RA[15] Hero Cup D-2

163 14 7
                                    

Trecean's  POV

"Magaganap na ang huling laban para sa second round. Pagkatapos nito ay malalaman na natin kung sino ang makakakaban ni Arl na nanalo lang kanina. I welcome naman natin si Trecean ng Rhiltoc Academia at si Roel ng Rhiltoc Academia din.Sino kaya sa kanilang dalawa ang magwawagi? Handa naba kayong malaman!!!??" sabi ni Sir Decasp t saka nag sigawan ang mga tao sa loob ng RA Arena.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa laban namin. Alam kong gustong gusto ni Roel na matalo si Arl. At para matalo na yon ay papadaliin niya lang tong laban.  Gagawa agad siya ng paraan para matapos to.

"Ngayon alamin na natin kung saang battleground kayo mag lalaban. " sabi ni Ms. Furist

Pumunta kaming dalawa ni Roel sa puwesto ni Ms. Furist. Nakatingin lang sakin si Roel. Alam ko yung mga tingin na yon. Pinanood naming mag palit ang arena. Kung kanina ay meron mga buildings at isang syudad. Ngayon naman ay napalitan ito ng disyerto. Wala kang makikita kundi puro buhangin.

Sinenyasan naman kami ni Ms. Furist na pumunta na sa mga puwesto namin. Papunta na ako nang may sinabi si Roel.

"Kung ako sayo sumuko kana. Sinasayang mo lang ang oras ko." sabi niya ng seryoso. Napansin kong narinig iyon ni Ms.Furist.

Magsasalita na dapat si Ms. Furist pero naunahan ko siya.

"Kaysa naman sumuko agad ako ng walang kalaban laban. Tignan nalang natin. " sabi ko at saka nagpatuloy sa pagpunta sa puwesto ko.

"Let the Single Battle!!!  Begins!!! " sigaw ni Ms. Furist.

Sinasabi ko na nga ba, aatake agad siya. Mabilis na tumakbo si Roel papunta sakin. Malapit na siya ng magpalabas ako ng puno sa harapan niyaat dahil doon tumalsik siya.

"Wow! Nakita niyo ba yon? Puno siya disyerto?  Ibaaaaaa! " sabi ni Sir Decasp.

"Puno pala ah? "sabi ni Roel at saka nagpalabas ng apoy sa kaliwa niyang kamay. Inipon niya ang apoy sa kamay niya at ibinato ito doon sa puno na ginawa ko.

Matapos ang ilang segundo ay nasunod niya iyon. Bigla na lamang lumakas ang hangin. Isang malakas na hangin. Hindi ako makadilat sa sobrang lakas nito. Ano bang nangyayari? Hindi naman niya kapangyarihan to ah?

"Yan ang siikreto ng disyerto!  Sandstorm!!!" sabi ni Sir Decasp at kasabay non ang hiyawan ng mga tao.

Ang hirap lumaban nito. Pano ko siya malalapitan at malalabanan kung ganito? Bigla na lamang tumigil ang Sandstorm at nagulat ako sa nakita ko. Pupwede ba tong ginagawa niya?

"Woah!  Ang kaninang disyerto ay napalitan ng Yelo?  Iba mag isip. " sabi ulit ni Sir Decasp.

"Kung ano anong sinasabi mo. Mag focus ka Decasp! " sabi ni Sir Flicker at nagtawanan ang mga tao sa Arena. Kung sila may pagkakataong tumawa ako wala.
Lalo na ngayon nawala siya sa puwesto niya kanina.

Nasaan na siya?

"Ako ba yung hinahap mo? " sabi ni Roel mula sa likuran ko sabay sipa sakin. Napalakas ang pagsipa niya dahil muntikan na akong lumagpas sa linya. Aatake ulit dapat siya pero mabilis akong tumayo at gamit ang buhok kong mala vines ay inihampas ko siya sa sahig.

Nag sigawan  ang mga tao sa ginawa kong iyon. Tumayo naman ka agad siya pagkatpos ng ataking yon. Hindi man lang siya nasaktan?

Aatakihin ko sana ulit siya pero ayan na naman yung lintek na Sandstorm. Bakit ngayon pa? Ginamit ko yung buhok kong vines para hawiin yung hangin na yon pero nagulat na lamang ako ng parang may humawak sa buhok ko.

Nang nawala yung hangin ay nakita ko si Roel na nakahawak sa buhok ko. Hindi ko matanggal yung buhok ko dahil unti unti nayong nag yeyelo. Hindi ko na din makontrol.

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon