naman siya sa waist ko nang makaupo siya, this is the main reason why I always bring my motor with me, kahit pa ipinapahiram sa akin ni ate ang kotse niya. Inalok na din niya ako to buy my own car, tulungan niya na lang daw ako magbayad but I refused. First of all, I like Jia's hug from behind hehe.
"Ano na? Ganito na lang ba tayo?" bigla niyang tanong at natawa.
"Sorry I spaced out." natatawa ko ring sagot and started the motor. "Hold me tight ha."
"Oo naman, not just for today, kahit hanggang bukas at sa susunod pang mga araw." then I felt her hug me with warmth kaya napangiti ako.
I drove carefully papunta sa bahay, when we got home ay wala pa si ate, malamang ay nakanila Raine pa. Jia and I started working sa kusina.
"Haven't seen Raine lately ah, what happened dun?" tanong ko kay Jia. Nung nakaraan kasi problemadong problemado si ate, pero okay naman na sila.
"Hindi ko din alam e. Ngayon nga lang yan nagkaganyan kaya hindi ko alam kung ano iniisip nun." sagot niya.
"Hope it isn't that serious." I paused at tumingin kay Jia. "What if mangyari satin yung nangyari kanila ate na against ang karamihan?"
Tumawa naman siya. "Beatriz, walang tayo." That made me roll my eyes in annoyance before glaring at her.
"I hate you." wika ko kaya tumawa nanaman siya. "Sige, okay lang kung di mo ako sasagutin, like who cares, I'm Isabel Beatriz Weird."
"Yabang mo." sabay palo niya sa balikat ko. "Darating tayo dyan. Keep calm." biro pa nito. "Pero if that ever happens, ewan ko. Depende kasi sa situation, pero itatanan na lang kita."
Napailing ako sa sagot niya at tumawa. "You would really do that?" tanong ko.
"Oo! Aba, Beatriz, I'm willing to do anything for love, for you." she winked that made me blush.
BINABASA MO ANG
Strangely Weird Doctors
General Fiction© 2018 - How much can you forgive? [Completed]