Chapter 3 - Ritwal

2.9K 12 1
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakasuot lang kasi ako ng puting roba at wala ng saplot sa loob nun. Ngaun ang gabi na itinakda para sa aming unang gabi ni Philip. Mas lalong ikinakaba ko ay dahil nasa espesyal na kwarto kami na kung san, telang puti lang din ang harang palibot ng kwarto. Ito ay sinadya para kami ay bahagyang maaaninag sa kabilang bahagi kung saan nakapwesto ang mga matataas na Guro na syang magsisilbing gabay para maging tagumpay ang ritwal ng pag-iisang katawan namin. Meron din silang babasahing ritwal na dasal habang isinasagawa ang aming pag-iisa.

Nakaupo ako sa kama habang iniintay na pumasok si Philip. May magkaiba kasing pinagawang ritwal samen. Ako'y nilinis at pinaliguang mabuti ng 3 mayordoma, pinausukan at binanlawan ng mabangong tubig. Samantalang si Philip naman ay binasahan ng isang dasal, binasbasan at pinainom ng herbal na alak.

Ni wala sa hinagap ng aking isip na mangyayari itong lahat saken. Tila isang panaginip ang lahat. Isa lang akong ordinaryong dalaga pero heto ako ngaun na tila isang alay sa isang Diyos na walang iba kundi si Philip.

Nanlalamig na ako hindi dahil kulang ako sa damit ngunit dahil sa kaba. Napatayo akong bigla nang humawi ang tela at pumasok si Philip. Nakaroba na lang din ito at seryosong nakatingin saken.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumuwapo syang tingnan habang palapit sya saken. Seryosong nakatingin saken.

"Keana...ngaun pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sau.. Gaya ng napag-usapan, gagawin ko ang aking parte para maging matagumpay ang pag-iisa natin ngaung gabi." mahinang sabi nya  saken

Tumango ako biglang pagsang-ayon sa kanya.

"Wag kang mag-alala.. Gawin natin ang dapat..." kinakabahang sagot ko sa kanya.

"SIMULAN NA" utos ng nasa labas habang nagsimula ang mabagal at malamyos na tugtug ng isang harpa. Nagsimula na din sila sa sabayang pag-usal ng tradisyong dasal para samen.

"Kinakabahan ka?" tanong nya saken nang mahawakan nya ang nanlalamig kong pisngi

"Hmp..Syempre...daming nanonood kaya.." bulong ko.

"Wag mo silang intindihin...Ako ang pagtuunan mo ng pansin" utos nya saken sabay lapit ng kanyang mukha saken.

"Ba-baha-la ka na nga saken..." bilin ko sa kanya sabay pikit ng mata.

Hinalikan nya ako sa labi. Dampi lang sa una. Hinayaan ko lang sya at marahang ginaya ang kanyang ginagawa. Ginalaw ko din ang aking labi at gumanti ng halik. Hinawakan nya ang aking batok at hinila palapit sa kanya.

"ALISIN ANG ROBA NA SIYANG HUMAHARANG SA PAGIGING ISA NYO" utos ulit mula sa labas.

Habang kami ay naghahalikan, ay dumausdus pababa ang dalawang kamay ni Philip mula sa aking batok, pababa sa balikat hanggang sa aking beywang. Hinigit nya ang tali nun at dahan-dahang akong inalisan ng roba. Napasinghap naman ako sa lamig na nadarama mula sa aking kahubdan. Pagkatapos ay pikit mata kong inabot naman ang tali ng kanya roba at sya ko naman inalis ang buhol. Nanginginig ang aking mga kamay na hinawakan magkabila ang kanyang roba at hinubad un sa kanya.

Inaalalayan naman ako ni Philip, na para nde mailang at mahiya sa aming kahubdan ay nde nya tinigil ang aming paghahalikan. Lumalim pa lalo ang halik nya ngaun at pati ang kanyang dila ay naglilikot na din sa aking bibig.

"MAAARI NANG HUMIGA AT PUMATONG BILANG PAGHAHANDA" utos ulit mula sa labas habang tuloy pa din ang grupo na umuusal ng mahabang dasal.

Tumigil kami sa aming halikan nang marinig ang utos. Nagmulat ako ng mata at nagtama ang aming paningin.

Naiilang man ay sumunod kami sa inuutos. Humiga ako sa gitna ng kama at sumunod naman si Philip at dahan-dahang pumuwesto sa ibabaw ko.

Nakatitig lang saken si Philip na tila inaarok ang aking iniisip. Tumango lang ako na para masabing okay lang.

Mainit na AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon