RA[8]

225 19 0
                                    

Trecean's POV

Kanina pa kami nag iintay dito sa labas ng room kung saan nagaganap ngayon ang Task ni Arl at ni Roel. Bakit antagal ata nilang lumabas? Nagulat na lamang kami ng may mga pagsabog kaming narinig mula sa loob ng kuwarto. Dalawang magkasunod na pagsabog iyon.

Mabuti nalang at matibay ang pagkakagawa ng RA kaya kahit na ganon kalas yon ay hindi masisira tong building.

Kinabahan agad kami dahil sa narinig. Kung ano-ano nang sinasabi ng mga kaklase ko. Ang iba ay nagtatanong kung ayos paba sila Arl at Roel sa loob.

Bumaba din yung mga teachers sa 3rd Floor para icheck kung anong nangyari kung bakit may pagsabog na naganap. Kinakatok nila Sir Flicker yung pinto. Bakas sa mukha nilang mga teachers ang pag aalala.

Nang medyo tumahimik na sa loob ay agad na bumukas ang pinto at lumabas doon si Sir Decasp. Bakas din sa mukha niya ang pag aalala.

"Anong nangyari? " nag aalalang tanong ni Sir Flicker kay Sir Decasp.

"Si Arl. " ang tanging nasagot ni sir Decasp.

Mabilis na pumasok sa loob ng room ang mga teachers. Maging kami na kaklase nila ay pumasok din sa loob. Nakita namin sa iisang sulok si Roel na nakaupo at nakatingin sa sahig. Namamaga yung kamay ni Roel.

Nakita naman namin si Arl na walang malay at nakahandusay sa sahig. Nakita ang paso sa likod ni Arl dahil sa nasunog niyang damit.Napatingin ako kay Roel at alam kong siya ang may gawa nito.

"Arl! Arl,gumising ka diyan! " sigaw ni Sir Flicker pero hindi sumasagot ang walang malay na si Arl. Mabilis na inilabas ng mga teachers si Arl at dinala sa hospital ng RA.

Mabuti nalang at may sariling hospital itong RA. Ginawa talaga ang hospital na ito para sa mga ganitong insidente. Ayos lang kaya si Arl? Wala naman sanang mangyaring masama sa kanya.

"Magiging ayos lang siya. " seryosong sabi ni Lexa dahilan para mapatingin kami sa kanya. Hindi siya nag aalala kasi nalaman na niya kaagad ang mangyayari. 3 hours nang nasa loob si Arl at sabi ni Sir Flicker patuloy padin daw na ginagamot si Arl.

"Malaki ang paso niya sa likod.Mabuti nalang at nadala agad siya dito." sabi ni sir Flicker. Mukhang alalang alala talaga si Sir Flicker kay Arl.

Bigla namang tumunog ang alarm ng RA at may nag salita doon.

GoodAfternoon Students!

Ang lahat ng estudyante ay marapat lamang na mag stay sa kanilang mga classrooms.

Ang lahat ng estudyante ay marapat lamang na mag stay sa kanilang mga classrooms.

At ang lahat naman ng teachers ay tinatawagan dito sa teachers office. Magkakaroon tayo ng urgent meeting.

Salamat.

Kaya dali-daling nag sipuntahan ang bawat isa sa kani kanilang classrooms. Ano banhmg meron? Bakit biglaan yung announcement?

Kaming lahat ay nandito sa classroom samantalang si Arl ay nadoon at nagpapagaling. Sana ayos lang siya.

Night's POV

"Bakit mo kami pinatawag ng biglaan dito,Night?" tanong sa akin ni Crust.

"Oo nga? Ano bang nangyari? Anong meron? " tanong ni Furist.

"Pagpasensyahan niyo na kung biglaan ko kayong pinatawag. Nakatanggap kasi ako ng sulat mula sa isang Villain." sabi ko sa kanila.

Napansin ko naman ang pagkagulat ng mga teachers dito sa loob ng office.

"At hindi ko ikinatuwa ang nabasa ko sa sulat. Sinabi niyang babalik na daw siya. At tsaka sinabi din niya sa sulat na kung hindi natin isusuko ang anak ni Erl. Mapapahamak ang lahat ng nag aaral dito pati na ang pagkasira ng buong RA. " sabi ko.

"Paano na ang gagawin natin dito,Night?may naisip kana bang paraan? Hindi din natin pupwedeng isuko ang anak ni Erl dahil alam naman nating lahat na nasa lanya ang susi. " sabi ni Tlape.

"Iyon din ang isa ko pang iniisip, parang isinuko nadin natin ang buong mundo kung ibibigay natin sa kanila ang anak ni Erl. Tsaka hindi alam ni Erl na nakatanggap tayo ng sulat at na dito nag aaral ang anak niya. " sabi ko ulit sa kanila.

"Mas malalayo tayo sa kapahamakan kung sasabihin natin kay Erl ang lahat ng nagyayari." seryosong sabi ni Decasp.

"At hindi lang iyon ang nakalagay sa sulat." sabi ko sa kanila. Dahilan kaya mas lalong napunta sakin ang atensyon nila.

"Ang totoo ngayon ko lang din nalaman ang impormasyon na to. Na dito nag aaral ang anak ng isa sa pinakakinatatakutang Villain sa mundo natin. Hindi pa ako sigurdo kung totoo ba yung nabasa ko pero isa tong banta. At tsaka ang hinala ko rin ay nasa klase mo siya, Decasp. " seryoso kong sabi at tingin kay Decasp.

"Sigurado kaba diyan,Night? Kaso sino sa kanila? Paano ko malalaman na isa sa mga estudyante ko ang anak ni Luna?" nagtatakang tanong ni Decasp

"Hindi ako sigurado pero, kung ikaw ang villain syempre paplanuhin mong mapalapit ang anak mo sa susi. " nang sinabi ko ang mga salitang iyon ay nakita ko ang pagkagulat nila at pangamba.

"Edi ang ibig sabihin pala nito na ang lahat ng malapit sa anak ni Erl, Isa sa kanila ay anak ni Luna? " tanong sakin ni Decasp

"Posible, lalo na't nakikinig siya satin ngayon." naramdaman kong may nagmamasid samin. Parang may nakikinig sa usapan namin.

Bigla lamang may kung anong bumato sa bintana ng RA at nabasag ito. Napatingin kaming lahat ng mga teachers dito. Nakita ko ang isnag bato. Nakapulupot doon ang isang papel.

"Malapit na ng pagbabalik ko, kamusta yung susi niyo? Handa naba siya? Pati ikaw kapatid ko? Handa kana ba? " ang nakalagay sa papel.

Arl's POV

Nasan ba ako? Anong lugar to? Bakit puro kadiliman lang nakikita ko?

May mga boses din na tumatawag sakin pero ni isa wala akong makita.

Ang alam ko lang ay mag isa ako sa lugar na to.

To be continued...

RHILTOC ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon