Chapter 2

22 3 0
                                    

Habang naglalakad ako pabalik sa room, bigla akong natisod sa isang bato. Ang bobo naman ng batong 'to. Syet, ang sakit sa tuhod.

Nakita ko na lang na may sugat na ako at dugong-dugo ito. Tatayo na sana ako kaso hindi ko talaga kaya. Tatawagan ko na sana si Kanna pero wala akong load. So anong gagawin ko rito? Baka maihaw na 'ko, ang init pa naman.

"What happened to you?!" galit na sabi nung lalaki kanina. Bulag ba 'to? Nakita nang natisod yung tao eh.

Napaiyak na lang ako kasi ang sakit na talaga ng tuhod ko.

Nabigla ako nang buhatin ako nung lalaki kanina.

"Bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya at nagpumiglas pa ako kaso ang lakas niya.

"Wag ka nang mag-inarte. Ikaw na ngang tinutulungan oh," sabi niya. Akira, stop mo muna yung kaartehan mo. Isipin mo na lang na kapag hindi ka niya tinulungan ay gagapang kang pupunta sa clinic. Mas mabilis na 'to.

Dinala niya ako sa clinic at nilinis na yung tuhod ko. Nakita kong nandoon pa rin sa labas yung lalaki. Ano kayang kailangan nito?

Nakaupo na 'ko ngayon at hindi pa rin makatayo nang maayos. Pumasok naman yung lalaki kanina sa loob ng clinic at umupo sa tabi ko.

"Hoy wa-" hindi ko pa natatapos yung sinabi ko eh agad na siyang nagsalita.

"Call me Yuki," sabi niya na akala mo naman makakausap ko pa.

"Well Yuki, thank you sa pagdala sa akin dito at makakaalis ka na," diretsong sabi ko sa kanya. Dun ko napansin na umiiyak siya. Ano na namang kadramahan to? Nagpapaawa ba siya o ano?

"Niloko niya ako. I heard you earlier na sabi mo lolokohin ko siya. The fvck! Ako yung niloko niya. Ang sabi niya kanina ay meron na siyang boyfriend eh bakit pa siya nagpaligaw sa akin. Ang sakit," sabi niya habang umiiyak.

Naawa tuloy ako sa kanya. Nakikita ko yung sarili ko nung sinaktan ako ni Akio. Sa pag-iyak ni Yuki, ramdam mong mahal talaga niya yung girl.

"Yuki, if you don't want to get hurt, then stop loving someone. Look at me, I don't care about that damn love and now, I'm not broken and able to protect my heart. So stop loving," sabi ko sa kanya.

"I don't know if I can stop myself from loving someone," sabi niya at patuloy lang sa pag-iyak.

Hindi ko talaga mapigilang isipin na nakikita ko yung dating ako sa kanya. But luckily, I overcame it. Maybe I should help him because when I was in his situation, I also wished na merong mag-aadvice o tutulong sa akin.

"Okay, fine. I will help you to stop falling in love with someone. I will help you but there is one rule," sabi ko sa kanya. Halata sa mata nito ang pagtataka pero parang payag siya na tulungan ko siya.

"Don't fall in love again, especially with me," seryosong sabi ko sa kanya. I don't want another problem dahil lang tutulungan ko siya.

Nabigla na lang ako nang tumawa siya. Akala niya ba ay nagjojoke ako?

"Hahaha. Naisip mo pa talaga 'yan? Of course I'm not gonna fall for you. Sa taray mong 'yan? No way," sabi niya.

Agad akong tumayo at lumabas na ng clinic. Naglalakad ako ngayon nang dahan-dahan. Masakit pa rin kasi ang tuhod ko.

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!


Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon