🔯☯03-Sa muli nating pagkikita☯🔯

23 0 0
                                    

Art's POV

Ang pangalan ng lalakeng nagligtas sa akin ay Yvain. Yun palang ang tanging nalalaman ko tungkol sa kanya. Mabait siya maayos makipag-usap at laging nakangiti sa ganong klaseng tao di mo akalaing Aswang slayer pala siya. Ibang iba na siya kapag sa labanan talagang matindi at malakas.
Nangako siyang muli kaming magkikita at ipapaliwanag niya sa akin ang lahat ng dapat kong malaman ang tanong kailan kaya iyon?

May mga boses akong naririnig na gumigising sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at sa pagmulat ng aking mga mata wala na si Yvain bagkus naiwan akong nakahiga sa kakahuyan.

Natagpuan ako ng aking mga magulang sa kakahuyan na bakas sa kanilang mga mata ang pag-aalala at saya dahil natagpuan nila akong buhay.

Ayon sa kanilang kwento ay magdamag naraw ako nawawala kaya akala nila kung ano na nangyari sa akin. Nagtataka ako kung bakit nawala yung sugat ko na gawa ng kagat ng aswang.
Ang mahalaga sa ngayon ay nakabalik akong ligtas at may sasagot na sa aking mga tanong yun ay si Yvain.

Walang maalala si Love sa mga nangyari noong gabing iyon. kaya isang malaking misteryo para sa aming baryo ang naganap.
Hindi ko narin sinabi ang mga bagay na nangyari nung gabing iyon pero naalarma ang baryo sa mga naganap na iyon lalo nung nawala si Albert. May usap-usapan ding may aswang nga daw na gumagala sa buong lugar.
Hindi na umulit ang masamang bangungot pagkatapos mangyari noong gabing iyon.

Lumipas ang ilang taon at nasa grade 10 na ako pero hanggang sa panahon na iyon ay hindi parin nagpapakita o nagpaparamdam si Yvain sa akin. Hindi ko tiyak kung kailan ang sinabi niyang muli kaming magkikita na lagi kong inaasam. Wala narin akong mga pangitain nakikita sa mga panahon na nagdaan kaya nakampante narin ako kasi di kona ulet nararanasan ang mga bangungot na nangyari noon.

"Panahon na!"
Salitang tumatak sa akin na ilang araw ko na ring napapanaginipan na sinasabi ng di ko kilalang lalake. Pero malakas ang aking kutob na mukhang mauulet nanaman ang mga bagay na nangyari sa nakaraan.

Pero kung sakaling mangyayari muli ang masamang nakaraan ay handa na ako ngayon.

May paniniwala na kapag malapit naraw magtapos ang estudyante sa eskwela ay malapit ito sa kapahamakan na sa tingin ko ay totoo dahil may pangitain akong nakita na isang trahedyang magaganap lalo na sa aming bahagi.

Itinala ko sa aking talaan ng mga pangitain ang trahedyang mangyayari. Magkakaroon ng isang okasyon sa aming paaralan na abala ang mga estudyante, tulad ng dati hindi ko alam kung kailan maaaring maganap.

Isang araw nang ianunsyo ng aming paaralan na mag kakaroon kami ng isang retreat na tinatawag para sa mga estudyanteng nasa grade 10 na malapit nang magtapos. Yun na ang hudyat ng aking pangitain kung kailan mangyayari.

Kanya kanyang kwentuhan ang aking mga kaklase nang malaman nilang may retreat ang grabe 10 at kita sa kanilang mukha ang pagkaexcite. Sasama ako sa retreat para mapatunayan ko sa aking sarili na totoo talaga ang aking mga pangitain.

Nagtrending sa buong campus ang gaganaping retreat sa buong grade 10 sa kadahilanang marami akong kaklaseng mga excited kung alam lamang nila ang maaaring mangyari sa retreat na iyon. Ayaw ko nalang sabihin ang mga nakita ko sa aking pangitain baka akalain ng mga kaklase ko ay nasisiraan na ako ng ulo.

Lumipas ang mga araw na di ko namalayan. Dumating na ang oras na pinakahihintay ng mga grade 10. Para sa akin ibang pananabik ang aking nararamdaman, pananabik na masusubukan ko kung gaano ka sakto ang aking pangitain. Masaya ang mga grade 10 dahil sa retreat na ito ngunit di nila namamalayan na papalapit na sila sa kapahamakan.

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now