RA[19]

143 12 2
                                    

"Bakit kaya kinuha ni Storm si Sir Night? "

Rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Bakit nga ba? Miski ako hindi ko alam. Biglang pumasok si Sir Decasp sa loob ng classroom. Nagsiayusan naman ng upo yung mga kaklase ko. Yung iba naman mabilis na nagsibalikan sa upuan nila.

"Nasaan sila Trecean at Lexa? " bungad ni Sir Decasp. Napatingin kaming magkakaklase sa upuan nilang dalawa. Ang natatandaan ko inaya ni Trecean si Lexang lumabas dahil may paguusapan daw sila.

Bigla namang pumasok sa loob ng classroom sila Lexa.Seryoso lang si Lexa na pumasok sa loob samantalang si Trecean naman ay mukhang may malalim na iniisip. Masasabi ko sa ekspresyon ng mukha niya na may takot siyang nararamdaman.

Bakit? Ano bang nangyari? Ano bang pinagusapan nila?

"Saan kayo galing na dalawa? " tanong ni Sir Decasp. Walang narinig na kung anong salita sa dalawa. Nabalot ng katahimikan ang classroom namin.

"Hindi niyo ba ako narinig? " sabi ni Sir Decasp. Iba na yung tono ng pagsasalita ni Sir Decasp.

"May pinagusapan lang po kami. " mahinahong sagot ni Lexa.

Tumingin lang ng seryoso si Sir Decasp kay Lexa. Parang may gusto siyang sabihin sa klase pero hindi niya magawa. Huminga ng malalim si Sir Decasp bago magsalita.

"Alam naming mga teachers niyo na iniisip niyo na kung anong dahilan kung bakit kinuha si Mr. Night. Wag niyo munang isipin ang tungkol doon. Kami nang mga teachers ng RA ang maghahandle ng problema nato. Mag focus kayo sa pag aaral at pagta-training niyo.Kinansela nga pala ang pasok niyo para sa araw na ito. Bukas nalang ulit mag uumpisa ang regular classes. Hanggang dito lang ang sasabihin ko pupwede na kayong umuwi. " sabi ni Sir Decasp

Pagkatapos non ay naghiyawan yung mga kaklase ko. Lalapitan ko sana si Trecean para tanungin kung anong pinagusapan nila at bakit ganon nalang yung ekspresyon ng mukha niya kaso wala na siya sa upuan niya.

Kinuha ko nalang yung mga gamit ko at saka lumabas ng classroom. Naglalakad ako sa corridor ng makita ko si Sir Flicker. Nakatayo ito sa gilid at nakatingin sa labas.

Lumapit ako kay Sir Flicker. Seryoso lang siyang nakatingin sa labas. Alam kong iniisip niya padin yung sa nangyari nung RA Hero Cup.

Hindi naman siguro sinisisi ni Sir Flicker ang sarili niya dahil wala siyang nagawa para tulungan si Mr. Night.

"Arl? Anong ginagawa mo dito? Uwian niyo na hindi ba? " tanong ni Sir Flicker.

"Ah o-opo uwian napo namin. Pauwi napo sana ako kaso nakita ko kayong seryoso na nakatingin sa malayo." sabi ko kay Sir Flicker.

"Arl, may tanong ako. " sabi ni Sir Flicker.

"Ano po yon? " tanong ko kay Sir.

"Dapat ko bang sisihin ang sarili ko sa pagkawala ni Mr. Night? "  seryosong tumingin sakin si Sir Flicker.

Hindi ako makasagot sa tanong ni Sir Flicker. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Natatakot ako sa kung anong pupwede kong masabi.

Magsasalita na sana ako kaso biglang tinawag ni Ms. Furist si Sir Flicker. Mabilis naman na pumunta si Sir Flicker.

Umuwi na ako sa bahay namin. Pagkapasok ko sa pinto ay agad akong pumunta sa kusina. Naamoy ko kaagad yung niluluto ni Tita.

"Oh nandyan kana pala Arl! Bakit ang aga mo yata ngayon? " tanong ni Tita.

"Kinansela po yung Klase ngayon. " sabi ko at saka ngumiti.

"Gutom kana ba? May mga naluto nako dito. At saka may dumating nga palang package galing sa Papa at Mama mo. Nandoon na sa kuwarto mo yung iyo. " pagkasabi ni Tita ay dali dali akong pumunta sa kuwarto ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko ay nakita ko yung isang kahon na nakapatong sa kama. Dali dali kong binuksan iyon. Sa loob non ay nakita ko yung isang sobre, yung mga pictures at may isa pang maliit na box.

Napansin ko yung mga pictures kaya agad kong tinignan yon. Nakalagay doon ay si Papa na nakikipaglaban sa Villains. Ganon din si Mama na nakikipaglaban sa mga Villains. Masaya silang dalawa doon sa mga pictures na yon. Sunod kong tinignan yung sobre. May pera sa loob non.

Hindi ba dapat na kay Tita to? Hindi bale ibibigay ko nalang sa kanya mamaya.

Kasunod non ay tinignan ko yung maliit na kahon. Sa loob non ay nakita ko yung isang badge. Yung badge na nakuha ni Papa at ni Mama nung simula na naging official na Hero na sila. Bakit nandito to? Sa loob din ng kahon may nakalagay na maliit na papel.

Nakasulat doon "Tawagan mo ko kapag natanggap mo na to,Arl anak. "

Dali dali kong kinuha yung phone ko at saka tinawagan sila Papa. Puro ring lang ang nangyayari. Inulit ko dahil baka mahina lang yung signal. Pero ganon padin ang nangyari.

Baka nakikipaglaban na naman sila sa Villains.

"Arl!  Nakahanda na yung hapunan!  Bumaba kana diyan. " sabi ni Tita. Kinuha ko yung pera at saka bumaba.

Inabot ko kay Tita yung pera na nakalagay doon sa loob ng kahon.

"Binibigay mo sakin? Sayo yan. May binigay din sakin ang Papa at Mama mo. " sabi ni Tita saka ngumiti.

"Ah ganon po ba. " sabi ko at ngumiti.

Kakain na sana ako kaso may nagdoorbell. Napatingin ako kay Tita. Sino namang mag dodoor bell ng ganitong oras?

"Tignan mo,Arl. Matapang ka diba? " pagbibiro ni Tita. Tanging pagtango lang ang nagawa ko at nagmadaling buksan ang pinto.

Nakita ko si Magmash at Grock sa labas. Anong gingawa nila dito? Paanong nalaman nila kung saan ako nakatira?

"Hi Arl! " sabi ni Grock.

"Oh? Gabi na ah? Anong meron bakit kayo na punta dito? " tanong ko.

"Pupwedeng pumasok hehe? " tanong ni Magmash. Wala na akong nagawa kasi dali dali silang pumasok sa loob at dumiretso ng kusina.

"GoodEvening po! " sabay nilang sabi.

"Oh?  Mga kaklase mo pala Arl. Sige umupo kayo dyan. Kumain naba kayo? Saglit lang ipaghahanda ko kayo. " sabi ni Tita. Sa totoo lang wala akong matandaan na inimbita kotong dalawa nato na pumunta dito sa bahay. Hinayaan ko nalang sila. Kinuha ko yung remote ng TV. At saka

"Arl, Huwag mong bubuksan yung TV! " sabi ni Grock pero huli na yon dahil nabukasan kona.

"Kasalukuyang nakikipaglaban si Erl ang ating no. 1 hero sa villain nasi Blood. Makikita sa itsura ng ating Hero ang pagod. Bakit sunod sunod nalang ang pagatake ng mga Villain sa Rustborn ngayon? Nagkakagulo na ang mga tao ngayon dito. Bakit hindi nagsisidatingan ang iba pang mga Hero? " sabi ng reporter sa TV.

Nabitawan ko nalang bigla yung hawak kong remote. Parang tumigil nalang bigla yung isip ko. Kailangan kong pumunta don.

Kailangan kong tulungan si Papa.

At dali dali akong tumakbo papalabas ng bahay.

To be continued...

A/N:
Sorry for late update hehe. \( ̄▽ ̄;)/

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon