Chapter 3

17 3 0
                                    

Habang naglalakad, may biglang umakbay sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay niya.

"So what are we gonna do now?" tanong ni Yuki sa akin sabay kindat.

"First, don't touch me and don't flirt with me. Wag mo akong masyadong lapitan, allergic ako sa mga lalaki."

"Seryoso, ano nga? Gusto ko nang mag-move on."

"Hoy, mahirap kaya mag-move on. There are a lot of steps that you need to overcome before mapunta sa nakamove-on stage. At wag kang magmadali, baka magkamali kang muli."

Habang naglalakad, naisip ko na mali ata ang ginawa kong tulungan siya. Mukhang magiging problema siya sa buhay ko eh. Kung talagang hindi lang malambot ang puso ko sa mga nasaktan, hindi ako magdadalawang isip na hindi siya tulungan.

"Ang sakit pala," biglang bulong niya. Bulong na narinig ko pa rin.

"I already experienced that," sabi ko sa kanya nang nakangiti. Kapag naiisip ko na nalagpasan ko yun, napapaproud ako sa sarili ko.

"Can you tell me what happened?" tanong niya.

"No," sagot ko. As if naman na sasabihin ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino. Kaya ko 'to!

"Okay. Just tell me when you are ready."

Malapit na ako sa room at nakita na nasa loob na yung teacher. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari kaya pinapasok niya pa rin ako kahit late na ako. Si Yuki naman ay umalis na. Hindi ko alam kung anong year or section niya. Bahala na siya kung kailan siya ulit magpapakita.

Pagkaupo ko ay napansin ko na may katabi na ako. Wala kasing umuupo rito dahil bakanteng pwesto 'to at nakita ko na hindi ko kilala ang nakaupo. Kailan pa siya nakaupo rito?

"Hi. I'm Haru Hernandez. Bagong lipat lang," sabi niya. Ah kaya pala hindi ko siya kilala, bagong salta pala.

"I'm Akira Gonzales," maikling pagpapakilala ko. Hindi ko siya kinausap after nun. Ayaw ko nga kasi na may kausap akong lalaki.

Tumunog na yung bell kaya inayos ko na yung mga gamit ko at nagready ng umuwi. Medyo nakakapagod ang araw na 'to dahil sa dami ng nangyari.

Habang naglalakad pauwi, tinitignan ko lang ang mga taong nakakasalubong ko. May mga mag-isa at may iba naman na may kasama. Parang kailan lang nung kasama ko siya, ngayon ako na lang mag-isa.

Hay, ano na naman bang iniisip ko? Kasalanan 'to ni Yuki eh. Ayos na 'ko eh, kung hindi niya lang minention yung sitwasyon niya kanina ay hindi ko maaalala yung nangyari sa akin dati.

"Miss, tignan mo nga dinadaanan mo," sigaw ng isang tricycle driver sa akin. Dahil sa pag-iisip ko ng malalim, muntikan pa akong mabangga rito buti na lang ay may humatak sa akin.

Papasalamatan ko sana yung nagsave sa akin pero paglingon ko ay umalis na siya. Nakahoody siya pero alam kong kaschool ko siya dahil yung pants na suot niya ay ang pants ng mga lalaki sa school. Sino na naman kaya yun? Bakit ba laging lumalapit sa akin ang mga lalaki? Pero sabagay, kung wala itong lalaking humatak sa akin kanina, nategi na ako ngayon.

Nakauwi naman ako sa dorm ng buhay. 6:00 pm na kaya nagluto na ako ng kakainin namin ni Kanna. Nagluto ako ng pasta at nanood lang kami ng sikat na movie ngayon na My Ex and Why's.

Habang nanonood, finifeel ko na ako si Liza Soberano. Yung hatred niya toward sa ex niya, ganun na ganun ang meron ako ngayon. Pero nung nakita ko yung last scene, nadisappoint ako dahil hindi mangyayari sa amin ni Akio yun. Hindi na kami magbabalikan pa.

"Hindi lahat ng ex mababalikan pa. Dahil sana sa una pa lang, dapat pinahalagahan mo na." sigaw ko na ikinabigla ni Kanna.

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon