🔯☯07-Pagsasanay☯🔯

14 0 0
                                    

Sa mga sinabi ni Merlin sa akin kaya nalaman ko ang maaaring dahilan ng Rephaim Clan kung bakit ganon na lamang ang kanilang pagnanais na makuha ako dahil sa aking Bloodline.

"Batid kong nais mong malaman kung bakit espesyal ang iyong bloodline at kung saan ito nagmula"
Sabi ni Merlin

Tama ang sinabi sa akin ni Merlin nung oras na iyon na yun ang matagal ko nang nais malaman. Kinuha ni Merlin ang isang aklat natinatawag na  gammal svart bok at kaniya iyong binuklat at binasa. Ayon sa aklat na iyon ay may isang isisilang na muling mauupo sa trono ng isang hari na ang isisilang na iyon ay may taglay na kakaibang linya ng dugo na siyang mamumuno sa itinakdang panahon. Isang propisiya ang binasa ni Merlin na nakasulat sa gammal svart bok . Pakiwari kong ibig sabihin ni Merlin ay ako ang tinutukoy sa aklat na itim na iyon pero papaano mangyayari yun dahil ako ay isang mahinang tao lamang. Kumuha si Merlin ng isang babasaging lalagyanan na may mga simbolong nakasulat, kumuha rin siya ng matalim at matulis na bagay at kanyang itinusok sa aking daliri. Kinuha ni Merlin ang babasaging bagay at isinahod sa aking daliring dumurugo.

"Ito ang verre de sang sa pamamagitan ng bagay na ito ay aking malalaman kung saan nagmula ang iyong bloodline at kung gaano kalakas ang iyong methacondrion"
Sinasabi ni Merlin habang ipinatong  niya sa isang maliit na altar ang verre de sang  na may dugo ko.

Malalaman sa verre de sang kung saan nagmula ang linya ng aking dugo. Habang pinanonood namin ni Merlin ang nagliliwanag na pinaglagyan ng aking dugo nang bigla itong sumabog kaya agad na pumasok sila Percival, Ywain, Morien at Dornar sa silid ni Merlin upang tignan kung anong nangyari sa amin.

"Ha ha ha ha.......! Nga-ngayon ko lang nasaksihan ang ganitong pangyayari! Ang  verre de sang na panahon pa ni Merlin I ang edad ay hindi kinaya ang bloodline ni Arthur! Ibig sabihin siya na nga ang tinutukoy sa propesiya!"
Namangha at natuwang sinabi ni Merlin.

Laking gulat ko nang biglang lumuhod si Merlin, Percival, Ywain, Dornar at Morien. Hindi ko alam ang aking gagawin ng oras na iyon kahit ang kilalang Merlin at mga malalakas na Knights ay lumuhod sa aking harapan. Tinawag nila akong "King Arthur"

 Tinawag nila akong "King Arthur"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Aming Hari! Maligayang pagbabalik!"
Pagbati ni Merlin at ng iba pa sa akin.

"Ngu-ngunit pa-paano ninyo ako naging hari? Si-simpleng buhay lang meron kami. Sa-saan ko naman mamamana ang dugong nananalaytay sa aking katawan? Tumayo kayo."
Aking tinuran at tanong ko sa kanila.

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now