🔯☯02-Activated☯🔯

23 0 0
                                    

Art's POV

Mga tanong na kailangan ng kasagutan.

Magkasabay kami ni Love umuwi nang biglang umulit nanaman ang isang pangitain na tulad ng kay Albert. Pero sa pagkakataong iyon ay si Love na ang susunod na biktima ng aswang. Kaya habang naglalakad kaming dalawa ni Love ay tiniis ko ang aking emosyon sa pangitaing iyon. Kinausap ko si Love na lagi siyang mag-iingat.

Sana isang panaginip lamang iyong pangitain ko kasi may gusto ako kay Love kaya ayaw kong may mangyari sa kanyang masama. Pero sa pangitaing iyon hindi ko matukoy kung anong petsa o oras maaaring magaganap.

Tulad ng dati hindi kona ipinaalam sa iba ang mga pangitain ko kasi baka isipin nilang nababaliw na ako.

Nahihirapan ako sa sitwasyon ko kung bakit ganun ako? Wala akong magawa kapag nakikita kong may pangitain akong masama lalo sa mga taong malapit sa akin. Kaya hinihiling ko sana wala akong ganitong uri ng bangungot.

Pero kung sakali mang totoo o hindi ang bangungot na iyon sa pagkakataong ito aking poprotekahan si Love sa abot ng aking makakaya.

Papaano ko siya maaring maprotektahan? Sa mura kong edad ay haharap ako sa malaking kapahamakan kung totoong magaganap ang bangungot na iyon.
Bahala na kung anong mangyayari yan ang nasa aking isipan.

Lumipas ang ilang araw nang bigla nanamang nakita ko ang pangitaing mangyayari kay Love kaya ito'y aking isinulat kung ano ang mga nakita ko.

Kinabukasan araw ng sabado ay nagkita kami ni Love nagulat ako kasi yung damit at supil niyang suot ay siyang nakita ko sa aking pangitain. Kaya binantayan ko siya nang araw na iyon.

Kinagabihan mga ala-sais(6) inutusan si Love ng kanyang nanay na bumili ng ipang sasahog sa kanilang ulam dahil nakalimutang bumili. Medyo may kalayuan din ang tindahang pagbibilhan ni Love kaya ako'y nakabantay lamang lalo't may dadaanang madilim na lugar papunta at pauwi.

Habang naglalakad si Love pauwi sa parteng madilim at walang gaanong dumadaan ay....

Tulad nga na kung anong nakita ko sa aking pangitain ay siya nang magaganap ng oras na iyon.

Di nga ako nagkamali at lumabas nanaman ang aswang na ayon sa aking pangitain kaya agad din naman akong lumabas para ipagtanggol ang mahal kong si Love.

Aking napansin na hindi siya ang asawang na lumapa kay Albert dahil medyo may pagkakaiba sila sa haba ng buhok at kapal ng balahibo na mas mabagsik ang mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Aking napansin na hindi siya ang asawang na lumapa kay Albert dahil medyo may pagkakaiba sila sa haba ng buhok at kapal ng balahibo na mas mabagsik ang mukha.

Inilabas ko ang rosario dahil alam kong takot ang mga aswang sa ganun. Bigla siyang parang natakot na napatigil sa pag atake sa amin pero parang may mali dahil bigla nalang siya tumawa ng malakas na tila ba na walang bisa sa kanya ang rosariong dala ko. Kanya niyang tinapik ang kamay ko at nabitawan ko ang hawak kong rosario habang si Love ay umiiyak na sa aking likuran. Hindi kona alam gagawin ko ng mga oras na iyon bagkus naglakas loob nalang akong protektahan si Love nang biglang...

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now