RA[11] Hero Cup D-1

183 18 1
                                    

"Naipaliwanag ko na naman ng maayos sa inyo hindi ba? Pumwesto na kayo sa gitna ng Arena. Meron lamang layong 15 minutes para pag agawan ang flag. Pupwede kayong gumamit ng kapangyarihan niyo para dito. Let the Team Battle!  Begins! " sinabi niyon ni Ms.Furist.

Kasabay ng pagsabi niya ng mga salitang iyon ay ang maingay na putukan ng mga fireworks sa ere na nagsasabing umpisa na ang RA Hero Cup.

Agad na ginamit ni Agill ang kapangyarihan niya para kami ang unang makahaw sa puting flag.

Agill kapangyarihan niya ay bilis. Kaya niyang unahan ang hangin.

Nagulat na lamang kami ng hawak ni ni Agill yung flag. Napatingin kaming apat sa kanya. Nakita kong nakangiti din siya. Nag sigawan naman ang lahat ng tao dito sa loob ng arena ng makita ang nangyari.

Kung nasaamin ang flag,iisa lang ang ibig sabihin nito. Aatake sila.

Kilala ang mga estudyante ng Crothus Academy dahil sa karamihang nag aaral sa kanila ay may kakaibang kapangyarihan. Karamihan sa mga estudyanteng mag aaral sa kanila ay nadiskubre lang kapangyarihan sa sarili lamang nila at hindi namana sa kanilang mga magulang.

Napansin kong aatake ang isa sa kanila. Yung babaeng nakapusod at naka mask.Anong gagawin niya!? Akmang pipigilan namin siya pero hindi kami makagalaw.

Anong nangyayari? Hindi kami makagalaw sa puwesto namin? Napatingin ako sa dalawa kong kamay. May parang sinulid doon na nakatali. Napansin kodin sa iba ko pang kasama. Kay Roel, Trecean, Agill,Taels at pati narin sakin. Lahat kami may tali sa kamay.

Nagulat na lamang ako ng makita ko yung babae kanina. Nasa kanya na yung flag! 
Ano to!? Bakit pakiramdam ko may kumokontrol samin?

"Heto na nga mga manonood sa RA Arena! Nasa Crothus Academy ang momentum ngayon! Teka!? Tama ba ang nakikita ko? Kinokontrol ng isa sa student ng Crothus ang mga taga RA? Hindi na nakapagtataka, sya si Thin. " sabi ni Sir Crust na nadoon sa taas na ngayon ay nag sasalita.

Ganto pala ang kapangyarihan niya? Mga sinulid? Kaya niya kaming kontrolin na parang mga puppet?  Kailangan naming gumawa ng paraan kaso paano? Sinong may kakayahang putulin ang mga tali na ito ng hindi ginagamit ang kamay niya?

Teka!? Si Trecean! Yung buhok niya. Napatingin ako kay Trecean at sakto mabuti nalang at napatingin siya sa direksyon ko. Sinenyasan ko siyang gawin na yung bagay na iyon. Mabuti nalang at naintindihan niya ako.

Biglang lumakas ang hangin at kasama nito ang mga dahon. Bigla na lamang humaba ang mga buhok na vines ni Trecean at pinutol yung mga tali na nakakabit sa mga kamay at paa namin. Yung mga buhok niya nag karoon ng buhay.

"Kitang kita niyo naman mga manonood! Nakaalis sa pagkakatali ang mga taga RA! Vines laban sa Tali! Ibaaaaaaaa!" sigaw ni Sir Crust.

Mas lalong naging maingay ang loob ng RA Arena. Maraming tao ang nagulat at napatayo sa nangyari. Ngayon kailangan naming bawiin sa kanila yung flag.

Lumapit ako sa kanila gayon din sila. Nagisip kami ng plano kung paano namin makukuha yung flag sa kanila.

"Ilang minuto nalang ba ang natitira?" seryosong tanong ni Roel. Napatingin namab kami sa malaking orasan ng RA.

"Meron nalang tayong 10 minutes para agawin yung flag sa kanila." sagot naman ni Taels.

Taels kapangyarihan niya ay ang kanyang mga nakatagong buntot. 16 tails.

"Kaso pano natin aagawin yon kung hindi pa natin alam kung anong mga kapangyarihan nila? Iisa palang ang alam natin. Yung kay Thin palang." sabi ko sa kanila.

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon