RA[16]

144 12 1
                                    

"Ano po ba talagang dahilan kung bakit siya kinuha? "

"Totoo po bang may magaganap sa RA? "

"Kaya niyo po bang protektahan ang mga estudyante laban sa villain na umatake kailan lang? "

"Sagutin niyo po kami, Mr. Flicker! "

▪▪▪

"Patuloy padin na hinihingan ng pahayag ang mga teachers ng RA pero ni isa sa kanila ay hindi man lang nagbigay ng kahit na anong salita." sabi ng reporter sa TV.

"Arl! Ikaw ba alam mo ang dahilan kung bakit kinuha yung principal niyo? " tanong sa akin ni Tita habang kumakain.

"Hindi ko po alam. " sabi ko ng seryoso kay Tita.

"Sa tingin ko kasi hindi talaga si Mr. Night ang pinaka puntirya ng mga Villain nayan. Kumbaga siya lang yung pain." sabi ni Tita.

"Paano niyo naman nasabi? " tanong ko kay tita.

"Wala lang, kadalasan kasi sa mga palabas ganon. Malay mo ganon din pala,diba? " sabi ulit ni Tita. Napaisip ako sa sinabi ni Tita. Paano kung ganon nga? Paano kung pain lang pala si Mr. Night? Sino? Sino sa mga teachers ang puntirya nila? Si Mr. Flicker ba? Hindi eh.  Sa mga estudyante kaya ng RA? Sino sa kanila?  Sino samin?

"Arl! Huy! Ayos kalang? " tanong sakin ni Tita. Bigla na lamang akong napatingin kay Tita. Nakatulala na pala ako hindi ko namalayan.

Nagkaroon ng 1 week na suspension ang RA. Dahil sa nangyaring pagdukot kay Sir Night nung RA Hero Cup. Hanggang ngayon hindi parin nakakabalik si Sir Night. Hindi din alam ng mga teachers kung nasaan siya.

Pinatawag nadin ang mga magagaling na heroes mula sa ibat ibang syudad. Ang lahat ay naatasang hanapin si Sir Night pero hanggang ngayon parin ay wala. Hindi pa nakikita si Sir Night.

Kami ding mga estudyante ng RA nagsearch na sa internet baka sakaling may balita na about kay Sir Night. Gusto man naming tumulong maghalughog sa buong syudad ng Rustbron pero hindi kami pinayagan.

Against din sa batas ang paggamit naming mga estudyante ng kapangyarihan sa labas ng school pwera nalang kung binigyan kami ng permiso ng homeroom teacher namin,Si Sir Decasp.

Sinabihan kami ni Sir Decasp na manatili nalang sa bahay hanggat maari huwag daw kaming lalabas ng mag isa.

Dumami kasi ang nababalitang pag atake ng mga Villains sa Rustborn. Simula din ng nangyari kay Sir Night,doon nadin dumami silang mga Villains.

Hindi kaya planado ang lahat?

"Arl! Wala ka namang pasok hindi ba? Samahan mo naman ako. Mamimili ako sa supermarket. " sabi ni Tita.

Tumango naman ako at tsaka tinapos ang kinakain.Nagpalit ko ng damit ko at saka bumaba ulit. Umalis na kami ng bahay ni Tita para bumili ng mga kailangan.

Tumawag si Tita ng taxi at sumakay kami doon. Maayos naman ang syudad ngayon. Mga tao, sasakyan. Payapa ang bawat isa. Huwag naman sana ngayon.

Bumaba na kami ng Taxi ni Tita at saka pumasok sa loob ng Mall. Agad kaming pumunta sa supermarket. Napansin kong andaming pinili ni Tita. Kung ano anong pagkain.

"Pang isang taon na ata to Tita ah? " nagtataka kong sabi sa kanya.

"Oo, sana nga abutin ng isang taon yan. At saka para hindi nadin tayo pabili bili sa labas. Alam mo naman na delikadong lumbas sa panahon ngayon diba? " sabi ni Tita.

Tama naman si Tita. Delikado talagang lumabas sa panahon ngayon. Pumunta na kaming counter para mag bayad sa mga, kinuha namin. Natagalan din kami sa counter dahil sa dami ng binili ni Tita.

Hawak ko yung apat na plastic at apat din kay Tita. Ba't kasi angdami? Huhu.

Nagulat na lamang ako ng may nakabungguan akong lalake. Nabagsak yung isang plastic na dala ko kay dali-dali ko iyong pinulot. Tinulungan naman ako ng lalaki na ilagay yung mga prutas sa plastic.

Magpapasalamat pa sana ako kaso bigla siyang umalis. Nakahood yung lalaking tumulong sakin. Napansin ko din ang paso sa kamay niya. At yung amoy niya...

"Arl!? Sinong tinitignan mo dyan? " tanong sakin ni Tita.

"Ah! Wala naman po." sabi ko kay Tita at saka nagmadaling maglakad. Malapit na kami sa escalator ng biglang nagkaroon ng usok.

Teka!? Ano tong usok nato? May sunog ba?
Nagkagulo yung ibang tao pero ako nandito sa tabi ni Tita.

"Arl? Anong gagawin natin? Yung mga tao nagsisitakbuhan na? Bakit hindi pa tayo umaalis!? " Tanong sakin ni Tita. Alam kong kinakabahan siya ganon din ako.

Pero yung usok, yung amoy.

Bigla na lamang nahimatay yung ibang tao. Nabitawan ko bigla yung mga hawak ko at saka tinakban yung ilong ni Tita maging yung sa akin.

Yung amoy ng lalaki. Ganito yung amoy niya.

Amoy gasolina. Bakit nahimatay yung ibang tao?

Bakit parang may lason yung usok?

Hindi pupwede to,kailangan  namin agad na umalis ni Tita dito.

Isa rin kaya to sa mga plano nila?

Pero, iisa lang ang kilala kong may kakayahan na gawin to.

Hindi kaya siya si?

To be continued...

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon