Chapter 10

2 1 0
                                    

Akira's POV

Nabigla ako nang pag-gising ko ay nasa harapan ko si Akio. Akala ko ilusyon lang yung kanina, totoo palang nandito siya.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Nakikita mo naman, di ba? Umalis ka na," sabi ko at pinagtulakan na siya. Ayaw ko na siyang makita pa. Umalis siya nang hindi nagpapaliwanag, at hindi ko na kailangan ang reason niya ngayon. Wala na akong pake.

"Mahal na mahal kita," bulong niya pero narinig ko parin siya.

"Tanginang pagmamahal yan, Akio. Kung mahal mo ko, hindi mo ako iiwan!" sigaw ko sa kanya.

Biglang may nabasag sa likod ni Akio. Pagtingin ko, nandoon si Haru na nakatayo at umiiyak na.

"Anong nangyayari dito, Kuya?" tanong niya.

"Ku-Kuya mo siya?!" gulat na tanong ko. Shit.

"Oo, bakit?" tanong ni Haru.

"Kuya mo ang ex ko? Fvck!" sabi ko at umalis na sa kama.

Tangina, niloloko ba nila ako? Tangina lang.

"Ara, hintayin mo 'ko!" sabi ni Haru na hinahabol ako.

Takbo lang ako nang takbo pero napahinto ako nang maraming tao ang nagtatakbuhan palapit sa akin. Mali. Sa likod ko pala.

Lumingon ako at nakita si Haru na nakahiga. Hindi ko na maipaliwanag ang kaba ko ngayon. Dali-dali akong lumapit at pinabuhat siya papunta sa clinic pero nung nakita siya ni Akio ay tumawag siya agad sa hospital.

Habang nasa ambulance ay chineck ko ang pagtibok ng puso niya sa kamay pero wala. Hindi na rin siya humihinga.

Nasa loob na siya ng room sa hospital at ako nasa labas. Anong nangyari? Paano? Paano kapag? No, ano ba itong pinag-iisip ko.

Tumabi sa akin si Akio. Gusto kong itanong sa kanya kung anong nangyayari pero nauna na siyang magsalita.

"Alam mo ba kung bakit nakipag-break ako?" tanong niya. Hindi ko sinagot. Talagang ngayon pa niya itatanong yun? Nasa hospital kapatid niya oh!

"Kasi mahal ka ng kapatid ko. Lagi niyang sinasabi sa akin yung Ara. Nung una, akala ko iba yung Ara na sinasabi niya, ikaw pala yun, Akira. Masaya siya kapag naikukwento ka niya sa akin. May sakit si Haru, heart cancer. In order for him to stay happy, I decided to give up us. Sorry if hindi ko sinabi sayo dati to. Gusto ko kasi hindi maging awkward yung tingin mo sa kapatid ko," sabi niya. Natural, nabigla ako.

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa aking mata. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Hindi ko alam na mahirap din pala para kay Akio na maghiwalay kami nung time na yun. Wala akong kaalam-alam kaya ang ginawa ko ay sinumpa ko siya mula noon.

"Mahal na mahal kita. Ikaw na ang bahala sa kanya," sabi niya at umalis na. Ako na lang mag-isa.

Nanalangin na lang ako habang naghihintay.

-----

Ang dilim naman dito. Naglalakad lang ako sa madilim na paligid. Sumisigaw pero walang sumasagot. Asan na ko?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang mapunta ako sa lugar na may liwanag. Puno ng ilaw ang bahay na 'to. Maraming bulaklak at maraming tao. Hindi ko maipaliwanag ang itsura ng mga tao pero naglakad ako papunta sa harap. May kabaong. Kinabahan ako. Sumilip ako kung sinong nasa kabaong at nakita ko siya.

"Akio!"

Nagising ako at napasigaw. Nasa hospital pa rin pala ako. Panaginip lang pala ang lahat. Salamat naman.

Ilang araw ko nang binabantayan si Haru at ngayon ay gising na siya.

"Hindi ko alam kung saan pumunta si Kuya at may iniwan lang siyang letter para sa akin at para sayo. Pinaliwanag niya ang lahat. Sorry dahil pala sa akin kaya kayo naghiwalay," sabi ni Haru at nagpakawala ng mga luha. Agad kong pinunasan ang mga luha niya. Hindi na maibabalik ang nakaraan kahit ilang ulit pa siyang umiyak at humingi ng tawad. Hindi ko rin inisip na kasalanan niya ang nangyari. Wala siyang dapat hingin ng tawad.

"By the way, ngayon ko lang nalaman na may nag-donate ng puso para sa akin," sabi ni Haru. Binigay na rin niya yung isang sulat ni Akio para sa akin.

"Don't worry, hindi ko binasa," sabi ni Haru sa akin.

Dear Akira,

By the time you'll read this letter, maybe wala na ako sa mundo. Sana alagaan mo ang kapatid ko at alagaan mo rin ang puso ko na nasa kanya na ngayon. Ito lang ang maaari kong gawin para tumagal kayong dalawa. Kung ang pagpapalaya sayo ang makakapagpasaya kay Haru, ang pagbibigay ng puso ko sa kanya ay ang makakapagpasaya sayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko at sana tandaan mong mahal na mahal ko kayo. Sana ay maging okay na ang lahat pagkatapos nito. Paalam.

- Akio

Nagsimula na akong umiyak. Wala na siya. Wala na si Akio?!

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon