🔯☯08-Espada☯🔯

16 0 0
                                    

"Mahal na hari! Ito ang iyong unang pagsasanay. Kailangan mong mapagtagumpayan ang tatlong pagsubok sa Bois magique upang lumakas ang iyong katawan at isipan. Si Lancelot na ang bahalang gumabay sa iyo."
Sabi ni Merlin sa akin.

"Ako mahal na hari ang iyong makakasama. Ikinagagalak ko pong paglingkuran kayo."
May paggalang na sabi ni Lancelot.

"Lancelot! Ibinibigay ko sa iyo ang basbas sa inyong paglalakbay. Ikaw na ang bahala sa mahal na hari."
Bilin ni Merlin kay Lancelot.

"Makakaasa ka mahal na Merlin."
Paggalang na sabi ni Lancelot.

Sinimulan na namin ni Lancelot ang paglalakbay patungo sa lugar kung saan ako magsasanay na tinatawag na Bois Magique. Hindi ko batid ang nag-aabang sa akin sa lugar na iyon.

Ilang araw narin kaming naglalakbay ni Lancelot patungo sa lugar kung saan ako magsasanay. Habang kami ay naglalakad patungo sa Bois magique sa aming paglalakad sa kakahuyan ay may lumabas na malaking Lobo na tila nakatitig sa aming dalawa. Agad na naging alisto si Lancelot para protektahan ako laban sa malaking lobo. Ngunit di naging agresibo ang lobo kaya dali-dali itong umalis.


Doon lamang ako nakakita ng malaking lobo at ibinilin ni Lancelot na mag-ingat ako sa mga iyon dahil di pangkaraniwan ang bangis at lakas ng isang malaking lobo. Kaya akin iyong tinandaan.

Nagpatiloy kami sa paglalakbay na inabot na ng halos isang buwan. Hindi namin naging problema ang makakain noong panahon nayon dahil magaling din mangaso si Lancelot.

Sa di-kalayuan ay may kakaibang daanan sa kakahuyan na at sinabi ni Lancelot na.

"Nandito na tayo sa tarangkahan ng Bois Magique kung saan ikaw ay magsasanay. Hindi na kita masasamahan mahal na hari sa pagkat ang pagsasanay na iyan ay tanging sayo lamang."

Seryoso si Lancelot na ako lamang mag-isa ang papasok sa nakakatakot na lugar na iyon. Ngunit wala akong magagawa kailangan kong gawin iyon para lumakas ako, para sa mga mahal ko sa buhay.

"Mahal na hari paalala lamang na tugaygayin mo lamang ang diretsong daan na iyan at kung sakali namang mahati ang daan ay iyong tahakin lamang ang kanang bahagi ng daan upang maiwasan ang mas delikadong daan."
Paalala sa akin ni Lancelot.

"Saan ko makikita ang tatlong pagsubok na tinutukoy ni Merlin?."
Tanong ko kay Lancelot.

"Sa loob po ng Bois Magique mahal na hari. Kung sakaling mapagtagumpayan mo ang tatlong pagsubok ay magpatuloy ka lamang hanggang marating mo ang dulo na kung saan ay iyong matatagpuan ang isang altar na kumikinang na kulay ginto at kunin mo ang bagay na nasa gitna niyon. Kung iyong magawa ay matatapos na ang iyong pagsasanay. Mag-ingat ka po!"
Sagot niya sa aking tanong.

Agad na akong pumasok sa kakahuyan ng bois magique kung saan ay naghihintay sa akin ang tatlong pagsubok. Habang ako'y naglalakad sa kakahuyan pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin pero di ko binigyang pansin.

Minabuti kong mamahinga muna dahil sa layo nang aming nilakbay ni
Lancelot ay napagod ako. Habang ako'y namamahinga ay may biglang lumabas na nakalutang hugis bilog na liwanag at may boses na lumalabas na humihingi ng tulong. Kaya agad akong tumayo at sinundan ang liwanag na bilog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now