Chapter 6

13 3 0
                                    

Nakauwi na ako sa bahay ngayon. Dahil nga nasa labas si Kanna kasama si Yuki, hindi ko mapigilang malungkot dahil mag-isa na naman ako.

Kailan kaya ako magtitiwala ulit? At kanino? Kokonti na lang ang seryoso ngayon.

Hay, ano bang iniisip ko? Maglinis na lang ako kaysa isipin ang mga problema na nangyari at hindi pa nangyayari.

"Kapagod," I sighed. Natapos ko nang linisin ang buong dorm namin pero wala pa rin si Kanna. Masyado atang ineenjoy ang araw na 'to.

Habang nagpapahinga, I opened my laptop and checked my Facebook. Maraming notifications, friend requests, at messages. But someone got my attention. Account siya na walang profile picture. Nag-chat siya sa akin ng "Ara."

Isa lang ang tumatawag sa akin ng ganito. And I'm pretty sure na siya ito. I mean, ang layo ng Ara sa Akira, 'di ba?

Inistalk ko 'yung account ng nag-chat at ang pangalan niya ay "Ruah". Weird, right? Hindi ko na kasi matandaan 'yung pangalan niya basta alam ko lang tawag niya sa akin is Ara.

I accepted his friend request. Umaasa ako na siya 'yun dahil importante siya sa buhay ko.

Ruah • active now

Ara

Akira • active now

Nyeta ka, saan ka nagpunta at hindi ka na nagpakita?

Ruah • active now

I'm already on your side, hindi mo lang ako tinitignan.

Akira • active now

Bakit hindi kita tinitignan? Kung hindi, edi magpakita ka.

Then, nag-log out na siya.

9 PM na pala at hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Ruah. Kumusta na kaya siya? Bakit naisipan niyang magparamdam ulit?

"I'm already on your side, hindi mo lang ako tinitignan."

Maybe nakita niya ako and hindi ko siya kinausap kasi hindi ko siya nakilala. Allergic nga kasi ako sa lalaki.

Binuksan ko ang Facebook ko at chinat ulit si Ruah kahit hindi siya online. Nagbabakasakaling makikita niya 'to pagka-online niya.

Akira • active now

I want to meet you. Tomorrow at 11 AM, go to the plaza near school. I will wait for you.

Excited na kong makita siya ulit. May free time naman ako bukas ng 11 AM kaya 'yun 'yung time na pinili ko.

-----

6 AM pa lang pero nakaayos na ako at ready nang pumasok sa school. Mauuna na akong pumasok dahil mamaya pa ang pasok ni Kanna.

Sakto, nakita ko si Yuki na naglalakad kaya binilisan ko ang takbo at lumapit sakanya.

"Ganda ata ng gising mo?" tanong sa akin ni Yuki.

"Yeah," sabi ko habang nakangiti.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti," sabi niya sabay kuha ng cellphone niya at pinicturan ako.

Kinukuha ko ang cellphone niya para idelete 'yun kaso agad niyang tinago ang CP niya. Kung wala lang ako sa mood, nahampas ko na 'to.

"Alam mo Akira, minsan tinatanong ko sa sarili ko, 'Papayag ba 'kong maging katulad mo?', pero ang sagot ko, hindi," biglang sabi niya. Nalungkot ako bigla. Ewan. Ewan kung bakit.

"Kasi nakikita ko sa'yo na nakapako pa 'yung sakit. Nakapako pa 'yung nangyari na ayaw mong kalimutan. Dapat ay hayaan mo na 'yun. Nangyari at natapos na. Gawin mo nang masaya ang mundo mo. 'Wag mong hayaang magtagumpay 'yung lalaking 'yun para sirain ka. Para maging malungkot ka," pagpapatuloy niya sa sinabi niya.

Pucha naman 'tong si Yuki, ang ganda ng mood ko today tapos sisirain niya lang ng ganun. Pero naisip ko na bakit hindi ko naisip 'yung sinabi niya? Tama siya. Kailangan ko nang maging masaya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, "Tara at tutulungan kitang maging masaya," sabay takbo.

*****
DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon