🔯☯01 - Sino ako?☯🔯

28 0 0
                                    

Art Camiro'S POV

Ako si Arthur "Art" nalang in short 18yrs old simpleng mamayanan na may simpleng buhay na tulad ng iba ngunit meron akong isang bagay na sinisiguradong wala sa iba. Kaya sa aking kwento inyong malalaman kung ano ang ipinagkaiba ko sa ibang tao.

Sa aking pagiging iba kumpara sa ibang tao, maraming bagay akong nagiging tanong sa aking sarili na "bakit ako? Sana iba nalang?".

Siguro ito'y isang kaloob kung tawagin dahil iilan lamang ang may ganitong pagkakaiba at para sa iba ito'y isang sumpa kung ituring.

Noong Bata pala mang ako ay naranasan ko ang kakaibang biyaya na ito o itinuturing ng iba na sumpa ngunit para sa akin ito ay isang masamang bangungot.

Isang bangungot ang hinding-hindi ko makakalimutan na ipinaranas sa akin ng ipinagkaiba ko sa kanila.

Noong grade 5 palamang ako araw ng sabado, ginabi ako sa bahay ng aking classmate na si Jowil kasama ko si Albert kaya lang nauna na siyang umuwi sa akin nang biglang may nakita akong pangitain na may masamang mangyayari sa kanya na parang isang panaginip, hindi ko iyon binigyang pansin dahil baka likha lamang ng aking malikot na imahinasyon ang lahat. Natatakot ako sa pangitaing nakita ko na parang totoong totoo. Napansin ni Jowil na parang bigla akong natakot na walang dahilan kaya natanong niya ako kung ayos lang ako. Di nagtagal nagpaalam narin ako kay Jowil para umuwi dahil 6pm na at siguradong hinahanap na ako sa amin.

Dahil probinsya ang aming lugar medyo mapuno at malalayo pa ang pagitan ng mga bahay. May daan pauwi sa aming barangay na kinatatakutan ng mga taga sa amin at ng iba pang kalapit barangay. Tinatawag na "Lipana" ang kinakatakutang lugar dahil may usap-usapang may nagpapakita o nagpaparamdam na kung ano-ano doon. Nakaramdam ako ng sobrang takot sa aking nakitang pangitain na parang totoong-totoo para bagang nanduon ako sa pangyayari at di ko alam kung bakit nagkaroon ako ng ganong pangitain.
Sa di kalayuan patungo sa mapunong daan ng lipana ay may narinig akong ingay na para bagang ungol ng isang asong galit.

Hinahanap ko ang tunog kung saan nagmumula at ako'y nabigla dahil kung ano ang nakita ko sa pangitain ay siya ring naganap ng oras na iyon. Nagkubli ako sa isang puno at nakita ko si Albert na tila wala nang buhay habang kagat-kagat at nilalapa siya ng isang di ko mawaring nilalang.

Hindi naman siya isang hayop pero mas nahahawig siya sa isang tao.
"Aswang" kung siya'y tawagin sa aming lugar. Wala akong magawa noong oras na iyon, hindi ko man lang siya nagawang iligtas. Umiyak na lamang ako habang nakikitang kinakain si Albert ng aswang.

Nagmadali akong tumakbo para makahingi ng tulong kanino man, nung papalayo na ako ay biglang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagmadali akong tumakbo para makahingi ng tulong kanino man, nung papalayo na ako ay biglang...

Bigla nalang lumitaw sa aking harapan ang isang lalakeng kakaiba na nakakatakot ang mukha na may mahahabang mabalahibong braso at kamay. Hindi kona alam ang aking gagawin ng oras na yaon na pakiramdam ko ay ako ang susunod na lalapain ng aswang.
Sinunggaban niya ako agad nang biglang.....

The 8TH Clan - Which clan you belong?Where stories live. Discover now