Chapter 1 - Solusyon

6.2K 10 0
                                    

"Keana! Keana!" tawag saken ni Philip sa labas ng bahay.

"Kamusta? teka...bakit parang balisa ka?" Takang tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Nabungaran ko syang tila problemado at nde maipinta ang mukha.

"Malaking problema..ito na yun...." maikling sambit niya saken. Pumasok sya sa bahay at umupo sa silya.

Si Philip, ang aking kababata, bestfriend na maituturing at nag-iisang prinsepe nang ika-dalawampu't tatlong henerasyon ng Angkan ng Vensaya. Ang pamilyang Vensaya ay ang ginagalang at tinitingalang Maharajah (royal family) sa isang malaking kapuluan sa dulong silangang bahagi ng arkipelago . Napanatili nila ang kanilang pamumuno at ang respeto ng kanilang nasasakupan hangang sa kasalukuyan.

Ang problema ni Philip - Bukod sa matanda na at mahina na ang Haring Vensaya at sinegundahan pa ng resulta ng pag-susulit ng mga kataas-taasang mga Guro ng Maharajah sa pagbasa sa mga bituin at buwan, ang pagtakda ng Hari na kelangan ni Philip magpakasal at makabuo ng isang tagapagmana bago maganap ang pagbabagong anyo ng buwan o total lunar eclipse.

Ito ay upang masilayan pa ng Hari ang bagong henerasyong ng Vensaya at makakasigurong may magpapatuloy ng kanilang angkan. At ayong din sa mga Guro, sa itinakda nilang petsa ay may mataas na posibilidad na maging lalaki ang unang mabubuong tagapagmana at magtataglay ito ng natural na karismo at kalidad ng isang lider.

"Huh?! Kelan?" tanong ko sa kanya matapos nyang magkwento

"Dalawang linggo mula ngaun.." napabuntong hiningang sagot niya saken

"Hala! Agad-agad?! Kung tutuusin ay bata ka pa para mag-asawa..." sambit ko. Si Philip ay kakatapos lang ng kanyang 20th birthday nung isang buwan, samantalang ako'y mag-lalabing-siyam pa lang sa susunod na buwan.

"Haaay! Anong gagawin ko?!" problemadong tanong nya saken

"hmmmm... sandali lang..." sabi ko habang nag-iisip ng magandang solusyon para sa kaibigan ko..

"Meron silang mga iminungkahi saken na mapapangasawa ko pero syempre nde ako pumayag..." kwento nya saken

"Madali lang sana yan kung meron kang girlfriend o napupusuan ngaun..." suhestyon ko.

"Alam mo namang nde pa sumasagi sa isip ko ang tungkol sa pag-ibig...Pano ako magkaka-girlfriend?" nanlalambot nyang sabi saken..

"Imposible naman kasi ang gusto nila... Dalawang linggo tapos kasal agad? Hindi biro magpakasal ano.." sabi ko.

"E pano nga? Alam mo bang nirereto nila saken sina Maritess at Bianca..." sabi nya

"Ewwww....cge good luck sayo! Hahahahaha.." tudyo ko sa kanya..

Parehong anak ng Mataas na Guro sina Maritess at Bianca. Ngunit si Maritess ay labindalawang taon ang tanda samen na parang Ate na ang tingin namin sa kanya. Si Bianca naman ay aming kababata na mas maangas pang kumilos kaysa kay Philip at nakailan nang girlfriend.

"Hala! Maiwan na nga kita jan! Wala ka naman maitulong saken! Kainis!" inis na sabi ni Philip sabay labas ng bahay at tuluyan ng umalis.

Natatawa pa din ako sabay tanaw sa papalayo kong kaibigan. Anong magagawa ko, wala akong maisip na solusyon sa problema nya.. Saka may problema din akong kelangang isipin.. uunahin ko pa ba sya?... Bigla tuloy nawala ang ngiti sa aking labi nang maalala ko ang aking problema.

Pano ba naman, tatlong araw nang nakakulong ang kuya ko. Nahuli syang nagbebenta ng pekeng gamot sa bayan. Nde naman nya alam na peke ung mga binebenta nya, nabili lang din ni Kuya un sa kabilang bayan sa murang halaga. Kelangan nila ng malaking halaga para makapagpiyansa o mag-intay ng dalawang taon bago makalabas si Kuya. Kaya ngaun, nasa labas ang kanilang mga magulang at naghahanap ng malalapitan na makakatulong sa kanilang problema, samantalang sya'y bantay sa kanilang munting bahay.

" O tay! nay! kamusta ang lakad nyo?" salubong ko sa kanila nang makauwi na sila

"Nak, meron na tayong solusyon... halika at ating pag-usapan sa salas..." seryosong sabi ni Tatay saken

Agad akong pumuwesto ng upo at inabangan ang muling pagsalita ni Tatay. Umupo nman sila sa harap ako. Nde ko man pansin, pero parehas silang nag-aatubiling magsalita sa harap ko..

"Ano pong solusyon sinasabi nyo Tay?" tanong ko

"Ikaw... Ikaw anak ang solusyon.." bitin na sambit ni Tatay

"Ako? Bakit ako? at pa..pano??" naguguluhan kong tanong

"Makinig ka anak... Isang pambihirang pribelehiyo ang inaalok ng Hari. Magpabuntis ka kay Philip at mag-anak ng tagapagmana nila..un lang ang makakatulong saten ngaun." sabi ni Tatay habang hawak ako sa balikat

Napanganga na lang ako sa gulat.. Tama bang narinig ko? Ako....? si Philip....? Buntis...? Tagapagmana?.... Tila nag-hang ang aking utak maging ang aking dibdib ay kumabog ng husto...

"Tay! Nagbibiro ba kau?! Anong pinagsasabi nyo?!" Tanong ko

"Keana.. alam kong nagulat ka pero nakausap namin kanina ang Mahal na Hari. Nagbaka-sakali kaming lumapit sa kanya upang magpatulong sa sitwasyon ng kuya mo. Kaugnay nun ay naibahagi naman ng Hari ang kelangang gawin ni Philip. Kaya sinuhestyon nya na maaari kang makatulong kay Philip at ganun din sila ay makatulong sa atin. Nde daw lingid sa kaalaman nya na ikaw ang pinakamalapit na kaibigan ng anak nya." paliwanag ni Inay

"ang sabi pa ng Mahal na Hari, ay gagawin nya pa akong Guro at aalisin ang record ng pagkakulong ng Kuya mo." dagdag pa ni Tatay

"Pero Nay...Tay... Malay ko ba sa pagpapabuntis at sa pag-aanak " reklamo ko

"Ang sabi pa nga ay dapat magpakasal kau ni Philip pero alam namin na magkaibigan lang kaung dalawa kaya hiniling ko kung pwedeng walang kasal na maganap. Ang importante ay may mabuong tagapagmana sila. Tinanggap naman ito ng Hari." kwento pa ni Tatay

"Pero.....bakit ako??  pano ang pagiging magkaibigan namin ni Philip kung mangyayari yung sinasabi nyo.." naguguluhan kong tanong sa kanila..

"Anak.. alam kong sakripisyo ito sa parte mo, pero lahat ay makikinabang kapag nagka-anak kau ni Philip. Meron ba syang sinabi sayo na gusto nyang mapangasawa?" tanong ni Tatay saken

"w..wala po.." mahina kong sagot..

"Please Keana, gawin mo ito para sa kapatid mo.. saka malaking tiwala ko kay Philip. Ang gusto ko nga ay talagang magkatuluyan ko. Napakaswerte mo kung tutuusin kung ikaw ang magluluwal sa susunod na Hari.." sabi ni Inay saken

"Kung may iba pang solusyon ay nde ito ang pipiliin ko anak. Wag mo isipin na ginagawa namin ito dahil mas mahal namin ang Kuya mo.. Sana maintindihan mo Keana..." sabi ni Tatay sabay yakap saken..

Nde ko namalayan na umiiyak na pala ako habang yakap si Inay at si Tatay.

Mainit na AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon