🔯☯04-Wala akong silbi☯🔯

36 0 0
                                    

Art's POV

Hindi ko inaasahan na sobra sa aking inaakala ang mga naganap. Kasalanan ko ang lahat ng mga nangyari dahil nanahimik lamang ako pero paano ko naman sasabihin sa kanila na maaari silang mamatay sa retreat namin.

"Bata! Panoorin mo ngayon ang totoong laban"
Wika sa akin ni Yvain habang nakatingin sa mga di kilalang mga tao.

"Ginoo mukha yatang nagkakamali ka sa iyong akala at balita ko'y ikaw ang pumaslang sa dalawang aswang na pinadala ng aming clan para kunin si Art."
Galit na winika ni Abigor.

Mukhang matinding laban ang magaganap sa pagitan ni Yvain at ni Abigor

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mukhang matinding laban ang magaganap sa pagitan ni Yvain at ni Abigor. Samantalang ako'y walang magawa, wala akong silbi hindi man lang ako makatulong. Hindi ko nais ang mga nagaganap kaya naglakas loob akong tumayo at humarap sa mga walang awang halimaw. Ngunit si Yvain ay agad akong pinigilan.

"Bata! Wag mo nang tangkain ang binabalak mo. Mabuti pang ipaubaya mona na lamang sa akin ang lahat."
Nakangiting sinabi sa akin ni Yvain.

Mabilis na nilusob ni Abigor si Yvain upang patayin at yung tatlo pa nilang kasama ay mabilis ding kumilos para kunin ako. Isa laban sa apat at mukhang mamalakas sila. Kakayanin kaya ni Yvain na labanan silang lahat?

"Wag nyong maliitin ang isang tulad kong knight mga bampira na galing sa clan ng Rephaim!"
Galit na hiyaw ni Yvain.

Mga bampira pala ang lumusob sa retreat camp na kumitil sa lahat ng nanduon. Binanggit rin ni Abigor yung dalawang aswang na nakaharap ko ilang taon nang lumipas dahil sa akin nangyayari ang mga bagay na ito ngunit wala akong magawa at kasalanan ko ang lahat ng ito.

Sobrang bilis nila kumilos napansin kong may puting liwanag na bumabalot kay Yvain at pula naman sa mga bampira. Mas malakas ang puting liwanag ni Yvain kumpara sa mga bampira di ko alam kung ano tawag dun. Sa sobrang bilis nila magsikilos ay hindi kona nasusundan ang kanilang galaw at labanan.

"Mukhang nagalusan nyo ako mga pipityuging bampira!"
Nakangiting winika ni Yvain kila Abigor.

Nang tumigil sila sa pagkilos ay nakabalik sa dati niyang pwesto sa aking harapan si Yvain kaya lang may nabago dahil mas lumaki ang hawak niyang espada at may bakas na kagat sa kanyang dalawang braso. Sa grupo naman nila Abigor ay nagkasama muli silang apat ngunit aking napansin na putol na ang braso ni Draven at Alessandro samantalang yung nag iisang babaeng bampira na si Shekhmet ay biglang nahati sa dalawa. Si Abigor naman ay may galos lamang sa kanyang pisngi.

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now