RA[7]

272 24 1
                                    

Aelene's POV

Kami ang mauuna ngayon ni Grock.Nauna nang pumasok si Sir. Kinakabahan ako sa task na to. Sana tumigil agad si Sir pero kailangan ko pading mag isip kung pano namin siya matatalo.

Pagkapasok namin sa loob ay biglang nag sarado ang pintuan. Nung kinapa iyon ni Grock ay nawala yung hawakan. Naging diretso parang pader nalang talaga. Sa tingin ko may buhay tong kuwarto na to.

Ang alam ko kapangyarihan ni Sir ang magpalit ng anyo. Kaya niyang maging multo. Kaya niya ding bumasa ng nasa isip namin. So mahihirapan pala kami kapag inisip na namin ang mga gagawin namin? Pero paano?

Mahirap ding gumalaw lalo na at madilim sa loob. Wala din akong makita. Kung magkakaroon lang ng liawanag mas madadaliaan kami-  teka! Kung isang room to edi ang ibig sabihin may switch ng ilaw dito. Kung wala man, wala namang masama sa mag bakasa kali hindi ba?

Kung ganon paano ko naman sasabihin kay Grock yung naisip ko ng hindi nalalaman ni Sir? Lumapit ako kay Grock at ibinulong sa kanya ang gagawin namin.

Nagumpisa nang kapain ni Grock ang paligid. Total ang kapangyarihan niya ay bato,kapag hinawakan niya yung pader ay mararamdaman niya kung may kung ano bang bagay ang nakadikit dito.

"Su dulo." bulong sakin ni Grock.

Ako naman ginamit ko ang kapangyarihan ko. Hinawakan ko yung suot kong sapatos para lumutang ako sa kisame. Mas mahirap dumaan sa ibaba.

Nagdahan dahan akong pumunta sa kabilang pader at sinalat kung may switch ba don. Nang may nahawakan ako ay agad ko iyong pinindot.

Nakita ko si Sir na nandoon sa pinto at nagbabantay.

"Game over. " sabi ko at tsaka ngumiti.

Mabuti nalang at hindi niya nabasa ang nasa isip ko. Habang sinasabi ko kasi ang plano kay Grock iniisip ko na ang hahanapin namin ay ang pinto at hindi yung switch.

"Wa-wait! Sabi ko patitigilin ko kayo kapag okay na!  Okay na!  Nakapasa kayo sa unang pagsusulit. Kagayang kagaya ka ng Mama mo Aelene. " sabi ni Sir Decasp at tsaka ngumiti.

Bakit kilala ni Sir si Mama?

"Huwag mo nang tanungin. " sabi ni Sir at tsaka binuksan ang pinto at lumabas na kami.

Janne's POV

Hala!  Tapos na sila Aelene!  Nakapasa kaya sila? May nagtanong na kaklase ko kung nakapasa sila ang sabi ni Aelene.  Oo daw. Hala! Pwede manghingi clue?

Magtatanong na sana ako kay Aelene pero lumabas si Sir at sinabing hindi pupwede. Hala! Nababasa niys nga pala yung nasa isip namin.

Ngayon,kami na ang susunod ni Micon.

"Micon,huwag kang maingay. " sabi ko kay micon ng makapasok kami sa loob.

"Sige. " sabi niya pero rinig na rinig sa buong room. Haluh! Pano nato?

"Next." sabi ni sir at tsaka binuksan yung pintuan.

Bagsak ba kami? Bakit ang bilis ng samin? Huhu pero ayos nadin yon.

▪▪▪

Pumasok na sa loob si Trecean at si Lexa. Madali nilang nagawa ang task at nakapasa sila. Nalaman agad ni Lexa ang mga susunod na gagawin ni sir kaya sinabi niya ito kay Trecean.

Madali lang ito para kay Trecean.Ipinalibot niya ang buong buhok niya sa buong pader at doon nahanap ka agad nila yung switch. Si Sir naman hindi nakapag transform dahil naipit sa mga vines na ginawa ni Trecean.

Madali ding nakapasa sila Marette at Aroma. Dahil ginamit ni Aroma ang kapangyarihan niya para makatulog si Sir Decasp. Si Marette naman ay gumawa ng flashlight kaya nadalian silang makita ang switch.

Ganon din ang ginawa ng ibang estudyante ng section A. Madali nilang nalampasan ang unang pagsubok. Hanggang sa dumating na ang pagkakataon na si Arl at si Roel ang sumubok na lampasan ang pagsubok na ibinigay sa kanila ng kanilang guro.

▪▪▪

Someone's POV

"Balita ko magkakaroon ang RA ng paligsahan? Maraming estudyante galing sa ibang school ang lalahok sa paligsahan na iyon."

"Meron nga po, master. "

"Alam mo ba ang naiisip ko? "

"Ano po iyon master? "

"Malaki ang tyansa nating makapasok sa RA dahil paniguradong maraming tao ang dadalo sa paligsahang iyon. Hindi ba tama ako? "

"Tama po kayo, master. "

▪▪▪

Decasp's POV

Sila na ang susunod. Dito mukhang mapapalaban ako. Kung kanina ay hinahayaan ko lang ang iba na hanapin kaagad ang switch ng walang pagpapahirap ay kaibahan ang gagawin ko dito sa dalawa.

Gusto kong magkasundo ang dalawang to. Kaso paano kaya? Kailangan pabang may masaktan na isa sa kanila para mabgyari yon?

Napansin ko ang pagpasok nilang dalawa. Alam kong namamayani padin ang galit sa isa at pangamva naman sa isa. Para din sa inyo tong gagawin ko.

▪▪▪

Arl's POV

Nag umpisa na kaming pumasok sa loob ng kwarto kung saan nag hihintay si Sir Decasp. Alam kong nababasa niya ang lahat ng iniisip namin kaya mukhang mahihirapan kami dito.

Pero paanong mabilis na natapos nila Aelene ang ganitong klaseng pagsubok? Ginamit ni Roel ang kanyang kanang kamay at nagpalabas doon ng apoy.

Nang magliwanag ang loob ng kuwarto ay wala na kami sa kaninang kuwarto lang. Napunta kami sa isang maze. Maraming pasikot sikot.

"Huwag mo kong susundan. Sa iba ka dumaan. " agad nitong sinabi.

"Teka!  Ang sabi kailangang tayong dalawa ang kumilos. Bakit sa iba ka pa dadaan? " nakita ko si Sir Decasp sa likod ni Roel.

Mabilis akong pumunta doon at pinigilan si Sir Decasp na sipain si Roel.Nagtama ang parehas naming paa at may malakas na puwersa ang nanggaling doon dahilan para mapatalsik kaming dalawa.

"Magaling ka bata ah? " sabi ni Sir Decasp ng seryoso sakin at tsaka ngumisi.

Si Roel naman ay ginamit ang kanang kamay niya. Pinalabas niya ang yelo doon dahilan para maipit si Sir Decasp. Nagulat na lamang kami ng biglang nawala si Sir Decasp sa loob ng yelo.

"Nakalimutan niyo yatang kaya kong maging multo. " sabi ni Sir Decasp sabay suntok saming dalawa.

Medyo nahilo ako sa ginawa ni Sir. Nagdodoble ang paningin ko. Napansin kong nagababago ang anyo ni Sir at iyon na ang pagkakataon.

Hinawakan ko si Sir Decasp sa paa. Inipon ko yung lakas ko sa kamay at akmang gagawin na sana sa kanya kaso sumigaw si Sir.

"Arl, tumabi ka dyan!! Tatamaan ka ng apoy ni Roel! " nagulat na lamang ako sa sinabi ni Sir Decasp. Hindi na ako nakalingon pa dahil huli na ang lahat.

Naramdaman ko ang pagtama sakin ng isang mainit na pwersa. Bigla na lamang bumagsak yung katawan ko at nawalan ako ng malay.

To be continued...

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon