Chapter 4 - Biruan

2.4K 7 0
                                        

Habol hininga kaming magkatabi sa pagkakahiga. Kakaalis lang ng mga Guro at kami na lang ang natira sa kwarto. namayani ang katahimikan at ang aming paghinga lang ang maririnig.

maya-maya lang ay inunat ni Philip ang kanyang braso para higitin ako palapit sa kanya. nagpaubaya naman ako at ngaun ay nakaunan na ako sa kanyang dibdib at habang akbay nya ako.

"pahinga na tau.." yaya nya sabay halik sa tuktok ng aking ulo.

nde na ako sumagot sa pagod. pumikit na lang ako at hinayaang lamunin ng antok ang aking diwa.

Kinaumagahan, mahimbing at malalim pa din ang aming tulog. walang nangahas na kami'y gambalain at gisingin. Hanggang sa nagtanghalian saka pa lang nagising ang aking diwa. pamukat-mukat ang aking mga mata at sinuri ang kakaibang lugar na aking nabungaran.. Kala ko'y panaginip lang ang lahat.. Heto't kaharap ko ang aking best friend na si Philip, magkaniig ang aming hubad na katawan na natatakluban lang ng puting kumot..

"o baka matunaw ako nyan sa pagtitig mo saken.." biro ni Philip habang nakapikit pa din pero may ngiti sa labi.

"hmp! feeling!" irap ko at nagtangkang lumayo mula sa pagkakadikit ng aming katawan.

pero pinigilan nya ako at niyakap pang lalo..

"halika nga dito... mmmmmm" sabi nya sabay higpit ng pagyakap saken..

"ano baaaaa..." saway ko sa kanya habang pilit kong kumuwala sa kanyang yakap. ramdam kong nag-iinit ang aking pisngi

"uy bakit ka namumula?.." tudyo nya saken sabay hawak sa magkabila kong pisngi

"nde ah!" maang kong sagot. nde ko malaman kung san ako titingin dahil sa pagkailang ko samantalang sya naman ay talagang nanandya pa at pilit na hinuhuli ang aking paningin.

"pakiss nga!" paalam nya sabay halik sa aking labi.

Mabilis na halik ang iginawad nya. Nagulat ako at natameme.

"o ano.. wag kang pabebe jan.. mas grabe pa jan ang ginawa natin kagabi..." saway nya saken naman kita nyang namula at nahiya.. natatawa sya tuloy sa reaksyon ko

"nde ba pwedeng naninibago lang?!" sagot ko sabay nguso

"alam mo.. parang gumanda ka.. iba nga talaga nagagawa pag nadidiligan" biro nya saken

"sira! matagal na akong maganda noh!" irap kong sabi sa kanya

"nde nga.. tunay! promise! nde ko alam bakit ngaun ko lang napansin na ang ganda pala ng best friend ko! ang sarap panggigilan!" sabi nya sabay nakaw ulit ng halik. kumindat pa ang loko pagkatapos.

"e kasi naman dati, nde naman babae tingin mo saken.. e ngaun na napatunayang mo babae talaga ako e di gumanda ako sa paningin mo." paliwanag ko na lang

"oo nga e... ang tanga ko lang..." pagsang-ayon nya

"hmp! nde mo na ako kelangang bolahin pa.. gagawin ko naman ang tungkulin ko sa yo..wag ka mag-alala.." sabi ko sabay nguso

"ahhh ganun ba... pwes.. tara na at sabay taung maligo.."aya nya saken na may nakakalokong ngiti sa labi..

Mainit na AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon