Forgotten Memories 8: Photos

971 54 0
                                    

Forgotten Memories 8: Photos

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kinilos ni Baekhyun kagabi. Inihatid nya ako at nagmamadaling umalis, palaisipan pa rin sa akin kung umiyak sya kagabi kasi pagka-alis nya hinawakan ko yung kanang balikat ko at doon ko nalaman na basa iyon.

 

Bakit siya iiyak?

Yan ang tanong na nasa isip ko kagabi pa halos hindi din ako pinatulog ng tanong na yan kasi kahit anong isip ko ng mga posibleng dahilan kung bakit sya iiyak eh feeling ko walang tama.

8:00 nang umaga at 3oras pa lang ang tulog ko. Nagpasya na akong bumaba dahil alam kong nakahain na ang almusal sa ganitong oras ng mahagip ng mata ko yung kahon na hindi ko nabuksan kahapon dahil sa biglaang pagyaya sa akin ni Beakhyun. Umupo ako sa tapat nun at binuksan ito.

 

Puro litrato, maraming litrato.

Kumuha ako ng isa at tinignan itong mabuti maraming batang lalaki at isang batang babae. Lahat sila ay nakangiti bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Kumuha pa ako ng iba at tignan ito, biglang sumakit ang ulo ko napakaraming imahe ang nakikita ko, maraming boses ang naririnig ko,puro tawanan at asaran.

 

Bakit kailangan mo pang umalis? Tanong ng isang batang lalaki sa isang batang babae kasalukuyang naiiyak yung batang babae.

 

Payat ayaw ko naman eh, ayaw kong iwan kayo pero ito yung gusto nila mommy paliwanag nito pero walang emosyong makikita sa batang lalaki.

 

Sabi mo walang iwanan tapos ngayon aalis ka? Muli ay tanong nito nagsisimula na ring mamuo ang mga luha sa mata nito.

 

Payat wag ka namang ganyan sabi ng batang babae.

 

Kapag umalis ka kalimutan na matigas na sabi ng batang lalaki na mas lalong nagpaiyak sa batang babae.

 

Nadine halika na tawag ng isang babae dun sa batang babae. Matagal bago nakaresponse ang batang babae tila nalilito ito kung sino ang pipiliin.

 

Sorrysabi nito at tumakbo papalapit dun sa babaeng tumawag sa kanya.

 

Ahh napasigaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko, tumulo na rin ang mga luha ko masakit masyadong masakit ang ulo ko. Patuloy pa rin ang paglabas ng mga imahe para siyang isang pelikula na muling ipinalabas. 

Bata halika sali ka sa amin sabi ng batang si Chanyeol sa isang batang babaeng mag-isa sa park pero hindi sya pinansin ng bata. Lumapit sa kanya ang isa pang batang lalaki si Chen.

Forgotten Memories (EXO's Baekhyun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon