Chapter 9

13 2 0
                                    

Akio's POV

Nandito ako ngayon sa school ng kapatid ko. Sabi niya, punta nalang daw ako sa covered court dahil ayaw niyang mamiss ko yung gagawin niya today.

May event ba ngayon at magpe-perform siya? Ewan.

Dumiretso ako sa covered court at nakitang maraming nakalumpong na tao. Nakita ko ang kapatid kong si Haru na kumakanta sa harapan. Ano nanamang trip nito? Ahahaha.

Parang kailan lang nung mahiyain siya, ngayon hindi na.

"Will you be my girlfriend?" tanong niya. Sinundan ko ang tingin niya at nakitang ang tinatanong niya ay ang ex-girlfriend ko, si Akira.

Kumanta ulit sa harapan si Haru at ako, nakatingin lang kay Akira. Hindi ko ine-expect na agad niya akong makikita. Ang tagal na nung huli kaming nagkita at nagkausap.

Biglang bumagsak ang katawan ni Akira at dali-dali naman siyang binuhat ni Haru papuntang clinic. Sinundan ko sila.

Nag-aalala ako dahil baka may nangyari sa kanya. May sakit ba siya?

Inihiga na siya at tinawagan ang nurse. Sabi ng nurse ay dahil sa init kaya nag-collapse si Akira.

"Kuya, bibili muna ako ng pagkain ah. Hindi pa kasi kami kumakain, para makakain na rin si Akira pagkagising niya. Baka gutom na rin siya eh. Pakibantayan muna," sabi ni Haru sa akin at umalis na.

Habang wala siya, tinitigan ko lang si Akira. Ang natatanging babaeng minahal ko. Naaalala parin kaya niya ako?

"Bakit ka nandito? Nasaan ako?" tanong niya sa akin pagkagising niya.

"Nahimatay ka kanina at dinala ka ni Haru rito. Bumili lang siya saglit ng pagkain niyo," sagot ko. Nanahimik na siya at tumingin sa kabilang direksyon.

Dahil tahimik, tumingin lang ako sa paligid at nakita yung gitara ni Haru. Kinuha ko ito at nagsimulang tumugtog.

When I Was Your Man by Bruno Mars

"Cause my heart breaks a little when I hear your name"

"Now my baby's dancing but she's dancing with another man"

"I know I'm probably much too late to try and apologize for my mistakes, but I just want you to know"

"Itigil mo yan," sabi niya pero nagpatuloy pa rin ako.

"Do all the things I should've done when I was your man"

"Hindi mo ba ako narinig?! Sabi ng itigil mo yan eh!" sabi niya at itinapon yung gitara. Nabigla ako. Ngayon ko lang siya nakitang magalit.


*****Flashback*****

Nandito ako sa basketball court kasama si Akira. Nagpapaturo kasi siya kung paano mag-shoot dahil magbabasketball daw sila sa PE time nila kaya tinuruan ko na.

"Oh babe, ang pawis mo!" nag-aalalang sabi ni Akira sa akin sabay kuha ng towel at pinunasan na ang mukha at likod ko. Hinalikan ko siya sa labi. Ang ganda talaga ng girlfriend ko.

"Asim mo na, babe," sabi niya sa akin pagkatapos akong halikan pabalik.

Hinabol ko siya at tumakbo naman siya na para bang hindi niya alam na mahuhuli ko rin siya.

Nahuli ko siya at umupo lang kami sa gitna ng court habang yakap siya.

"I love you, Akio," sabi niya sabay tingin sa akin. Mahal na mahal ko talaga si Akira.

"I love you too, Akira," sabi ko at niyakap pa siya ng mas mahigpit.

Pagkadating ko sa bahay ay napansin ko na maraming tao. Pagkapasok ko ay agad sumalubong sa akin si Haru. Nakauwi na pala ang kapatid ko mula abroad.

Nagpapagamot kasi siya dahil may heart cancer si Haru. Matagal ko siyang hindi nakita. Sana maging ayos na ang pakiramdam niya.

"Oh, musta bunso?" tanong ko sa kanya at niyakap siya.

"Medyo ayos na kuya. Excited akong umuwi, makikita ko na ulit si Ara!"

"Ara nanaman? Ano bang itsura ng crush mo?"

"Wait, kunin ko yung picture namin," sabi niya sabay takbo papuntang kwarto.

Pagkababa niya ay may hawak siyang letrato na may kasama siyang babae. Mukhang familiar yung babae, kamukha niya yung girlfriend ko. Kamukha niya si Akira!

MAHAL NG KAPATID KO SI AKIRA?

Laging kinukwento dati sakin ni Haru na may kaibigan daw siya. Ara raw tawag niya sa kanya. Masaya siya kapag nagkukwento kaya alam kong importante sa kanya si Ara.

Hindi ko alam na si Akira pala at si Ara ay iisa. Ano nalang magiging reaksyon ni Haru kapag nalaman niya? Baka bumalik ang sakit niya.

"Anak, pakibantayan muna ang kapatid mo. Wag mong hahayaang sumpungin ang sakit niya sa puso," bilin ni papa at mama sa akin. Aalis nanaman sila dahil sa work.

Ayaw kong maging malungkot ang kapatid ko once na malaman niyang ang girlfriend ko ay si Akira, na matagal na niyang mahal.

Ayaw kong maging masaya kami ni Akira habang nasa gilid ang kapatid ko na umiiyak.

Kaya napagdesisyonan ko na mag-give up at hintayin na mapasakanya si Akira. Alam kong aalagaan niya si Haru.

I give up for that reason.

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon