"Grabe girl! Ikaw na talaga ang pinagpala. Oh ano? Malaki ba?"
"Malambot"?
"Masarap?"
"Siguro ang sarap nun sa feeling.. whahahahahahaha"
"What the hell Martina!" Ipagmumukha talaga sa akin ang mga kagaguhang nagawa ko noh?
"Will you stop teasing me?" Pambihira. Wala na. finish na! ang masaklap di ko man lang natandaan ang mga sumusnod na nangyari kagabi. "Di ko nga matandaan mukha nung lalaki my gad nakakahiya!"
"hahahahaha ikaw kasi ang engot mo. Hahahaha may pa shock effects pa si mayora pero sure akong nasasarapan ka noh? Ayeeii hahahahahaha"
Ito talaga yung panahon na mapapa what the fuck ka nalang sa ingay at lakas ng boses ng babaeng kasama ko ngayon. May pa kilig kilig effect pa habang kinukwento ang mga sumusunod na nangyayari.
Na sa sobrang lasing ko daw at sabog at sa sobrang tipsy ay napasobsob ako sa hinaharap ng lalaking naka open legs na umuupo sa stool ng bar counter habang ang isang kamay ay nakahawak sa bote ng inumin.
Na sa laking gulat ko daw at pagkamangha sa mukha ng may malambot este masarap or whatever precious thing that is, ay kusa nalang daw akong napatayo at hinalikan ang lalaking biktima ng aking kaharutan.
"At girl alam mo ba ang reaction ni kuya? Gulat na gulat! Hahahahah as in hindi talaga siya makapaniwala. Hahahahaha. Grabi girl ikaw na talaga!"
Sige ipaglandakan mo pa!
"Martina will you please calm down? You're making a scene." Pagmamakaawa ko na sana magkakaamnesia siya at makalimutan na niya ang lahat.
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang café mabuti nalang at hindi masyadong matao ngayon. It's been a week since that incident and in no freaking way will I ever go to that bar again.
It's my first time to enter in a bar to be honest. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganun ang mga nagagawa ko. Ang gusto ko lang naman ay magpakasaya. Makalimot. Magsayaw. Makikisalamuha sa mga taong tulad ko din ang pakay.
Lumaki akong mahinhin ang mapagmahal. Lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay itinuturing akong prinsesa. Kaya naman noong nabalitaan nilang may manliligaw sa akin, todo imbestiga sila sa estado ng magiging jowa ko lalo na si kuya na over protective sa akin. Pumasa naman sa kanya sapagkat ang galing umarte eh. pang best ang actor.
Naging kami. Tumagal kami ng apat na buwan. Pero sa apat na buwan ng aming pagsasama, napamahal ako sa kanya. Hindi man siya ang unang naging boyfriend ko pero ang bait niya kasi. Maalaga. Tapos boto pa ang kuya ko sa kanya. Gwapo. Mula sa mayamang angkan. Hindi babaero. Walang probema.
Pero akala ko lang pala. Akala ko lang pala walang problema. Dahil sa kasamaang palad, nahuli ko siyang nakipagbalikan sa kanyang ex. At oo ang lakas nang kanyang loob na umamin sa akin na mahal na mahal niya ang babaeng yun. Ano nga ba ang laban ko sa nauna? 5 years sila nung babaeng yun at apat na buwan lang kami. Hindi kaylan man nawala ang kanyang pagmamahal sa babae simula noong nagdidate kuno kami para sa 'getting to know each other' at 'tingnan natin kung magwork-out ito' phase.
At ang tanga ko. Ang tanga ko dahil napaniwala niya ako. Ang tanga ko dahil minahal ko sya at handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Ang tanga ko dahil ako lang pala ang masaya sa aming pagsasama. Ang tanga ko dahil wala akong ideya na ginagago lang pala ako.
Ang galing noh? Naging past time niya ako sa panahong naging shakey yung relasyon nila. Naging sandalan niya ako sa mga panahong wasak na wasak siya dahil sa kanilang pagkakahiwalay. Andun ako sa panahong durog na durog siya.
I WAS USED. I DEFINITELY WAS.
Kaya sa araw na iyun nagpaka wasak ako. Tinry ko inumin lahat nang nakaparadang alak sa bar counter, nag heheadbang sa lakas ng musika, nakikisayaw sa dagat ng mga tao at ganun na nga, nangyari ang mga hindi ko inaasahan. WTF I'm innocent for pete's sake.
"Oh my Gad. Look! Cyrene Ikaw to diba?" Sabay pakita ni Martina sa kanyang cellphone halatang sasabog ang kanyang mukha sa gulat at hindi makapaniwala.
"What? Akin na nga!" kinuha ko ang cellphone at pati ako hindi makapaniwala. Pabalik balik kong tiningnan ang naka upload na video sa facebook ni Martina at talagang hindi siya nabubura o nawawala. Is this really happening? So ito na nga. Ako nga! WTF!
Nagimbal ang kaloob-looban ko sa mga nakita. Baketttt? Whoever bitch uploaded this masabunot ko talaga sa mukha. Kalimutan ko na eh. Binabalik-balikan pa...Guess what?
I am the girl in the video with a guy I don't know who he is. Yung mga ginawa ko sa gabing yun na pinagtatawanan ako ni Martina kuha lahat sa video. As in lahat! Umani ng maraming views! The fck!
BINABASA MO ANG
Ruled by Distress
General FictionIt pained her to witness the love of her life married someone else. When she was in the verge of moving on, she accidentally did something which causes his bride to an agonizing death. Nakaka walang gana mamuhay sa mundong ikaw ang sinisisi ng laha...