Matapos sambitin ni Percival ang mga salitang iyon ay biglang bumukas ang pintuan ng Knight's den. Kaba ang aking nararamdaman dahil di ko batid kung ano ang nagaabang sa kabila ng pintong iyon.
"Kanina kapa namin hinihintay!"
Wika sa akin ng isang lalake na sumalubong sa amin.Laking gulat ko nang sinabi sa akin ni Yvain ang mga salitang iyon. Tama di ako nagkamali sa aking nakita nasa ayos na kalagayan nga siya, kaya agad ko siyang niyakap dahil sa sayang aking nadarama.
"Salamat sa pagtatanggol mo sa akin mula palang sa aking pagkabata Yvain! Masaya akong makita kang nasa ayos na kalagayan."
Nanabik at umiiyak habang yakap ko si Yvain."Arthur sya nga pala hindi siya si Yvain kundi siya si Ywain ang kanyang kakambal"
Nakangiting sinabi ni Percival.Si Ywain pala ang aking niyakap, laking akala ko na si Yvain siya dahil magkamukhang magkamukha silang dalawa. Nalungkot ako dahil akala ko ay nasa mabuti na siyang kalagayan.
Sinama ako ni Percival at Ywain sa isang silid. Binuksan ni Ywain ang pinto ng isang silid at nagulat ako sa aking nakita, isang kapsula na ang nasa loob ay katawan ni Yvain. Ayon kay Percival kaya nasa kapsula si Yvain ay para gamutin sa natamo niyang pinsala laban kay Abigor at kaya kailangan raw siyang ilagay sa kapsula upang di siya matuluyang maging isang bampira."Isang kwalipikasyon ng isang knight ay ang pagkakaroon ng matigas na loob, upang kanilang maganap o magampanan ang kanilang misyon. Kasama talaga yan sa pagiging isang knight ang humarap sa mga mapanganib na misyon. Mapalad si Yvain dahil naabutan pa namin siyang buhay."
Wika ni Percival sa akin.Panatag narin ang aking kalooban dahil nalaman kong nasa ayos na siyang kalagayan. Pagkatapos namin sa silid kung nasaan si Yvain ay tumuloy na kami sa isang silid. Kahit nasa loob ng kuweba kami ay nasa ayos ang lahat. Makaluma at antigo ang mga kagamitan sa loob ng Knight's den may mga estatwa ring knight's nakadisplay at parang iilan lamang ang mga tao dun. Ako si Percival, Ywain, Dornar, Morien at Yvain.
Pagkabukas ni Percival ng pinto ay aking nakita ang malaking antigong lamesa na maraming nakapalibot na antigo ring upuan. Tinawag ni Percival na Knights of the Round Table ang antigong lamesa kung saan nagpupulong ang labing apat na myembro ng round table. Aking napansin ang isang malaking upuan na parang trono.
"Kuya Percival ano tawag sa malaking upuan na nasa gitna ng entablado?"
Tanong ko sa kanya"Tinatawag iyang Tronos de King."
Sagot niya sa akin.
YOU ARE READING
The 8TH Clan - Which clan you belong?
De TodoIsang bata ang nakasaksi ng isang hindi maipaliwanag na pangyayari. Alamin natin na ang pangyayari ay nagbago ng kanyang buhay at kung siya ay kabilang sa isang lahi? ????☯The 8th Clan☯???? One child witnessed an unexplained event. Let's find out th...