Chapter 7

13 3 0
                                    

7:30 PM na pero hindi nagpakita si Ruah. Kaninang 11 AM pa ako naghihintay dito. Ni hindi na rin ako pumasok after 10AM class. Naghintay ako ng ilang oras pero walang dumating.

Umuwi na lang ako at dumiretso sa kwarto ko. Ibinagsak ang sarili sa kama. Napagod ako sa kakaupo dun at kakahintay na may darating.

Hahaha. What am I even thinking? Para parehas lang siguro lahat sila.

Nag-online ako at nakita ang message ni Yuki.

Yuki • active now

I-profile mo 'to!

Yuki sent a photo.

'Yung kaninang stolen ko 'yung sinend niya. Nakangiti pa ako kanina pero ngayon talagang parang hindi na ako ngingiti ulit dahil sa nangyari.

Bigla namang may nagnotif kaya tinignan ko. Si Ruah pala 'yung nag-chat.

Ruah • active now

I'm sorry, nagkaemergency eh.

Sorry Ara.

Bukas na lang, puntahan na lang kita.

Nakakalungkot na hindi siya dumating pero naiintindihan ko naman na nagkaemergency nga raw. Bahala na, ayaw ko nang mag-expect ulit.

KINAUMAGAHAN

Agad akong umalis sa bahay at dumeretso sa room. Umupo at nagpatugtog lang ako sa earphone ko. May time pa naman bago ang first class kaya magre-relax muna ako.

Nakalapat lang ang ulo ko sa braso ko nang may kumalabit sa akin. Nakita ko 'yung bagong kaklase pala namin, si Haru ba 'yun?

"Hey, I'm Ruah," sabi niya at diretsong lahad ng kamay niya sa akin. Luh, kakapakilala lang nito nung isang araw, ulit-ulit?

But wait, anong sabi niya? Ruah?

"You gotta be kidding me," sabi ko sa sarili ko. Joke ba 'to?

"Ara," sabi niya sabay kindat. Naknampucha, kaya pala sinabi niya yun. Apaka-bobo ko naman, katabi ko lang pala.

"Gago, kaya pala absent ka kahapon," sabi ko dahil wala siya kahapon hanggang 10 AM na nasa school ako. Totoo nga siguro na nagkaemergency siya.

"Nakakatampo, bakit nakalimutan mo pangalan ko? I'm Haru, kaya nga Ruah tinawag mo sa akin kasi pinag-jumble mo pangalan ko. Wahahaha," sabi niya. Oo, Haru nga pangalan niya. Ngayon, natatandaan ko na.

Dumeretso kami ni Haru papuntang coffee shop para makapag-usap ng maayos. Kapag kinausap ko siya sa classroom, maiintriga mga kaklase ko dahil minsan lang ako makipag-usap sa mga lalaki.

"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang kung hindi mo ako tinatarayan araw-araw."

"Malay ko bang ikaw si Ruah. Bakit kasi hindi mo agad sinabi?"

"No, malay ko bang nakalimutan mo ako?" tanong niya. Wala naman akong nagawa pagkatapos nun.

"Sakit kaya ng ginawa mo sa akin. Never kita makakalimutan tapos ikaw hindi mo pa maalala 'yung pangalan ko?"

Paulit-ulit niyang sinasabi 'yan. Sabagay, kung ako siya, magtatampo rin ako.

"So paano ako makakabawi sa 'yo?" tanong ko. Nag-isip naman siya kung ano ang papagawa niya.

"Kwento mo sa akin kung anong nangyari, bakit ganoon 'yung pagtrato mo sa akin nung first meet. Alam kong may dahilan," sabi niya. Usually, hindi ko sinasabi sa ibang tao kung ano 'yung nangyari pero dahil siya si Ruah—este Haru, panatag ang loob ko sa kanya.

Kinwento ko lahat ng nangyari kay Haru pero hindi ko binanggit ang pangalan ni Akio. Baka ipang-bwisit niya pa sa akin.

"Huh? Meron palang ganun. So hanggang ngayon hindi mo pa rin nalalaman bakit siya nakipag-break?" tanong ni Haru.

"Wala na akong balita tungkol sa kanya. At oo, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan. Maybe, wala naman talagang dahilan at gusto lang talaga niyang iwan ako."

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon