WD 42

913 40 28
                                    


Rad

I dialed Jia's number matapos kong ligpitin lahat ng gamit ko and told her na may dadaanan lang ako. Nakapagbook na din ako ng taxi to drive me sa shelter, dadaan muna ako dun para magpaalam.


"Oh, hija, ang tagal niyong hindi nakapunta dito ah." May ngiting bati sa akin ni sister kaya sinuklian ko iyon nang isa ring ngiti.

"Marami lang pong inaasikaso sister. Isa pa po." I paused as I looked at her. "Na-hospital po si Beatriz kama-kailan lang." malungkot kong balita at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anong nangyari kay Isabel?" Tanong niya habang papasok kami.

"Naaksidente po siya and nasa coma siya ngayon."

Halata ang lungkot sa mukha ni sister, alam kong malapit talaga ang magkapatid sa kanya. "Kumusta naman si Mika?"

I faked a smile, just by hearing her name ay nagi-guilty ako but I have to do this, for us and for me. "Stress na rin po si Mika, but she's staying strong , inaalagaan niya nang mabuti ang kapatid niya." Sagot ko.

"Ate Raine!" Sigaw ng maliliit na bata at nagtatatakbo papunta sa akin.

"Hello, nagpakabait ba kayo ha? Baka pinapasakit niyo ang ulo ni sister?" Tanong ko sa kanila at bahagyang tumawa.

Umiling naman sila. "Hindi po." Sabay sabay nilang sagot kaya ginulo ko na lamang ang buhok ng mga bata. Inabot ko na din ang mga dala kong pagkain para sa kanila.


Nagpunta naman kami sa isang room at inabutan ako ng isa sa kanila ng libro. Magstorytelling daw ako kaya naman ay pinaunlakan ko sila. Sa loob ng book ay may dalawang mini puppets socks kaya naman sinuot ko iyon sa aking kamay para i-act ang mga nangyayari, tuwang tuwa naman ang mga bata kaya gumaan ang pakiramdam ko, nabawasan kahit papaano ang lungkot.


"Sister, aalis na rin po ako." Sambit ko dahil nagtext na rin si Jia na pauwi na siya.

"Mag-iingat ka, hija. Pakisabi na rin kay Mika na ipagdadasal ko sila." Nakangiti nitong sabi.

"Sige po." Sagot ko at aalis na sana. Naramdaman ko ang paghatak sa laylayan ng damit ko kaya nilingon ko ito. "Hi, Rachel." Sambit ko at nagsquat para lumebel sa kanya. "Kumusta ka?"

"Okay lang po. Si ate Mika po? Hindi siya pupunta?" Ganyan siya, laging hinahanap si Mika kapag ako lang ang nagpupunta dito.

"Busy si ate Mika mo e." Binigyan ko siya nang tipid na ngiti. "Sabihin ko dalawin ka." Dagdag ko at pinisil nang bahagya ang pisngi niya.

"Pwede po bang ipaabot niyo ito sa kanya?" Nahihiya niyang sabi.

"Osige, ano ba iyon?" Tanong ko pero sa halip na bigyan ako ng kung ano ay niyakap niya ako.

"Pakisabi din po miss ko na siya." Malambing na bata talaga ito. "Saka ito po." Sabay halik niya sa pisngi ko. "Ingat po kayo."

Tumango ako. "Pakabait ka ha?" Then she smiled at tuluyan na akong umalis.


Napahawak na lang ako sa aking pisngi nang makasakay na ako sa taxi, paano ko naman ibibigay kay Mika iyon? Sa simpleng yakap niya nga ay nahirapan na ako isipin, yung halik pa kaya sa pisngi? Hindi ko alam kung gugustuhin pa ni Mika na makita ako pero magpapaalam ako sa kanya bukas.

Nang makarating ako kanila Jia ay naroon na rin si Den, malamang ay sabay silang nagpunta rito.


"Bakit ka may maleta?" Kunot noong tanong ni Jia.

Strangely Weird DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon