Chapter 1

41 3 0
                                    

Nasa dorm ako ngayon and it's exactly 6:50 am kaya dali-dali na 'kong nag-ayos dahil baka ma-late na naman ako sa first subject ko.

"Kain ka muna," sabi ni Kanna na bestfriend at roommate ko habang pinapakita ang bagong luto niyang pancit canton.

"Mamaya na, baka ma-late na 'ko," sabi ko sa kanya at nagpaalam na. Tumakbo ako papunta sa school, buti na lang ay malapit lang ito sa dorm namin.

Nakaabot naman ako sa room bago pumasok ang teacher namin. Lumapit sa akin si Shuji, isa sa mga kaklase ko, at may inabot siyang mainit na kape.

"Good morning, Akira!" bati niya. Tinitigan ko lang siya at binalik ang kapeng bigay niya.

"Alis," maikli kong sabi. Mula nung nag-break kami ng ex ko, hindi na 'ko masyadong nakikipag-usap sa mga lalaki. Pare-parehas lang naman 'yang mga yan.

Ngayon, tinuon ko lahat ng oras ko sa pag-aaral. A few months ago, I stopped going to school because of that awful breakup. Kailangan kong bumawi.

-----

Nandito ako sa library ngayon. Dito ako tumatambay kapag may free time dahil tahimik and I really enjoy reading books.

Suddenly, I hear my phone ringing. I saw Kanna's name kaya agad akong lumabas ng library at sinagot ang tawag niya.

"Kanna, why are you calling?"

"Akira, saan ka? Punta ka rito dali!"

"Why? Anong meron?"

"Basta, punta ka rito sa quadrangle, bilisan mo!"

Sabi niya at binaba na ang tawag. Hindi man lang niya ako hinayaang magsalita. No choice tuloy ako at kailangan kong pumunta roon.

Tumakbo ako papuntang quadrangle at nakita kong maraming tao. Anong meron dito? May nag-aaway ba?

Sakto, nakita ko si Kanna kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Oh, anong meron?" tanong ko at tinuro niya lang yung nasa gitna kung saan maraming tao.

"Ang sweet oh," sabi niya at tinignan ko ulit nang mabuti kung ano yung tinuturo niya.

Ang nakita ko ay may nakatayong lalaki na may hawak na teddy bear at bouquet of flowers. Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano 'to.

This is just a sh*t proposal. May bagong mabibiktima na naman.

"Lolokohin ka rin niyan!" sigaw ko sa kanila. It's my way of saving the girl before siya masaktan. Dahil sa sinabi ko, ramdam kong pinagtitinginan ako kaya tumakbo ako at pumunta sa likod ng school.

Humiga ako sa damuhan at tumingin sa langit. What I did really makes me laugh. Every time I do that, it makes me think na sana may nagsabi sa akin ng ganun before ko sinagot si Akio.

I stayed here for almost 15 minutes tsaka ko lang naalala na may klase pa pala ako. Pagtayo ko, may biglang humawak sa braso ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko yung lalaking may hawak ng bulaklak kanina. Nandito ba siya para ipagmalaki na sinagot siya nung girl kanina?

"Are you the girl who shouted?" tanong niya sa akin. Inalis ko lang ang pagkakahawak niya sa braso ko at naglakad papalayo. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag may nakikita akong lalaki. Nakakabwisit.

*****

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

Bitterness Over (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon