Ilang araw ang lumipas, nagkasundo na ang aming mga magulang. Hinayaan namin na sila ang mag-usap sa mga detalye habang kami ni Philip ay tahimik lang na nakikinig. Walang kasal na magaganap. Itinuturing sagrado ang kasal, kaya mangyayari lamang ang kasal kung aming gugustuhin. Ang mabubuong anak ay mananatili sa poder ng mga Vensaya bilang isang tagapagmana at kahit nde kami kasal ay ituturing na din nila akong bahagi ng kanilang pamilya kahit na mapagpasiyahan daw namin ni Philip na magkaron na sariling pamilya o mapapangasawa sa takdang panahon.
Kasama na din nga pala namin si Kuya. Agad din syang pinalaya matapos makipagkasundo ng aming pamilya sa Amang Hari.
Mabuti na lamang ay nagkaron kami ng pagkakataon na mag-usap na kaming dalawa lamang nang niyaya ako ni Philip na pumunta sa kanilang hardin.
"Sigurado ka?" seryosong tanong saken ni Philip habang nakatingin sa aking mga mata.
"o-oo..cguro... " nahihiya kong sagot at ilang na din sa pagkakatingin ni Philip saken.
Kainis naman.. Dati e wala naman akong pakialam at nde ko pansin kung pano ako tingnan ni Philip. Bakit ngayon e nde ako makakilos ng ayos..
Ang lalim ng buntong hininga ni Philip. Tila sya man din ay nde komportable sa nangyayari kaya nginitian ko na lang saya para kahit papano ay mapagaan ko ang kanyang inaalala.
"Kala mo naman nalugi sya oh at ako ang napili ng Mahal na hari sau...hahaha" biro ko sa kanya
"Tsk! Sira..." ngiting sagot ni Philip
"ayan... e di ngumiti ka din..." sambit ko
"pwede na din..kaysa naman kay Maritess o Bianca......" birong sabi ni Philip saken
"loko ka! pwede lang? ang sabihin mo naka-jackpot ka! nde mo ata alam, andaming umaaligid saken pero sayo ako napunta..." sabi ko..
"asan? bubuyog ba o mga langaw ang sinasabi mong umaaligid sau? hahaha" kantiyaw nya
bigla akong natigilan at napansin ang gwapong mukha ni Philip. Mas bagay sa kanya ang nakatawa. Ilang araw na din kasi syang seryoso at problemado ang itsura. Ngaun ko na lang sya nakitang maaliwalas ang mukha.
"O bakit? nagwagwapuhan ka na saken?" pinansin ni Philip ang pagtitig ko sa mukha nya
"Ewwww! Nde noh! Naisip ko lang... Nde ko akalain na mangyayari saten ito... Pero no choice na... Sabay na lang tau sa agos.. Nakalaya na si Kuya... Nakangiti na sina Nanay at Tatay... pati na din ang Mahal na Hari ay sumigla-sigla na din.. Magiging kontrabida pa ba ako at makasarili sa nangyayaring ito?" litanya ko
"Huwag kang mag-alala... Nde ka nag-iisa... Magkatuwang tau dito.. Parehas taung nangangapa anong kahihinatnan nito... Parehas lang taung kinakabahan...hahaha" pabirong sagot nya
"A basta! Sinasabi ko sau! Wala nang atrasan ito.. Baka naman ikaw pa, na lalaki ang umurong at takbuhan ako! Malalagot ka saken!!! Wag mo akong ipapahiya!" banta ko sa kanya
"Hahaha! Bakit naman kita tatakbuhan?! E ako nga higit ang nangangailangan ng tulong mo sa ngaun... ung kondisyon nyong mapalaya ang kuya mo ay okay na.. Ikaw ngaun naman ngaun ang dapat tumupad sa usapan na bigyan mo ako ng anak..." paglilinaw saken ni Philip. Biglang nagseryoso si Philip at tinitigan ako sa mata
"ah e.... oo naman.... tutupad ako sa usapan... alam ko naman nde mo ako pababayaan di ba..." seryoso kong sabi sa kanya.
"Keana...basta magtiwala ka lang saken at sa pagkakaibigan natin.. hehehe..goodluck saten...hehehe" sagot nya.
"good luck talaga! as in best of the best luck..." dagdag ko
Natawa sya at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Mainit na Agos
RomanceMaikling kwento. Simpleng maituturing ngunit siguradong may dating. Puro kalibugan man, ay puno din naman ng pagmamahal. Kwento ni Keana at Philip. Kaibigan na isang iglap lang ay naging kanyang Kasiping. Nagpaubaya ba dahil ba sa iyon ang napagkasu...