WD 24

1.1K 48 1
                                    


Bea

Kung gaano ka-rough ang relationship ni ate, ganun naman ka-smooth the things are going between Jia and I. We often go out, mapa-lunch man or dinner. Depende on our time naman din. I'm on my way para sunduin siya.


"Ji!" sigaw ko when I saw her at tinanggal muna ang helmet ko before smiling at her. "Hi Miggy!" bati ko nang mapansin kong kasama din niya si Miguel.

"Oww, the suitor is here. Nice ride you have there." sabi niya at tiningnan maigi ang motor ko.

"Thanks." sabi ko and handed Jia her helmet.

"Ingat kayo." sabi ni Miguel while patting Jia's head, that made me frown.

"Oh? what's with the long face?" tanong niya sa akin.

"Wala." I said boringly and she handed me back her helmet. "What? cancelled na lakad natin today?" dismayado kong tanong sa kanya.

"Baliw." sabay baba niya ng salamin ng helmet ko habang tumatawa. "Can you put this on me." she said charmingly kaya napailing ako.

"My pleasure." kinuha ko naman ang helmet at isinuot na ito sa kanya.


While locking her helmet, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang mga mata. Her eyes glimmers as she smiles at me, nahawa ako kaya napangiti na lang din ako and pulled her for a quick hug. What a cute little munchkin she is.


"Err, Beatriz, I can't breathe." sabay tap niya sa braso ko.

Natawa ako. "Sorry, tara na?" tanong ko and when she nodded ay sumakay na kami ng motor ko.


I drove papunta sa aming favorite spot. Inilabas ko na rin ang pinamili naming food at naupo sa blanket that I laid sa damuhan. Hindi ako fully makapag-enjoy knowing ate is hurting.


"Okay ka lang ba?" tanong ni Jia sa akin.

"Naiisip ko lang si ate." I pouted.

"Hindi pa rin ba sila okay ni Raine? Hindi nga rin nagpaparamdam sa amin ni Den. Hindi ko rin mahagilap kung saan siya nagstay ngayon."

I sighed at umiling. "I'm not really sure kung anong dahilan why they took a break, ate really didn't want to talk about it."

She held my hand and smiled at me. "Don't stress yourself much, everything will be alright."

"Yeah, let's just cherish this moment muna." I smiled and intertwined her hand on mine.


Nagpahangin muna kami saglit bago ko siya ihatid pauwi. Napahawak naman siya sa dibdib niya kaya tinanong ko kung okay lang ba siya pero mukhang nahirapan siya sumagot kaya ipinasok ko muna siya sa loob ng bahay nila at humingi ng tubig.


"Okay ka na?" tanong ko at ngumiti naman siya. "What? Hindi nakakatuwa Julia ha, pinag-aalala mo ako tapos ngingiti ka lang ng ganyan?" napataas talaga ang kilay ko lalo pa't tumawa siya.

"You make this wild." sabay turo niya sa puso niya. "It's hard to breathe when you're around, I can literally die just by being near you." sabay kurot niya sa pisngi ko.

That made me feel giddy kaya nahampas ko siya sa braso niya dahilan para agad niya akong bawian. "Pinag-alala mo ako para makabanat ka lang?"

"Uyy hindi ah." tumawa pa siya. "Pero konti."

"You are impossible." iiling-iling kong sabi at nakitawa na rin. "Mauuna na ako, Ji. You know may damulag akong alagain ngayon." tumayo naman kami at hinatid na niya ako sa may gate.

"You take care."

"Of course I will, goodnight."


Bebeso sana ako sa kanya but umiling siya ang gave me a quick peck instead, hala ka.

Strangely Weird DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon