RA[4]

363 22 10
                                    

"Hinay-hinay bata, kukuhanin muna namin siya. Sa susunod nalang. " sabi niya sabay kuha kay Blood at tsaka muling pumasok sa black hole.

Yung mukha na yon. Parang nakita ko na siya sa kung saan. Pero hindi ko maalala.

Ibinaba na ako ni Trecean.Nagsidatingan na yung mga teachers ng RA. Nakita kodin doon si Flicker at seryoso itong nakatingin sakin.

"Tatapusin muna natin dito ang entrance exam. Lahat kayo pumunta sa Hall. Maya maya niyo malalaman ang results. " sabi nung isang lalaki na may mark na moon sa noo niya.

Nagsialisan na yung ibang estudyante at kami naiwang nakatayo dito.

"Kayo namang tatlo, sumunod kayo sakin." seryosong sabi nung lalaki. Lumabas kami ng exit at doon nakita namin yung pinaka building ng school.

Malaki nga talaga ang RA kung para sa ibang schools dito sa Rustborn.Bale yung kaninang pinasukan naming bagong estudyante ay para lang talaga sa entrance exam.

Sumunod lang kaming tatlo sa lalaki kanina.Pumasok kami sa loob at pumunta sa elevator. Nanatiling tahimik kaming tatlo sa loob.

Si Aelene nakahawak sa braso niya siguro dahil doon sa hiwa na ginawa ni Blood  sa kanya. Si Trecean naman inaayos yung buhok niyang vines. At ako naman ginagalaw galaw tong kanan king kamay.

Ano bang nangyari? Bakit wala akong maramdaman sa parteng to?

Bumukas na yung Elevator at sumunod parin kami sa lalaki kanina. Hanggang sa makarating kami sa isang room. Yung room na yon ay napalilibutan ng glass kaya makikita mo yung mga tao sa loob.

Mukhang alam ko na kung anong gagawin namin dito. Papagalitan ba kami dahil sa ginawa namin? Nakita ko sa loob si Flicker.
Seryoso lang siyang nakatingin sa ballpen habang pinaglalaruan niya iyon. Parang teachers office to. Bakit antahimik nilang lahat?

"Ako nga pala si Night. Ang principal ng RA.Kaya ko kayo dinala dito ay para linawin ang iilang bagay. Nakita namin ang lahat ng ginawa niyo kanina sa entrance exam." napalunok ako sa sinabi niya.

Si Aelene at Trecean nakatingin lang sa sahig.

"Una sa lahat humihingi kaming lahat ng teachers ng tawad sa inyo. Hindi agad kami nakarating sa course para tulungan kayo. Hindi namin alam na may mangyayaring ganito kaya salamat dahil hindi niyo pinabayaan yung sarili niyo at pati na ang ibang estudyante. " sabi ni Night.

"Tsaka may aaminin kami sa inyo. " sabi ni Night kaya agad kaming napatinging tatlo sa kanya.

"Hindi talaga para sa entrance exam ang pinagawa namin. This is your first exam. Syempre lahat ng estudyanteng mag e-enroll ay tatanggapin ng RA basta ang mahalaga ay may kapangyarihan. Sinukat lang naming mga teachers niyo ang kakayahan niyo. Luckily, naipakita niyong tatlo at maging ng ibang estudyante ang kaya ninyong gawin. Hindi namin gustong masaktan ang bawat isa sa inyo kaya ano mang oras ay handa kaming tumulong. Pero ginawa niyo parin ang magagawa niyo para protektahan ang mga sarili niyo kanina kay Blood. Iyon ang ang ikinatuwa naming mga teachers niyo. Ang pagiging isang hero ay ang pagtutulungan ng bawat isa. Ang pagiisip ng kapakanan ng iba kaysa sa sarili ay isa ding katangian ng isang Hero. " sabi ni Night.

"Iyon lang naman,maari na kayong bumalik sa rooms niyo. Congratulations! Ikaw nga pala Arl? Arl ang pangalan mo diba? " sabi ni Night.

"Opo" matipid kong sagot.

"Gusto kang kausapin ni Flicker. " sabi nito sabay tingin kay Flicker. Ako naman ay nakaramdam ng kaonting kaba. Ano bang nagawa ko? May mali ba sa nagawa ko?

Tumayo si Flicker sa pagkakaupo niya at sinabing sumunod daw ako sa kanya. Habang papalayo kami sa teachers office pakaba ako ng pakaba.

Ano kayang sasabihin ni Flicker?

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon